Chapter 36

2.1K 91 3
                                    

THIRD PERSON POV (Narrator)

Nakatayo lamang si James dun na tila mo naestatwa. Hindi maalis ang tingin niya sa babaeng kawangis na kawangis ng asawa niya. Alam niya sa sarili niyang ito ang asawa niya kahit madami na itong pinagbago.

"Dad" nalihis ang tingin ni James sa babae na may kalayuan sakanya at napunta ang atensyon sa Anak na si Nathan na tumawag sakanya.

"Daddy,ok ka lang?" Wika pa ng anak sakanya kasi pansin nitong parang nakakita ng Multo ang Ama.

"A-yos lang" sagot ni James sa anak. Napatingin ulit siya sa babae kanina ngunit wala na ito.

Namamalikmata lang ba ako?  Tanong ni James sa kanyang isipan. Ramdam na ramdam niya na iyong babaeng iyon ang kanyang kabiyak. Dama niya na si Nadine ang babaeng nakita niya kanina lamang.

"Dad seryoso. Ok ka lang? Para kang nakakita ng multo,your creepy" wika ni Nathan ng mapansing lilinga-linga ang ama na tila may hinahanap ito.

"Wala. Wala. Bakit ka nandito? Ang bilis mo naman ata? Nasaan ang kapatid mo?" Pag-iiba na lang ng usapan ni James.

"Wala na yung libro kong binibili. Ubos na daw,nakuha na daw kanina nung babae yung last na copy nung libro ng magtanong ako sa may Counter. Gustong-gusto ko pa naman yun Dad eh! Si Janine naman eh kakalabas lang kanina sa Bench,dadaan daw muna siya sa Shop ni Tita Yassi baka daw may bagong damit na magaganda dun kaya sabi ko pupuntahan na lang kita,baka kasi pagbuhatin pa ako ng mga pinamili niya eh,kabigat-bigat pa naman tapos napakarami" wika ni Nathan sakanyang Daddy James.

"Halika na garod. Bilhin na natin mga kailangan natin,sa ibang Bookstore na lang nating hanapin yang libro mong hinahanap" wika na lang ni James sa anak.

Sa kabilang banda naman ay namimili ng mga Damit si Janine sa Dressing Shop ng kanyang Tita Yassi. Sikat na designer ng damit si Yassi at minsan naman ay nagmomodel din siya.

Kilala si Janine sa 'Yassizle' dahil nga Shop ito ng kanyang Tita Yassi,pag naaabutan niya ang Tita Yassi niya sa Shop ay lahat ng kinukuha niya ay hindi nito pinababayaran. Madalas talaga siyang pumupunta sa Shop ng Tita Yassi niya dahil madaming magagandang damit dito na gawa ng kanyang Tita.

"Andito ba si Tita Yassi?" Tanong niya sa isang babaeng nakatalikod sakanya. She assumed na isa to sa Staff ng Tita niya pero nagulat siya ng humarap sakanya ang babae

"Wala si Yassi" sagot sakanya ng babae at ng hinarap siya nito. Halata ang gulat. Gulat na gulat ang babae kung sino ang kanyang kaharap.

"Wait Ms!" Pigil ni Janine ng aktong aalis ang babae. "You look Familiar,did we met?" Tanong ng batang babae sa babae.

"H-ha? Ahh baka?" Nagaalinlangang sagot ng babae sa bata o kay Janine.

"I'm Janine Lustre Reid,and you are?" Pagpapakilala ni Janine sa babae at nilahad ang kamay. Nag-aalinlangan ang babae kung tatanggapin ba ang kamay ni Janine at makikipagkilala din.

"Ms Nadine!" Tawag ng isa sa mga Staffs sa babae kaya agad na nakaalis sa sitwasyon ang babae at agad na nilapitan ang tumawag sakanya.

"Ms Nadine? She's really familiar but i can't remember her. Magkapangalan pa sila ni Mommy" wika ni Janine na halos pabulong. Habang nakatingin sa babaeng paalis na.

Napatingin siya sa kinatatayuan kanina ng babae at nakita niya ang isang libro na mukhang nalaglag ng babae,pinulot niya ito at ibabalik sana ngunit hindi na niya masilayan ang babae.

Ibabalik niya sana sa Counter ang Libro ng magtext ang kanyang Kuya Nathan na malapit na daw silang matapos sa pamimili ng kanilang Ama. Inilagay na lang niya sa bag niya ang libro at nawaksi na sa isipan niya.

Husband and Wife in PaperWhere stories live. Discover now