Akala ko ay pagbubuksan ako ng pinto ni Gavin pero katulad ng kanina ay hindi niya ginawa yun. Nauna lang siyang lumabas at hindi ako hinintay kaya ako mismo ang nagbukas ng pinto para sa sarili ko.

Pagkarating namin sa school ay pumunta agad sakin si Crisel at Elaine. Tinatanong nila kung kamusta ang 'date' namin ni Gavin at kung ano ang nangyari.

Dahil mga kaibigan ko sila ay sakanila ako nag-rant. Sinabi ko sakanila kung gaano kasungit si Gavin paminsan-minsan. Sinabi ko rin sakanila na parang nagalit si Gavin ng tanungin ko ang full name ng kapatid niya. Nung sinabi ko yun ay nagkatinginan lang sila at sabay tumawa. Hindi nila sinabi kung bakit kahit pilitin ko pa sila. Ngayon, nagda-dalawang isip na ako kung kaibigan ko ba talaga sila.

Maya-maya ay natapos na kaming maglinis. Magga-gabi na nung natapos kami kaya dumiretso uwi na kaming tatlo.

Naka-uwi na ako lahat-lahat pero hindi parin ako kinausap ni Gavin. Hindi naman sa nage-expect talaga ako na kakausapin niya ako kasi hindi naman kami ganun ka-close at kakakilala palang namin 2 days ago pero malay mo naman, diba?

Habang naka-upo ako sa kama at pinapatuyo ang buhok ko ay tiningnan ko kung online si Gavin at nagkataon naman na oo kaya chinat ko siya.

9:49 PM

Gavin?
Seen

Isang seen pa nitong kausap ko, maghihiwalay talaga kami!

9:51 PM

Are you mad?

9:54 PM

No. I'm just doing something.

9:55 PM

Oh, ok. I'll just talk to you tomorrow. I'm really sleepy na eh. Night.

9:58 PM

Night.

10:00 PM

Sweet dreams. In short, dream of me.

10:02 PM

Sure, Estella. Just dream of
me too.

Gaya nga ng sabi ko kay Gavin ay natulog na ako agad dahil talagang inaantok na ako. Dahil siguro sa pagod kaka-linis ng mga classrooms at hallways ng school.

I don't even have the energy to scream and jump on my bed for Gavin's reply because my body hurts, ganun ako kapagod.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising kaya diresto kain na. Nakakagutom talaga kahit natutulog ka lang naman.

Ok lang naman na tanghali ako gumising dahil hapon pa naman ang work ko.

Nagta-trabaho ako sa sariling company ng pamilya ko pero hindi ganun kataas ang posisyon ko. Dahil sabi ng mga magulang ko ay kailangan ko munang magsimula mula sa mababang posisyon at itrabaho ang daan ko pataas dahil balang araw ay sakin nila ipapamana yun dahil wala naman akong kapatid kaya kailangan maging sanay na ako sa hirap dahil mahirap daw talaga ang mag-manage ng isang kompanya.

Overdose on Love | ✔ Where stories live. Discover now