Chapter 33

2.4K 94 9
                                    

8 Years After.

JAMES POV

"Napakalaki na talaga ni Nathan at Janine,wala ka bang balak na--"naputol ang sinasabi ni Bret "Dude kung ano-ano sinasabi mo!" Wika ni Andre sakanya.

Birthday ngayon ng Kambal,si Nathan at Janine. Inampon ko sila at ako na ang nagpalaki sakanila. Dalaga at binata na sila,si Janine ay madami ng manliligaw pero hindi ko pa siya hinahayaang magboyfriend,masyado pa siyang bata. Si Nathan naman ay madami ding manliligaw na babae,nakakatawa kasi parang ako nuon,madaming manliligaw at babae pa ang nanligaw ngunit ang kaibahan lang namin ay hindi siya babaero at wala siyang type sa mga babaeng naghahabol sakanila,ako kasi dati ay lahat pinapatulan basta pasok sa standards ko hehe.

"Happy Birthday Nathan and Janine!" Bati ni Yassi na kadadating lang.

Madaming tao ngayon sa Party. Mga kakilala ko at mga kaibigan nila Janine at Nathan. 12 Years old na ang mga anak ko,ang bilis ng panahon.

"James! Sorry ngayon lang,late ako eh" wika ni Yassi at bumeso sakin. "pre dun lang ako kila Nathan" paalam ni Andre saka umalis na sa Mesa namin at umupo naman si Yassi.

5 Years simula nung maghiwalay si Yassi at Andre,hanggang ngayon eh awkward pa rin sila sa isa't-isa. Ni isa sakanila walang sinabing reason kung bakit sila nagbreak. Si Donna at Bret it's complicated,bale break na din kamakailan lang. Kailangan kasing pumunta ni Donna sa ibang bansa,personal reason at hindi nagwork sakanila ang LDR kaya nagpasya na munang maghiwalay,ang sabi ni Bret 'Kung sila daw talaga para sa isa't-isa,mangyayari yun sa Tamang Panahon'.

"Kamusta James? It's been many Years ah?" Tanong ni Yassi. "Ok lang naman. By the way Doctor na ako,3 Years na nga akong Doctor eh. 5 years ka kasing nawala eh" natatawang sabi ko sakanya.

Dumating naman si Kath,at nakiupo din sa tabi namin. Sumunod na dumating si Jack with her Girlfriend Alexa,kilala ko na ang Girlfriend niya dahil si naipakilala nama  na niya samin si Alexa dati,mabait naman at super maganda tapos napapatino niya pa si Jack.

"Nice choice brother! Galing mamili" sabi ko sakanya,ngumiti lang naman si Jack at hinawakan ang kamay ng Girlfriend niya at umupo na.

8 Years simula ng mawala si Nadine. Last na Conversation na namin yung sa Parking, 2 Years ko siyang pinahanap. Mismo sila Kath at ang magulang niya ay hindi alam kung nasan na siya ngayon,baka masaya na siya at may bago ng pamilya. Tinapos ko lang ang kontrata ko nuon sa Paris at bumalik na din kami ni Nathan at Janine dito sa Pilipinas.

"Kuya James! How are you? Where is Nathan and Janine?" Tanong ni Kath,International Model na siya at matagal na silang wala ni Daniel o ni DJ,ang alam ko ay napunta kay Stella si DJ,yung kapatid ni Steffy na pinsan pala nila. Masaya naman na daw si Kath sa buhay niya,walang lovelife,walang hassle.

"I'm fine. Nandyan lang sa tabi-tabi yun,tignan mo sa Garden o baka nasa kwarto nila,alam mo naman yung mga pamangkin mo na yun para paring mga bata kahit mga dalaga at binata na" natatawa kong sabi at nagpaalam si Kath na pupuntahan niya ang mga pamangkin niya,ibibigay lang daw niya ng personal ang regalo niya sa dalawa.

Sandali pa ay dumating si Donna. Nagkatinginan sila ni Bret at nagngitian lang at umupo na ito sa tabi ni Yassi,si Andre sa ibang lamesa na umupo at nakipagkwekwentuhan sa iba pang bisita.

"Hey Guys! Sorry late,kakadating ko lang kasi. Nagdiretso na ako kaagad dito,pinahatid ko na lang yung maleta ko sa bahay" pagkukuwento ni Donna. Halata ngang kadadating niya lang dahil Fresh from the Ariport pa siya.

Parang nagkaroon kami ng Reunion,wala nga lang si Nadine.

Dumating na din sila MJ,Diego,Joseph at maging si Enrique. Kasama nila ang mga Girlfriends nila,silang apat kasi ay ninong nila Nathan at Janine nung pinabinyagan ko sila nung 5 Years old sila.

Nagsiupuan na sila. Bumalik na din si Andre sa Mesa namin ngunit kila Mj siya nakitabi. Ngayon,talagang matatawag ko na itong Reunion.

