Chapter 49

1.8K 56 49
                                    

JAMES POV

"Doc how's my daughter?" Nag-aalala kong tanong sa Doctor. Nasa Operating Room si Janine,nataranta ko ng bigla na lang siyang mahimatay kaya agad namin siyang sinugod sa Hospital

Kapansin-pansin ang pagpayat ng anak ko na tila ilang taon ng hindi nakakain. Madami ding sugat sa kanyang makinis na katawan,halatang-halata pa ang ilang pasa sapagkat makinis ang balat niya at maputi.

"Janine is stable now. Napagod lang ang bata kaya siya nawalan ng malay. Mukhang ilang araw or should i say month? na siyang hindi nakakatulog at nakakakain ng maayos. What happened to your daughter Janine,Doc Reid?" usisa sa akin ng Doctor na umasikaso sa anak kong si Janine

"I just found her a hour ago sa tapat ng bahay namin. Nawawala siya one month ago with his Mom and her Brother. I'm still finding my Wife and Janine's brother." malungkot na saad ko,at saka ako ngumiti ng matipid. It hurts,the pain in my heart taste like death. Hindi ko alam kung anong masamang nagawa ko sa mga nakaraang buhay ko para pagbayaran ko ng ganito. Kung sana ako na lang eh,hindi na yung pamilya ko. Not Nadine,not Janine and Nathan,they mean a lot to me.

My Wife and my Daughter and Son is my everything,they are my Oxygen that's why i kept on breathing and living. But what's happening now? Gusto kong sumuko na pero ngayon pa ba na kasama ko na si Janine? i might find Nadine and Nathan soon,in the help of Janine of course. My Babies is so young to experience this kind of tragedy

"Doc James,i must say na baka natraumatized si Janine. Your daughter is very young,her mind may not capable to handle what happened to her. If ever na natrauma nga yung bata,i recommend na you'll see a psychiatrist for her,okay?" suhestiyon ng Doctor ni Janine na kaagad ko namang tinanguan. Ngumiti siya sakin "Be brave Doc Reid. By the way i got to go,i'll have more patients to check. Saka itratransfer na din si Janine sa Private Room,since ginagamot lang naman sa Operating Room yung mga sugat at pasa niya,tell her to get well soon" nakangiting pagpapa-alam ng Doctor ni Janine,tipid lang akong tumango at ngumiti sakanya habang tinitignan siyang naglalakad palayo sa kinauupuan ko.

Isang oras din akong naghintay sa labas ng Operating Room bago naitransfer si Janine sa sarili niyang Room dito sa Hospital. May nakakabit na dextrose sakanya dahil putlang-putla pa din siya.

Awang-awa akong lumapit sa anak ko at niyakap siya ng mahigpit,isa-isang nagsitulo ang mga luha ko.

"Your too young for this baby. I'm sorry if Daddy came too late,my baby got hurt. Don't worry baby,Daddy will make sure that the person behind this will suffer in jail forever." umiiyak na wika ko habang yakap yakap si Janine na wala pa ding malay.

_____________________

THIRD PERSON POV

Pangalawang araw na nila James sa Hospital at pangalawang araw na ding tulog ang anak niyang si Janine. Nakaratay lang sa Hospital Bed ang bata na maputla pa din at mahimbing na natutulog,mukhang nagbabawi ng lakas.

"Where's James?" tanong ng Ama ni Nadine

"Nasa labas po Tito,nakikipag-usap kila Diego at Enrique. I heard may bago silang lead" sagot ni Yassi

Tahimik ang lahat ng Tao sa Kwarto ni Janine sa Hospital. Ang Ama ni James at Nadine ay tahimik na nanunuod ng telebisyon at nag-uusap patungkol sa nawawalang si Nadine at Nathan. Ang Ina naman ni Nadine ay katabi ang Mama ni James na nasa tabi ng nakaratay na anak nila na si Janine. Impit kung umiyak ang kanilang mga Ina habang sinusuklay-suklay ng Mama ni Nadine si Janine gamit ang kanyang kamay,at nakahawak naman sa kaliwang kamay ni Janine ang Mama ni James.

Kinabitan din ng Oxygen ang bata dahil pansin ng mga Doctor na nahihirapan itong huminga,akala ng mga Doctor ay sugat lang ang natamo ng bata ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din ito nagigising magmula ng dalhin ito ng kanyang Ama na si James sa Hospital.

"Kailan ba magigising si Baby Janine? " nanghihinang wika ni Donna,agad namang dinaluhan ni Bret ang dalaga baka kasi bigla na naman itong magbreak down.

"Lalabas lang ako,titignan ko lang sila James sa labas" pagpapaalam ni Yassi at agad namang tumango sila Donna

Paglabas ni Yassi ay naabutan niya sila James na nagkakaroon ng diskusyon kung paano ang gagawin at mangyayari,sa paghahanap sa nawawala nitong asawa at isa pang anak.

Nasa kalagitnaan ng pangpaplano ng bigla na lang bumukas ang pinto ng Kwarto ni Janine at lumabas mula rito si Donna,kasunod nuon ay narinig nila ang isang batang humihiyaw at tila umiiyak. Humahangos na lumapit sakanila si Donna

"Gising na si Janine!" hinihingal nitong pahayag. Agad silang nagtakbuhan papasok sa kwarto ni Janine.

Nadatnan nila ang bata na umiiyak at sumisigaw,tila nagwawala. Bakas na bakas ang takot at pangamba ng bata habang nakatingin sakanila na tila hindi sila nakikilalang lahat.

Continue...

AN: Wala po akong masyadong alam about Health so i'm sorry if magulo or what. Sana napasaya ko kayo with this UD. Anyway Welcome 2018,i'll hope na maging year natin tong lahat love youu readers,enjoy reading

Sorry sa Wrong Grammars & Spelling Guys! I'll hope you'll understand it all lovelove

Husband and Wife in PaperWhere stories live. Discover now