Kabanata 13. "Salamat sa Notebook"

100 11 4
                                    

[ Price's POV ]

Nakahiga ako sa kama ko at nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Kanina ko pa pinipilit matulog pero hindi magsara 'tong mga mata ko. Napagod naman ako sa praktis namin kanina pero bakit 'to kung anu-ano ang naiisip ko.

"Good job" tapos ang kanyang mga ngiti

Ano ba?! Ngiti lang 'yun. Pero bakit parang may gustong ipagawa sa akin ang konsensya ko? Dapat ba nginitian ko rin siya at nagpasalamat?

Eh! Hindi! 

Bumangon ako at nag-isip ng gagawin. Makapag-internet nga na lang. Nagfacebook muna ako. Naku naman, 465 friend requests at 53 notifications . Nakakatamad kasing buksan e kaya ayan naiipon na. Hindi ko naman kilala yung mga iba.

News Feed.

Wow! Ako 'to a.

May spaghetti sa mukha ko at sa polo ko. May babaeng malaki ang eye bags na galit na galit ang mukha na nasa harapan ko.  

Saka may caption: "Walang sa'yo utak-butiki! Akin lang ang spaghetti ko!"

Wahahahaha. Bwisit talagang Ramon 'yun, inupload pa niya. [Tagged with Price Wantel and Miya Reyes]

Nacurious lang ako kaya cli-nick ko yung pangalan ni Miya Reyes.

Profile picture niya ay ang family picture nila.  Cover photo e tatlo sila ng kasama niya palagi na lalaki tapos isang babae. Wala na akong makita pang iba kasi hindi ko siya friend.

Add friend ko kaya? 

Huwag baka isipin niyang gusto kong makipagkaibigan sa kanya.

"Tulog na nga lang ako," saka ko sinara yung laptop.

----------------------------

[Miya's POV]

Ano ba kasing iniisip ko at pinuri ko pa 'yun. Nagmukha tuloy akong nabasag dun. Eh, ano pa bang ine-expect ko sa taong 'yun? E walang puso yun e. Sana man lang kasi nagpasalamat siya o ngumiti man lang. Pinahiram ko pa man din yung notebook ko. Hay. Sa susunod talaga, mananahimik na lang ako.

Hindi ako makatulog. Tapos na akong magreview saka alas-onse na. Tignan ko nga muna kung online si Shin at Rian.

1 notification.

Ako 'to a. Ang dungis ko naman at si utak butiki 'to a. 

"Walang sa'yo utak-butiki! Akin lang ang spaghetti ko!"

Wahahaha. Sinong nag-upload nito?  tagged with Price Wantel and Miya Reyes. Dapat " tagged with Utak-butiki" kasi masyadong maganda ang pangalang Price para sa kanya. 

Chi-neck ko yung profile niya. Curious lang. 

Profile picture: Mukha niya. [Wa ko ma-say.]

Cover Photo: Sila ng grupo niya. [Hmmm.]

Woah! 3987 friends. Grabe lang?! 

Ayun lang naman ang nakita ko sa profile niya. Hindi ko kasi siya friend e saka wala akong balak.

"Tulog na nga lang ako," saka ko i-shinut-down yung kompyuter.

Kina-umagahan.....

Malapit na ako sa gate ng skul namin ng nakita kong maraming tao sa gate. Binilisan ko ang paglalakad para tignan kung anong nangyayari doon.

Tsss. Wala lang naman pala, mga babaeng gustong makipagpicture sa Country's Largest Lizard.

Nakita niya akong nakatingin sa kanya. " Tsss.." 

Papasok na sana ako ng gate namin nang may tumawag sa pangalan ko.

"Miya!"

Alam kong si utak-butiki yung tumawag sa akin. Nakikilala ko yung boses niya. Naks naman. Ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko. 

Huminto ako sa paglalakad at lumingon.

"Ano?!"

"Pwede raw ikaw magtake ng picture?" saka inabot nung isang babae yung camera niya.

Wah?!!! Who do you think you are?! Dinadamay niyo pa ako.

