Kabanata 5. Price's Fruit Revenge

150 16 16
                                    

" Okay, sisimulan natin sa Algebra."

Tumingin ako sa syllabus na ibinigay ni Teacher Sanchez at dapat kong simulan sa worded problems ng Algebra. Tumalikod ako at nagsulat sa pisara. 

---------------------------------

Worded Problems

1. Peter and Anna bought a land that costs 12000 pe--

---------------------------------

Nang ano-ano'y ...

TUGS!

May naramdaman akong bagay na tumama sa ulo ko. Medyo masakit at nabigla talaga ako. Hinawakan ko ang aking ulo gamit ang aking kanang kamay. Tumingin ako sa sahig at nakita ang isang piraso ng saging na ibinato sa akin. May narinig akong malakas na halakhak na nanggagaling sa nag-iisang tao sa likod ko.

Dahan-dahan akong tumalikod upang tignan kung sino man yang unggoy na bumato sa akin. Nanlilisik ang aking mga mata at nagdilim ang aking paningin nang makita ko si Price na nakatayo sa likod at humahalakhak. Nakalagay pa talaga 'yung kanang kamay niya sa tiyan niya. Hindi naman siya masyadong natutuwa 'no?

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakakairita ang kanyang halakhak parang unti-unti nitong sinisira ang pandinig ko. 

Agad-agad kong kinuha ang aking sapatos. Aim and smash! 

Aaaghsh.

Nakailag siya.

Bwisit. 

"Hahaha, akala mo ganun lang kadali?" pa-uyam niyang sinabi saka nagtawanan silang lahat. Pinulot niya yung sapatos ko. Tawang-tawa siya habang ako naman medyas lang ang suot ng aking kanang paa. 

"Hoy utak-butiki! Ginagalit mo ba talaga ako?" pasigaw kong sinabi at tumakbo upang sugurin siya. 

Hinawakan ko ang kanyang kanang braso at tinitigan siya mata sa mata. Ngumiti siya at kumawala siya sa pagkakahawak ko. Mabilis siyang gumalaw. Hinawakan niya ako sa balikat at itinulak ng kaunti.

"Unang-una sa lahat hindi ako utak-butiki at 'tong sapatos mo uhmm... pre, catch!" Ipinasa niya yung sapatos ko sa mga ka-grupo niya. Sinundan ko ng tingin ang lumilipad kong sapatos at nakuha ito ni Alberto saka niya pinasa kay Ramon. Pinagpapasahan nila yung sapatos ko.

"Heh, walang hiya kayo!" saka ako tumingin kay Price.

"RAAAAA...."

Tinadyakan ko yung mga paa niya at sinabunutan. Ew. Ang tigas ng buhok niya. Napahiga siya sa sahig at ako naman, patuloy ko siyang sinasabunutan habang pilit niyang inaalis ang mga kamay ko sa kanyang matigas na buhok.

Hya Hya!

Tugs **!

Tugs ***

Bam!!

Bam!!! 

At pati ako, sinasabunutan na rin niya. Peste talaga 'to. Habang ang mga kagrupo niya, tawa nang tawa.

Natapos lang ang pagsasabunutan namin ng biglang dumating si Shin at inawat kami.

"Anong nangyayari dito? Pare naman, babae 'tong inaaway mo," sabi ni Shin habang inaalalayan niya ako patayo.

"Babae? Nagkakamali ka pare, lalaki 'yan. Masyadong palaban," sagot ni Price.

"Akin na yang sapatos ko!" pasigaw kong sinabi sa mga kasama ni Price.

Si DANCER at AKOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang