Chapter 40

2.7K 116 19
                                    

Chapter 40: Expect the unexpected :)

-Update about JaDine! Napilayan si James,his one leg got swollen pagkayari ng first concert nila

Why? Nagkagitgitan daw ng paakyat na sila sa Bus na sasakyan nila at natukod ni James ang tuhod niya sa hagdan at nadiinan ata,i don't know if that is really the true reason but anyway i'll hope Hayme will get well soon 😘 We know that Naddie is really taking good care of him so no wonder kung gagaling siya kaagad.

-so that's it! Here's the Chapter 40! Enjoy Reading :*

-----------------

THIRD PERSON POV (Narrator)

Ilang araw na si James na wala sa sarili at hindi alam at hindi maintindihan ang sarili. Nalilito siya sa nararamdaman niya,natutuwa ba siya na nalaman niyang buhay pa si Nadine o nagagalit dahil pagkayari ng walong taon ay ngayon lang ito nagpaparamdam muli?

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Halo-halong tuwa,lungkot,galit,pananabik at kung ano-anong emosyon.

"Doc James" nawala siya sa iniisip ng may pumasok na isang Nurse.

Nasa Hospital siya at nakaduty pero parang waa din siya duon. Andun ang presensiya niya ngunit lumilipad naman ang utak niya sa kung saan.

"Doc James" ulit pa ng Nurse sa pagtawag sakanya. Sa ikalawang pagtawag ng Nurse ay bumalik na siya sa Reyalidad.

Timikhim muna siya bago sagutin ang Nurse "y-yes?" Wika niya sa Nurse.

"Hindi pa po ba kayo uuwi? Parating na po si Doctora Reyes" wika ng nurse sakanya.

Napatingin siya sa orasan at napagtanto na kailangan niya ng umalis para sunduin ang mga anak. Si Doctora Reyes ang kapalitan niyang Doctor.

Wala siyang sinabi sa Nurse. Hinubad lang niya ang suot niyang pangdoctor at kinuha ang dalang bag at nagmamadaling sumakay sa Kotse para sunduin ang mga anak.

Pagkarating sa Eskwelahang pinag-aaralan ng mga anak ay kaagad niyang natanaw ang mga nakasimangot na mukha ni Nathan at Janine,wala ng ganong tao at halatang aburido pareho ang magkapatid sa tagal ng paghihintay sa sundo nila.

"I'm sorry i'm late. Madami kasi kong tinapos sa Hospital" wika ni James ng makalapit sa mga anak. Nagsimungaling lamang siya dahil wala naman siyang  halos ginawa sa Hospital kung hindi tumanganga at mag-isip ng malalim tungkol sa kanyang asawa na si Nadine.

"Correction Dad 'very late' "naiirita ng wika ng Anak niyang si Janine.

"Yeah. Very very late,but that's fine. Isang oras lang namab kaming naghintay sayo!" May pagkairita ding wika ng anak niyang si Nathan. Napabuntong-hininga si James

"Okay fine,i'm sorry. Ganto na lang,tell me what you want then i'll give it para makabawi man lang ako sa paghihintay niyo sakin ng isang oras" pag-aamo ni James sa mga anak.

"I want to go to Tita Yassi's Shop,can we drop by before heading to our house?" Request ng anak niyang si Janine.

"That's great! Naubusan na din ako ng pangpaint then i want to buy books too." Gatong ni Nathan sa kapatid.

"Ano pa bang magagawa ko?" Napipilitang sabi ni James.

Sumakay sila sa Kotse at nagdrive papuntang Mall kung saan nandun ang Shop ni Yassi. Pumasok kaagad sila ng Mall pagkapark ng Kotse.

"Punta na akong National Bookstore" paalam ni Nathan na nakalahad ang kamay para humingi ng pera sa Ama.

"I want to buy lots of shirts and some dresses" wika din ni Janine at nilahad din ang kanyang kamay.

Husband and Wife in PaperWhere stories live. Discover now