"Aaa?" Hay naku. Tinitigan ko yung mga kasama niyang babae. Iba ang uniform nila. Nakakahiya naman kung hindi ko pagbigyan no. Presidente pa man din ako. 

Hawak-hawak ko na yung camera.

"1-2 smile." Ngumiti naman sila. 

"Isa pa. Isa pa," hirit ng isang babae.

Aba, humirit pa. Hmmmm. 

"1-2 smile."

"Isa pa. Isa pa," sabi naman ni Price sabay nag- evil smile sa akin

Nananadya ka ba? 

Inirapan ko siya.

"1-2 smile." Sa wakas, tapos na.

Ibinalik ko yung camera sa babae tapos tumalikod at naglakad na muli. Hindi na ako tumingin sa likod baka may iutos pa uli sa akin.

Maya-maya ng naglalakad na ako sa playground ng skul para pumunta na sa council office parang pakiramdam ko may sumusunod sa akin.

Dahan-dahan akong naglakad at biglang titingin sa likod pero pagtingin ko, wala namang katao-tao. Assuming lang no? Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Bang!

May naramdaman akong bagay na tumama sa ulo ko. 

"Aray!"

Tumalikod ako agad.

"Hoy! Sinong.." sigaw ko pero hindi ko na ipinagpatuloy ng nakita ko sa sahig ang bagay na tumama sa ulo ko. Bwisit kang utak-butiki ka!

Grrrr. Nagdilim ang aking paningin at nag-init ang aking ulo. 

Sa galit ko, agad-agad kong pinulot yung saging sa sahig. Hinanap ko ang taong iyon. 

Takbo riyan. Takbo dito. Halos nalibot ko na ang buong eskwelahan, hindi ko pa rin sa mahanap. Hingal na hingal na ako kaya napaupo muna ako sa ilalim ng puno na nasa gilid ng playground.

Hawak-hawak ko pa rin yung saging kasi balak ko sanang ibato pabalik sa kanya. Tinignan ko yung saging at itatapon ko na sana ng may nakita akong kakaiba sa saging.

Nakasulat ang mga katagang " Salamat sa notebook  " sa balat ng saging.

Wow ha. Ang galing naman ng paraan niya ng pagpapasalamat. How thoughtful of him

Tsss. Utak-butiki ka talaga. Pero kahit papaano marunong siyang magpasalamat. Nakakagaan ng pakiramdam.

Napakamot ako sa ulo ko at napapangiti habang tinitignan yung saging. 

Humupa yung galit na nararamdaman ko. Hindi niya pa kasi diretsong sabihin para hindi na ako nagalit ng ganito.

Nilagay ko yung saging sa bag ko at nagmadaling pumunta sa klasrum kasi mag-a-alas-otso na.

[Price's POV]

Ayun siya sa ilalim ng puno. Ba't ba kasi siya galit na galit? Hindi ba niya nakita yung isinulat ko dun? 

Patago ko siyang tinitignan mula sa itaas kasi gusto kong malaman kung mababasa niya ba yung nandun sa saging at gusto ko ring malaman yung reaksyon niya. Sabi ng tatay ko " Just be yourself" nung tinanong ko siya kung paano magpasalamat. Just be myself? Kaya ganun iyong naisip ko. Sa ganung paraan parang hindi ako naiilang at ganun talaga ako. Ayoko ng masyadong madrama, corny at sweet. Ayokong nakakapanood ng mga eksenang tulad ng mga 'yan.

"Uy, ngumingiti. Naku, feel na feel naman niya." 

Pero natutuwa ako na napangiti siya kahit ganun yung paraan ko ng pagpapasalamat. Hindi ko kaya ng harap-harapan baka hindi ko pa masabi.

"Pre! Anong ginagawa mo diyan. Hinahanap ka ni Presidente. Galit na galit siya. Ano na naman ginawa mo?" biglang sabi Ramon ng nakita niya ako.

"Hah? Wala . Wala. Tara na," sabi ko naman at pumasok na kami sa klasrum.

Si DANCER at AKOWhere stories live. Discover now