Kabanata 17. It starts TODAY

42 2 1
                                    

[Miya's POV]

"Wah! Late na ako!"

Nahuli ako ng gising at nagmamadali na akong maglakad papunta sa school. Nang natatanaw ko na yung school gate, nakita ko sina utak-butiki at may isa ring grupo ng mga lalaki na kalalabas lang sa isang kotse. Naka-uniporme yung isang grupo ng uniporme ng Finford high School. 

Binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa marinig ko kung anong pinag-uusapan nila.

"Dinalaw niyo pa kami. Ang sweet naman. Anong pakay niyo ha?" sigaw ni Price sa mga taga-Finford.

"Ha-Ha-Ha. Chill ka lang. Nandito lang kami para i-visit kayo pero mukhang nasayang lang ang time namin. Nakalimutan ko palang puro lang kayo chamba. I must say na PIPICHUGIN nga kayo," mayabang na sagot nung isang taga-Finford.

Biglang lumapit si utak-butiki sa lalaking ito at hinugot siya sa kanyang kwelyo. Pinipigilan siya ni Ramon pero ayaw papigil si Price.

Tumakbo ako sa papunta sa kanila.

"Anong nangyayari dito?!" sigaw ko habang humihingal pa ng konti.

Susuntukin na sana ni utak-butiki yung lalaki pero natigil ito nang marinig nila ang sigaw ko.

"Bitawan mo siya utak-butiki. Ang aga-aga e nakikipag-away kayo." Ayaw bitawan ni utak-butiki yung lalaki kaya pumunta ako sa tabi nila at pinaghiwalay silang dalawa.

"Pumasok na kayo kung ayaw niyong malaman 'to ng Principal at kayo naman, huwag kayong nanggugulo dito. Umalis na kayo," galit kong utos sa kanila.

Tumingin yung mga taga-Finford sa akin at lumapit yung lalaki na muntik ng suntukin ni utak-butiki. 

"Hi Miss. And who are you?"

May lumapit sa kanya at may binulong ito.

"Ikaw pala, Ms. President. I've been waiting for this day to meet you. Brave and beautiful." Papalapit siya ng papalapit. Tinulak ko siya gamit ang aking kaliwang kamay at bigla naman niya akong hinawakan sa kaliwang braso.

"Hoy! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko habang pinipilit na kumawala sa kanyang pagkakahawak pero ang higpit ng hawak niya.

Sa isang iglap, may malakas na pwersa na humila sa kamay niya at napaupo siya sa sahig. 

"U-utak-butiki?" blong ko sa sarili ko.

"Huwag ka ng babalik dito, James," seryosong sabi ni utak-butiki habang hawak-hawak uli niya ito sa kwelyo.

Nakatayo na lang ako at  parang wala sa sarili ko. Maya-maya may humila sa akin papunta sa loob ng school.

 ......dub-dub-dub-dub-dub

"Huwag ka na kasing makialam!" inis na sabi niya sa akin na siya namang ikinagulat ko.

 ......dub-dub-dub-dub-dub

"Pres, mukhang late ka na ata," sabi sa akin ni Dennis.

"Price, natatagalan na ata ang pagkakahawak mo sa kanya," natatawa namang sabi ni Ramon.

At naramdaman kong wala na yung mahigpit na nakahawak sa may pulsuan ko.

"Ui, wala ka bang balak pumasok?" tanong ni Benjie.

"Hah? Oo nga! Late na ako!" saka ako kumaripas sa pagtakbo. 

 ......dub-dub-dub-dub-dub

Hindi na ako makapag-fokus sa pinag-aaralan namin. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko at hindi humihinto ang pagnginig ng mga tuhod ko.

Nung tumunog na yung bell, agad akong lumabas para magpahangin. Nakatayo ako sa tapat ng terrace ng corridor at pinapakalma ang sarili ko. Matapos ang ilang sandali, may tumabi sa akin.

Si DANCER at AKOWhere stories live. Discover now