Chapter 50

279 8 5
                                    

Nadine's POV

Everything here was so dark and the smell and the dirt i feel was so much. Nagising ako sa isang saboy ng malamig na tubig sa aking mukha at halakhakan ang bumungad sa aking pagkamulat. Napalingon ako sa tabi ko,ang anak kong si Nathan ay nakapikit na tila mo'y hinang-hina at walang lakas. May tuyong dugo pa ang parehas na damit naming suot.

Inalala ko kung bakit ako nandito. Sumakit ang ulo ko ng sobra at hindi maisip kung paano ko napunta din,ang alam ko lang ay nakatulog ako at kasama namin ni Nathan si Janine ngunit wala na sa lugar na ito ang aking anak na babae.

Nilibot ko ang tingin sa buong paligid,marumi,madilim at mabaho na parang abandonadong bodega ang kinalalagyan namin. Nakagapos ako sa isang silya at medyo hindi na kaaya-aya pagmasdan ang karungisan ng aking katawan,medyo sira-sira na din ang damit na suot ko. Hindi ko matandaan kung ilang araw,linggo oh baka buwan na akong naririto kasama ang kaawa-awang anak ko.

Napabuntong hininga na lamang ako. Nag-iisip kung ano nga ba ang mga nangyari,puro kamalasan na lang ang inaabot ko sa buhay na ito. Sa gitna ng aking pagmumuni-muni,biglang malakas na tunog ng pagbukas ng pinto ang aming narinig. Kumalabog ng mabilis ang aking puso sa di maipaliwanag na dahilan,nag-adjust ng ilang minuto ang aking mga mata sa liwanag na nagmumula sa bukas na pinto. Tumambad sa akin ang pigura ng dalawang babae na may matamis ang ngiti na nakatingin sa akin,unti-unti kong narealized kung sino ang nasa aking harapan

"Anong ginagawa ko dito? Asan si James at Janine? Bakit niyo kami kinuha ni Nathan?" nang-gagalaiti at puno ng galit at pait kong sambit.

"poor Nadine Alexis Lustre Reid, i hate you so much i want you to rot here" may disgusto pa ang pagbanggit nya sa apelyido ng aking asawa. Kami pa nga ba ni James?

"Lahat naman sinunod ko ah? Lahat ng utos mo,sumosobra ka na. Lahat ng gusto mo binigay ko,nangako ka na lulubayan mo na ako at ang pamilya ko! Wala kang isang salita" puno ng hinagpis kong sambit,kitang-kita sa mata niya ang galit na nakadirekta sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya ganito at bakit niya ako ginaganito,i've never been rude to her in our entire life

"I hate you for being a Lustre and i will kill you for being a Reid! Inagaw mo na sakin lahat Nadine,ikaw na lang lagi! Kahit anong pananahimik mo,kahit mawala ka ng ilang taon,ikaw pa din ang gusto nila!! At ikaw lang ang gugustuhin ng lahat,oh well not unless pag talagang pinaglamayan ka na nila HAHAH. They will get over you the moment you'll die,for sure they will grieve and cry pero malilimutan ka na din nila as time passed by. Kaya kailangan mo mamatay,hindi ako matatahimik hangga't parehas tayong humihinga. Masikip para sakin ang Mundo pag nandito ka Nadine,at hindi ko kailanman tatanggapin na higit ka sa akin sa lahat ng bagay!" hiyaw niya sa aking mukha.

Naramdaman kong gumalaw si Nathan sa tabi ko,nagising siguro sa lakas ng sigaw ng babaeng asa harapan namin. Huminga ako ng malalim at gusto siyang intindihin muna,na may dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Iminulat ng anak ko ang kanyang mapupungay na mata,napatingin ang dalawang babae sa harapan namin sakanya.

Lumapit sila,bumalatay sa mukha ko ang takot na may maaari silang gawing masama sa anak ko. The moment that one of them will lay a finger again on Nathan i swear to God i'll break their Jaws and make them suffer so bad that they'll just wished they die.

Hinawakan niya ng pahapyaw ang pisngi ng madungis na si Nathan,tinignan ako ng anak na tila humihingi ng tulong ang mga mata,masama kong tinignan ang babae.

