Kabanata 10: Gusto Ko ng Babaeng Hindi Ako Minamaliit

110 14 6
                                    

[Miya's POV]

Nahihiya akong ibigay sa kanya yung notebook ko baka kung anong isipin niya. Eh sa naawa ako e. Ang bobo niya kasi.

Umalis ako kaagad sa klasrum. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Namamawis ang mga kamay ko. E kasi naman bakit ko pa kasi binigay 'yun. Dapat hinayaan ko na lang siyang mangamote. Eh! Hindi kasi nag-aaral. Baka nga hindi niya pa yun basahin. Bahala siya, tinutulungan ko na nga e.

"Naku! Ang bait-bait ko talaga! Tama naman iyong ginawa ko dba?" sabi ko kay Shin.

"Oo naman. Tama 'yun," sagot niya.

"Tara kain na tayo," pag-aaya ko.

"Aba! Ngayon ka lang nag-aya a."

"Ngayon lang ba? Haha. Tawagin ko na nga lang si Rian," sabi ko naman.

"Mukhang masaya ka ngayon a."

"Lagi naman akong ganito a," sabi ko naman.

"Weh? Hindi kaya," sabi naman ni Shin. " Sge, tawagin mo na siya."

Tinawag ko na si Rian. Kumain kami sa labas kasi babalik pa kami ng school ng ala-una kasi yun nga, baka may magpatutor ng 1:00 hanggang 3:00.

Kumain kami sa dati naming pinagkainang fastfood sa labas ng school. Nag-order kami ng Spaghettie with chicken. Yum! Yum! Paborito namin iyon lalong lalo na yung spaghettie nila. 

"CR muna ako," pagpapa-alam ko sa kanila.

Pumunta ako sa CR kasi nga naiihi ako. Pumasok ako sa girl's CR at umihi.

Nung pabalik na ako sa mesang pinagkakainan namin, may nakasalubong ako.

o.0

o.O

o.O

Napalunok ako.

Nanlaki mga mata niya saka yumuko.

Tumingin ako sa pakaliwa tapos pakanan.

"aaa" <--- siya

Teka lang medyo awkward 'to.

"mmm" <--- ako

"aaa. Excuse me. Padaan." sabi ko na lang.

"a cge, " sagot naman niya.

Sabay kaming humakbang sa kanan.

"Sorry." sabay naming sabi.

Tapos sabay na namang humakbang kami sa kaliwa. 

"Mauna ka na lang maglakad," sabi ko.

Hindi ko na siya tinignan at mabilis na akong bumalik sa table namin matapos niyang dumaan. Ano ba 'to?!  Parang kinakabahan ako na parang nanlalamig ako na parang naguguluhan na parang nahihilo. Bakit ba iba yung pakiramdam ko nung pinahiraman ko siyang notebook? Yang butiking 'yan kung anu-anong dinudulot niya sa akin.

Nakarating na nga ako sa mesa namin. 

"O, anong nangyari sa'yo? Natae ka ba? ," tanong ni Shin sabay tawa.

"Che! Hindi no. May nakita lang akong butiki," sagot ko.

"Butiki?!" sabi naman ni Rian.

"Oo, isang masamang butiki. Tapos na ba kayong kumain?," sabi ko. "Alis na tayo."

"Anong sinasabi nito? Tara na nga!"  sabi naman ni Shin.

Hindi niyo ako na-gets. 

Pumunta na kami sa Council Office at nag-antay ng mga magpapa-tutor.

Si DANCER at AKOWhere stories live. Discover now