Ngayon ay madami kami sa Mesa. Ako,si Jack at wala ang Gf niya dahil  nagpunta ang Girlfriend niyang si Alexa kila  Nathan,si Kath na kababalik lang sa upuan niya,si Yassi,si Donna,si Bret,si Andre,si Mj,si Enrique,si Diego at si Joseph. Wala ang mga Shota nila dahil nagpunta rin kila Nathan at Janine na na sa kwarto daw ata nila.

"So kamusta James?" Panimulang sabi ni Joseph. "Seryoso? Ilang beses niyo akong tatanungin kung kamusta na ako? Ok na ok na ako" nakangiting tugon ko sakanila na tatatawa-tawa pa.

"Ang ibig naming sabihin yang puso mo. Kamusta na yang puso mo?" Tanong ni MJ at nginisihan ako "The last time i checked,tumitibok pa naman siya" nakatawang sabi ko.

"Oohh,it's that means na may bago ng nilalaman ang puso mo?" Pang-aasar ni Diego na ikinatawa ng mga lalaking kabarkada namin. Nakatahimik lang kasi si Yassi at Donna,si Kath naman ay ngumingiti-ngiti naman.

"Abno! Bat na sa akin ang Topic?" Natatawang sabi ko!

"Okay eh di wag sayo. Guys sinong may balita kay Nadine?" Tanong ni Andre,napangiwi na lang ako at ngumiti na lang ulit. Nagchange Topic nga,connected pa rin naman sakin.

"Ikaw James? May balita ka ba kay Nadine?" Tanong ni Enrique,umiling lang ako "bat ako tinatanong niyo,si Kath ang kapatid" wika ko,alam kong may halong pait ang pagkakasabi ko nun.

"Ang totoo niyan,wala na kaming alam nila Mama at Papa kung nasan si Ate. Ilang beses na namin siyang pinahanap pero parang sobra niyang ilap,hindi namin alam kung nasan siya o kung nakakakain ba siya ng sapat o kung humihinga pa ba siya" mahabang sabi ni Kath,dama sa mga sinabi niya ang lungkot at pag-aalala para sa kapatid niya.

"Let's do a Bet!" Wika ni Bret "anong Bet?" Wika naman namin sakanya.

"Unang makakakita satin kay Nadine makakakuha ng 60,000. Mayayaman naman kayo kaya sure barya lang ang 5,000 sainyo,kaya magbibigay tayong lahat ng 5K sa taong makakakita kay Nadine!" Pag-eexplain ni Bret.

"Nahihibang ka na ba Bret? Ilang investigators na ang nabigo o hindi nakahanap sakanya,ni hindi nga natin alam kung andito ba siya sa Pilipinas o ano eh! Baliw ka na talaga" wika sakanya ni Yassi.

"Oo nga,ang hirap kayang hanapin ng taong ayaw naman magpahanap" wika din ni Donna.

Tahimik lang akong pinakikinggan sila wearing my Fake Smile.

"Iba na lang,isip na lang tayo ng ibang paraan para makita natin uli si Nadine!" Sabi naman ni Joseph.

"Eh anong paraan nga? Sa tingin niyo ba mahahanap pa natin si Nadine?" Sabat ni Andre.

"Sabi nga sa kasabihan Andre,try and try until you die!" Wika ni Diego.

"Kuya Diegs,it's try and try until you succeed" natatawang sabi naman ng kapatid kong si Jack kay Diego.

"Ganun na din yun! oh ano sinong in?" Wika ni Diego

"Count me in!" Wika ni Kath sa masayang tono niya

"Sali din ako!" Sabi ni Bret,nagtaasan na din ng kamay ang iba at sali din daw sila. Nagngitian at nagtitigan nga muna si Donna at Yassi bago nagtaas ng kamay eh,ang weird -__-

"Operation find Nadine Alexis Lustre Reid" sabay-sabay nilang sabi na nakatingin sakin,halatang mga nang-aasar.

"Ano James? Hindi ka ba jojoin?" Usisa ni Bret at Andre,umiling lang ako at tumayo na.

"Your just wasting your time finding her. Kung ayaw niyang magpahanap eh di wag. Besides siya ang nang-iwan at umalis,matuto siyang bumalik kung may babalikan pa siya. Anyway don't count me in,masyado kong busy para paglaaanan ng oras ang paghahanap sa isang babaeng hindi naman worth ng oras ko. Puntahan ko lang yung mga anak ko ah?"  Sabi ko sakanya.

"Bitter!" Rinig kong wika ni MJ at nagtawanan sila

"Hayaan na,malamang hindi pa nakakamove-on yun!" Sabat naman ni Joseph.

"Basta let's get back our Topic,how can we find Ate Nadine,how can we find Kuya James Wife?" Tanong ni Jack.

Umiling-iling na lang ako at tinigil na ang pakikinig sa walang kwentang usapan nila,lumakad na talaga ako palayo sakanila.

Continue...

Husband and Wife in PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon