Chapter 39

2.1K 87 3
                                    

THIRD PERSON POV (Narrator)

Nakatulala pa rin si James na nakatingin sa babae. Hindi siya makapaniwala at ng aktong hahawakan na niya ang kamay ng babae ay bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin at tuluyan na siyang bumagsak.

JAMES POV

Ang liwanag naman dito. Nakakasilaw.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko at ang una kong nakitang mukha ay mukha ni Nathan at Janine na nakatingin sakin.

"Nasan ako?" Tanong ko sakanila. Medyo malabo pa rin ang paningin ko at parang ang sakit sakit ng ulo ko. Ang bigat pa ng mga mata ko,marahil dahil sa pag-iyak ko.

"Nasa Hospital ka Dad. Nahimatay ka daw kanina sa may Park,buti sinundan ka ni Tito Andre at Tito Bret" sabi sakin ni Nathan.

"Sino nagdala sakin dito? Asan si Bret at Andre?" Tanong ko.

Ang huli kong natatandaan ay may babaeng nag-aabot ng panyo sakin at ng tignan ko si Nadine yun. Nakangiti siya sakin habang nakatapat sa mukha ko yung panyo niya. Nanaginip ba ako? Panaginip lang ba yung kagabi? Pero parang totoo eh.

"Dad bumili lang ng Kape at makakain  sila Tito Andre. Umaga na kasi,ang sabi naman ng Doctor ay pwede na tayong makalabas dito maya-maya. Baka mga bandang hapon." sagot sakin ni Janine.

"Ahh Dad nakita nila Tito Andre na hawak mo ito kagabi" wika ni Nathan at may inabot sakin na panyo. Tinitigan ko ang panyo at narealize ko na ito yung panyo na binigay sakin ni Nadine kagabi,ito yung inaabot niyang panyo sakin ng umiiiyak ako. Hindi ba panaginip yun? Totoo bang nangyari yun?

"Hawak ko itong panyo ng makita ko nila Bret na nahimatay?" Tanong ko at tumango lang si Nathan.

"About your Condition pala Dad. Stress ka lang daw masyado at sobrang pagod tas dinagdagan pa ng pag-iyak mo ng madami kaya ka daw nahimatay sabi ng Doctor saka dala na din daw ng alak. Bat ka ba umiyak Dad?" Usisa sakin ni Janine. Sinagot ko lang ng iling si Janine.

Ilang saglit lang ay dumating na si Bret at Andre. Bigla ding dumating si Yassi at Donna ngunit hindi makararating sa Hospital si Jack dahil busy sila sa bahay  dahil nga nandun ang mga magulang ni Nadine. Hindi na rin pinaalam sa mga magulang ko  na nasa Hospital ako ,makakalabas na din naman ako kahapunan at nahimatay lang naman ako at wala namang grabeng nangyari saakin

"Hoy ano bang nangyai sayo?" Tanong ni Yassi sakin.

Nakapalibot sakin si Yassi,Bret,Donna at Andre habang nakahiga Ako sa kama. Nasa left side ko ang dalawang babae at sa right side naman ang mga kaibigan kong lalaki.

Busy naman sa pagkakalikot ng Iphone niya si Janine na nakaupo sa Sofa ng Hospital at katabi niya ang Kuya Nathan niya na nagbabasa. Ginamit kasi ni Nathan ang acting skills niya sa kapatid na si Janine para mapapayag niya na basahin muna ang libro habang hindi pa ito nasasauli,pinagbigyan naman ni Janine ang kapatid dahil hindi niya ito matiis.

"Saan niyo nakita tong panyo?" Tanong Ko bigla kila kay Bret at Andre saka pinakita ang panyo. Hindi ko na pinansin ang tanong ni Yassi dahil Common Sense naman na iyon.

Nang makita ni Yassi at Donna ang panyo ay nagkatinginan silang dalawa.

"Ganto kasi yan Dude. Nung matagal kang di bumalik eh sinundan ka namin tapos nakita ka naming nakaupo sa Swing sa may isang Park! Grabe nalakad mo yun? Kalayo ng Bar dun eh! Nagkotse kaya kami. Then yun nga,nakita ka namin na umiiyak tapos nung palapit na kami eh bigla kang nahimatay tapos nakita namin na hawak mo yang panyo na yan! San mo ba nakuha yan ha?" Paliwanag ni Andre sakin na may kasamang tanong pa!

Husband and Wife in PaperDove le storie prendono vita. Scoprilo ora