Chapter 41

2.5K 104 16
                                    

JAMES POV

"James! James,buksan mo naman tong pinto oh!"

"I'm hearing her voice again,i think i'm going to be crazy. She's dead,she left us. We can live without her,i don't need her" bulong ko sa sarili ko.

Isang araw na akong hindi lumalabas ng bahay,alam kong lasing na lasing na ako sa dami ng nakakalat na bote sa kwarto kong ito. Nakakalat din lahat ng gamit ko. Hindi ko alam kung totoo bang naririnig ko ang boses niya sa pinto ng kwarto kong nakasarado,ilang oras ko na siyang naririnig na tumatawag. Mukhang malakas na talaga ang tama ko,pati boses niya naririnig ko. Tss,lakas talaga ng epekto ng alak sakin.

Sawang-sawa na akong umasa sakanya! Tama na yung walong taon! Tama na yun!

-----------------

THIRD PERSON POV

Bumaba si Nadine sa Sala sa unang palapag sa bahay ni James kung saan nandun ang mga kaibigan nilang si Yassi,Donna,Bret at Andre.

"Until now,hindi ko pa rin akalain na babalik ka. Hindi ko akalain na mangyayari to,sabi na ikaw ang nakita namin nuon eh" sabi ni Andre habang nakatingin kay Nadine.

"How's James? Hindi pa rin ba niya binubuksan ang pinto?"tanong naman ni Bret.

"Hindi pa din. He's quiet and i'm worried na baka napano na si James" nag-aalalang sabi ni Nadine.

"Hindi pa rin mahanap ng mga katulong yung susi ng kwarto niya eh" sabat ni Donna.

"Ma'am wala po yung susi ni Sir James sa susian eh,simula po kasi nung dumating sila nila Janine galing Mall eh hindi na po lumabas ng kwarto niya si Sir,nagpadala lang ho ng madaming alak sa kwarto tapos nilock na po. Kanina nga po ay hindi rin sumabay magbreakfast sa mga bata,di rin po hinatid sila Nathan. Pupuntahan nga ho sana ni Janine si Sir bago pumuntang School pero pinigilan po siya ng Kuya Nathan niya" pagkukuwento ng katulong.

"Anong oras ang uwian nila Janine?" Tanong ni Nadine.

"Don't worry Nadz,ako na lang susundo kila Nathan. Janine doesn't know anything about you,ihahatid ko na lang muna sila sa bahay nila James,nanduon rin naman ang pamilya mo"sabi ni Andre na tinanguan na lang ni Nadine at huminga ng malalim.

"Naku Ma'am ito na po yung susi ng kwarto ni Sir,nalaglag lang po pala sa may ilalim ng Ref" ika ng isang katulong na bigla na lang sumulpot sa kung saan hawak ang susi ng kwarto ni James.

Agad kinuha ni Nadine ang susi sa kamay ng katulong at nagtatakbo sa kwarto ni James sa pangalawang palapag ng bahay.

Binuksan niya ng dahan-dahan ang kwarto at nakita si James na nakayuko,mukhang natutulog sa gilid ng kama sa magulo nitong kwarto.

Basag ang Screen ng TV,may ilang basag basag na bote ng alak at mga nagkalat na papel. May kadiliman din sa kwarto dahil ang lamp shade lang ang nakasindi kaya napilitang isindi ni Nadine ang ilaw sa kwarto ni James.

Naiwan sa Sala sila Yassi,hahayaan muna nilang magkaroon ng Quality Time ang mag-asawa,masydong matagal ang Walong Taon kaya gusto nilang bigyan ng Privacy at Time si Nadine at James.

"J-ames" nauutal na sabi ni Nadine ng mapansin ang asawa sa gilid ng kama.

Hindi sumagot si James. Nilapitan ito ni Nadine at naginginig ang kamay na itinaas niya ng dahan-dahan ang ulo ng asawa,nakita niyang nakapikit ito at natutulog.

May nakakabit na Speaker sa gilid na kama ni James na mukhang konektado sa mga Maids

"Pwedeng pumunta kayo dito at pakilinis ang kwarto ni James,pakitawag din sila Bret at magpapatulong ako na buhatin si James papunta sa may Guest Room,napakadumi dito sa kwarto niya eh" ika ni Nadine.

Husband and Wife in PaperWhere stories live. Discover now