Kabanata 16. Ang Tagapagtanggol ni Payatot

76 7 7
                                    

[POV ni Price (Sa Bahay nina Price)]

"Parang mabait yung kasama mo kanina. tingin ko dapat you should treat her well."

"Pa? Hindi siya tulad ng iniisip mo," sagot ko naman sa tatay ko.

"Bakit naman? By the way, what's her name?"

"Miya po."

"Siya ba yung gusto mong pasalamatan kaya tinanong mo ako noong nakaraang araw kung paano magpasalamat? Am I right, anak?"

Shhh. Andami mo na pong tanong....

"Pa, pasok na ako sa kwarto ko." saka ako tumakbo sa kwarto ko.

"Anak, why are you running away? Hahahaha. Oh, these kids..Hahaha"

Nakakahiya talaga pero nagawa ko pa rin. Nakakagaan nga sa pakiramdam. Pero yung nanay niya... yung nanay ng batang yun... 

*        *        *

Sa tabi ng isang fishpond sa likod ng isang eskwelahan...

"Payatot!"

"Payatot!"

"Lampayatot!"

Tinutukso ng tatlong sigang batang lalaki ang isang bata na payat, mahina at maliit. Magkasing-edad lang sila.

Hawak-hawak nung dalawa yung payatot na bata sa magkabilang braso. Hindi makawala yung payatot at iyak lang siya ng iyak. Papalapit naman ng papalapit yung isa na may hawak-hawak na maliit na supot na may laman na isang earthworm. 

"Dali! Ilagay mo na sa loob ng t-shirt niya," sabi nung isa na nakahawak sa kanang braso ng payatot na bata. Nagtatawanan yung tatlong siga samantalang iyak ng iyak yung payatot. Wala siyang magawa kundi umiyak. Isang napakalaking iyakin yung batang payatot.

Pumikit siya nung nasa harapan na niya yung batang may dalang earthworm. Tinatakot siya ng mga batang siga. 

Ilalagay na sana nung bata yung earthworm nang biglang may dumating.

"Pakawalan niyo siya. Hindi niyo ba alam na masama 'yang ginagawa niyo?"  sigaw ng isang batang babae na ka-edad lang siguro ng apat na lalaking bata.

Tumingin sila sa kanya at lumapit naman yung batang babae. May hawak-hawak yung babae na garapon na punong-puno ng earthworms. Matapang na matapang yung batang babae hindi tulad nung payatot na iyak lang ng iyak. 

"Umalis na kayo kung ayaw niyong itapon ko 'tong hawak ko sa inyo."

Nagsitakbuhan yung tatlong sigang bata. Takot na takot sila.

"Ha-ha-ha-ha-ha." Napatawa ng malakas yung batang babae.

"Huwag ka ng umiyak," sabi ng batang babae sa payatot saka niya inabot yung kanang kamay niya. Tinulungan niyang tumayo yung payatot.

"Eto o sa'yo na 'tong Jollibee na panyo ko. Punasan mo na yang luha mo. Huwag ka ng matakot sa kanila. 'Wag ka ng makipaglaro sa mga yun. Kapag inaway ka nila ulit, labanan mo sila. Huwag kang matakot. 'Wag kang magpa-api."

Hindi na nakapagsalita yung payatot. Inabot niya yung panyo at bigla namang dumating yung nanay ng batang babae.

"Anak, nandyan ka lang pala. Halika na at ipakain na natin 'yang mga earthworms sa mga isda," sabi ng nanay niya.

"Alis na ako ha. Tandaan mo yung mga sinabi ko," sabi ng batang babae saka siya ngumiti at pinuntahan yung nanay niya.

Naiwan na lang si payatot na hawak-hawak yung panyo na ibinigay ng batang babae.

*        *        *

At ang payatot na 'yan ay isa ng kinatatakutan ngayon. Ang payatot na 'yan ay isa ng magaling na dancer. 

Siya kaya yung nanay ng batang iyon? Si eye-baging presidente kaya yung batang babae? 

Hindi ko na kasi siya nakita kasi lumipat kami agad sa lugar kung saan ko nakilala sina Ramon, Alberto, Benjie at Dennis.

Sa lugar kung saan ako nagbago

...kung saan ako natutong lumaban

...huwag matakot

...huwag magpa-api

------------------------------------

Author's Note:

Hello sa mga nagbabasa nito (Sana meron). Salamat ha.  

Ilabas ang inyong mga hinaing. Comment lang diyan... :))

Si DANCER at AKOWhere stories live. Discover now