Chapter 43

2.9K 106 25
                                    

THIRD PERSON POV

Gaya ng inaasahan ni Nadine ay naging malamig nga ulit ang trato sakanya ni James pagkayari ng pagdalaw niya sa Hospital na pinagtratrabahuhan ng asawa. Hindi naman nito kinain ang Dinner na inihanda niya ng araw na iyon at nagpatuloy sa pagiging cold as ice ang asawa.

"Babies gabi na,uuwi na ako ah" pagpapaalam niya sa mga anak.

Hindi naman siya nakatira sa bahay ng asawa,may bahay pa rin siyang inuuwian at isa pa ay ayaw naman siyang patirahin duon ni James,madalas nga siyang tinataboy nito.

"Mommy why don't you sleep here na lang? Besides it's 11 naman na,baka mapano ka po sa daan" suggestion ng anak niyang si Janine.

"Oo nga Mommy. Medyo natagalan kasi kami sa paggagawa ng assignments so parang thank you na lang namin sayo,besides sa kwarto ka naman namin matutulog eh" sabi naman ni Nathan na sinag-ayunan ang sinabi ng kapatid niyang si Janine.

"Babies hindi pwede eh. May Car naman si Mommy tsaka naghahantay sakin sila Tita Yassi at Tita Donna niyo sa bahay,punta na kayo sa kwarto niyo and sleep. Babalik naman si Mommy bukas ng maga para ipagluto kayo ng breakfast eh" ika na lang ni Nadine sa mga anak.

Kung papayag siyang magstay dun at dun matulog ay malamang lalong magagalit sakanya si James. Sa sobrang kulit niya napapayag niya si James na lapitan ang mga anak ngunit sinabi ni James na hindi na sila babalik sa dating mag-asawa. Hindi rin sila pwedeng mag-annul! Sikat na Doctor si James at dati silang Modelo,wala pang masyadong may alam na nagpakita ng muli si Nadine at isa pa ay hindi papayagan ng mga magulang nila na maghiwalay sila ng legal lalo pa't lalong lumalaki ang pinagsanib nilang Kumpanya at walang alam ang mga magulang nila sa mga nangyari nung walong taon na nawala si Nadine.

"Nathan and Janine! Go upstairs,matulog na kayo at maaga pa ang pasok niyo" sabi ni James na nasa hagdan na bigla na lang sumasabat sa usapan ng mag-iina.

"And you!" Tingnan ni James si Nadine. "Umuwi ka na" malamig na ika niya sa asawa.

Lumapit ang kambal kay James at humalik sa pisngi niya si Janine.

"Daddy it's too late,pwede bang dito na lang matulog si Mommy? Sa Kwarto namin ni Kuya siya matutulog,please Dad" paglalambing ni Janine sa ama.

"No. She's going home,besides may Kotse naman siya. Umuwi ka na,gabi na and make sure na nakasarado ang pinto pag lumabas ka" malamig na sabi ni James.

Napasighap na lang sila Janine at Nathan at nakayuko at tila mo dismayadong-dismayadong naglakad patungo sakanilang kwarto.

Tumayo naman si Nadine sa kinauupuan. Niligpit niya ang mga papel na nagkalat dahil sa paggagawa ng Assignments ng mga anak at kinuha ang bag saka lumabas ng pinto at nilock iyon. Pagkalabas ng pinto ni Nadine ay saka pa lamang umalis si James sa hagdan at bumalik sa kwarto niya.

Pagbalik ni James sa kwarto ay napansin niya ang nagriring niyang Cellphone sa BedSide Table niya.

Unknown Number,hindi niya sana sasagutin but there's something about the Call at may kakaiba siyang nararamdaman kaya sinagot niya.

"Hello" isang malambing na tinig ng babae ang bumungad sakanya.

-----------------------
NADINE POV

"Nadz gabi na ah?" Bungad ni Yassi sakin pagkadating ko sa bahay.

Dito na sila nakatira ni Donna,samin na itong bahay na to. Shop naming tatlo yung Yassizle pero nakapangalan lang yun kay Yassi at naipundar namin ang bahay na to,pera naming tatlo.

Husband and Wife in PaperWhere stories live. Discover now