"Bitawan mo ang anak ko! Wag mo siyang idamay,ako ang kailangan niyo hindi ba?" naiirita kong sambit,tinapunan nya ako ng tingin at tinawanan

"Masyado kang mayabang,tingin mo ay kaya mo ang lahat. Kaya mo ba si Kamatayan Nadine?" nakangisi nitong wika sa akin at muling hinaplos ang pisngi ng aking Anak

"Kamukha mo si James kahit hindi ka niya tunay na Anak,magagandang mga mata,labi,at mahahabang pilik-mata. I wonder if kami nagkatuluyan,ganto siguro ang itsura ng TUNAY na anak namin,hindi na namin kailangan mag-ampon pa dahil kaya ko naman siya bigyan ng anak kahit ilan pa ang gusto niya" parang nababaliw na wika nito sa tahimik na si Nathan,pakiramdam ko iniisip ng anak ko kung saan niya nakita ang babae.

"By the way,i send your Daughter in front of James house. Takot silang lahat eh HAHAHAH,by now baka nag-uundergo na ng Theraphy ang anak-anakan mo na si Janine. She got traumatized watching you suffer and she got bruises kasi masyado siyang makulet" dagdag pa nito at tumalikod samin.

"Fvck you i swear mapapatay kita the moment na kinanti mo muli ang pamilya ko!!! Hayup ka wala kang awa,wala kang puso!" sigaw ko sakanya,nginisihan lang niya ako at muling lumapit sakin,hinawakan niya ang pisngi ko,nakakulong sa iisa niyang kamay at nakadiin.

"Hindi ka na makakaalis sa impyerno na'to Nadine,wag ka ng umasa maisasalba ka pa ng pamilya mo oh ng asawa mo. Masyado ka ng naging maswerte sa buhay na ito,kailangan mo na mawala." nakangiti siya ng mala-demonyo,sasagot na sana ako ng bigla niya akong sinampal ng malakas

Biglaang parang nanlabo at umiikot ang paningin ko,bago ko mawalan ng malay sa malakas niyang sampal ay nakita ko pa ang takot at ang luha na pumatak sa magagandang mata ng anak kong si Nathan... At naging dilim na lang ang lahat

-------
THIRD PERSON PIV

"Mommy!!!" ang hiyaw ni Janine na nananaginip ng masama ang gumising sa wala na halos tulog na si James. Napabangon si James at nakita ang umiiyak na anak,ilang araw na sila sa Hospital. Unti-unti ng gumagaling ang mga pasa at gasgas na natamo ng anak niyang babae ngunit madalas itong nagkakaroon ng masamang panaginip.

Awang-awa si James sa anak at hindi alam ang gagawin,kumunsulta na siya sa ilang kakilalang Psychologist. Wala pa rin sila masyadong lead kung nasaan si Nadine at Nathan,laging maling impormasyon ang nakukuha nila tuwing sila ay naghahanap. Halos mabaliw na siya sa mga oras na nagdaan na hindi alam kung nasaan ang kanyang mag-ina.

Inalo ni James ang anak na si Janine para ito'y makatulog muli ngunit nagwawala na naman ito kaya kinailangan niyang magtawag ng Doctor,agad na nag-inject ng pang-pakalma sa dextrose ni Janine at muling nakatulog ang bata. Napabuntong hininga na lamang si James sa nagyayari sa buhay niya,sa buhay ng kanyang pamilya. Labis labis ang pagmamahal na meron siya sa anak at sa asawa niyang matagal na nawala sakanyang piling.

Hindi pa din ganuon nagsisink in sa utak niya ang mga kaganapan sa buhay nila. Parang lahat ay magulo,hindi niya mawari kung bakit sakanila nangyayari ito. Hirap siyang aminin sa sarili ang mga nangyayari.

Napasabunot na lamang siya sa sarili,natigil lamang ang kanyang pag-iisip sa pagiging miserable ng tumunog ang Cellphone niya.

Agad niya itong kinuha sa bulsa at halos takasan ng kulay ang kanyang mukha at muntikan na din niyang mabitawan ang Cellphone

Isang mensahe sa hindi kilalang numero ang nakita niya at may kasamang litrato ng puro pasa at sugat niyang mag-ina.

End..

A/N: Sorry readers for the super duper as in years of waiting for me to update. I'll try my best to finish this story this year. I'm back at writing,as in ngayon lang. May nagbabasa pa ba nito? :'< i'll hope all is well

JaDine broke up alreadly pero let's wait till they come back and marry each other for real

Few more chapters and i'm closing this book. iloveyouuu all super sorry talaga huhu,i hope i'm forgiven thouuu :"((

Husband and Wife in PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon