Kabanata 7. Mahinahong Araw ng Algebra

127 14 7
                                    

 [Point of View ni Price]

Ang galing ko talaga. Hindi kasi niya kilala kung sinong kinakalaban niya.

-------------------------------------------------

Ihing-ihi na talaga ako tapos naghahanap ako ng malapit na CR. Nadaanan ko yung library namin tapos ang pagkakaalam ko may CR sa loob nito. Hindi ako sigurado kasi hindi ako nagpupunta dito. Pumasok ako at hinanap ko ang CR. Ihing-ihi na ako tapos hindi ko pa mahanap . Dumeretso lang ako ng lakad at nakita ko na. 

Pagkalabas ko, napatingin ako sa kanan ko. May nakita akong babaeng mahaba ang buhok. Nakasalampak siya sa sahig tapog nakasandal sa lalagyan ng mga libro. Nilapitan ko baka nahimatay. Pero hindi pala, natutulog lang siya.

Dumaan ako sa tabi niya tapos lumingon ako at nakita ko siya ng mas malapitan. Si Saging, si Presidenteng mayabang pala iyon. Naalala ko yung mga ginawa niya sa akin kaya magdusa siya.

Umalis ako agad. Buti na lang walang nakakita sa akin. Busy ang lahat. Ganito pala dito, first time ko kasing pumasok dito e. Tumingin ako sa orasan 12:40 na.

Umakyat na ako sa room namin para magpraktis. Tapos 'yun nga sinugod na naman niya ako. Ako naman e relaks lang kasi wala siyang pruweba na akong gumawa nun. Magprapraktis na lang ako.

Pagkatapos niya akong sinugod, nagsimula na silang magtanong.

"Pre, ikaw ba ang may pakana nun?" tanong ni Ramon. Sumenyas akong lumapit sila baka kasi may makarining.

"Mga pre, wag kayong maingay. Oo ako. Ginawa ko kanina nung pumunta ako sa library."

"Library?! Nanloloko ka ba?!" biglang tanong ni Alberto.

"Oo. Doon ako umihi kanina, ihing ihi na kasi ako."

"Aaa. Akala ko naman nag-aaral ka na."

"Tumigil ka nga riyan. Basta mga pre, tahimik lang."

"Hay naku! May sira ka talaga Price. Manang-mana ka sa akin," sabi ni Ramon.

"Hahaha. Loko ka talaga," sabi naman ni Benjie.

Biglang tumunog yung maingay na bell at mag-aaral na naman. 

[POV ni Miya]

Alas singko na. Hindi pa alam nina Shin ang nangyari kaninang lunch break. Umarte na lang ako ng normal. Magsisimula na rin ang ikalawang araw ng remedial class pero nang dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, magsisimula pa lang kami ngayon.

"Good luck sa'yo Miya nasa kabila lang ako," malakas na sabi ni Shin.

Ngumiti na lang ako sa kanya. 

Go lang ng go!!! Kaya ko 'to.

Kinuha ko na ang mga gagamitin ko sa remedial class at pumunta na sa klasrum. Itinali ko ang aking buhok, huminga ng malalim at itinago ang aking nagngangalit na kalooban gamit ang aking ngiti. Tama! I will kill them with my smile. Wag na akong magpapa-apekto.

Naglalakad ako papunta sa klasrum para sa remedial. Himala. Wala akong naririnig na ingay. 

Pumasok ako at nakita kong wala pa yung grupo ni Price. Ang nasa room lang ay yung mga natitirang lima. Nakatingin sila sa akin at tiningnan ko rin sila.

"Bakit?" tanong ko.  Saka na sila tumingin sa ibang direksyon. " Ano ba? Past is past," dagdag ko.

"Simula ngayong araw, dapat makinig kayong mabuti sa mga leksyon natin. Bawal ang ma-late ha"

Saka naman dumating ang grupo ni Price. Ang ganda naman ng timing nila.

Umupo sila at hindi ko na sila pinansin. 

Si DANCER at AKOजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें