Chapter 46

2.5K 99 13
                                    

YASSI POV

"Yas isang linggo na! Yas naman!"

"Donna tigilan mo ko please! Tumigil ka na kakaiyak! Isang linggo ka na din umiiyak!" Bulyaw ko kay Donna.

Medyo naririndi na ako sakanya. Nawawala na si Nadine,Nathan at Janine ng halos isang linggo. Hanggang ngayon wala pang updates tungkol sa pagkawala ng mag-iina ni James.

"Donna stop crying" inalo na ni Bret ang ex-girlfriend niyang iyakin.

Gulong-gulo na kami. Halos wala kaming tulog gabi-gabi. Nakamonitor palagi dito sa bahay ang mga Pulis,dito na rin natutulog si Andre at Bret saka ang ilang mga Pulis. Halos nasisiraan na kami ng bait,wala pa atang tatlong oras ang itinutulog namin tuwing gabi. Lalo na si James na halos hindi na ata natutulog,lagi siyang lumalabas at kung saan-saan hinahanap ang mag-iina niya. Sumasaglit lang minsan sa isang araw yun dito sa bahay kung may update na ba tungkol sa pagkawala ng mag-iina niya. Halos lahat kami mukhang Zombie na,sumasabay pa si Donna. Lagi siyang iyak ng iyak,pag napatahan ni Bret tapos naalala niya na nawawala sila Nadine eh iiyak ulit,konti na lang iisipin kong baliw na siya. Hirap na hirap na kaming lahat,mahirap at napakasakit para sa amin ang lahat ng nangyayari,we don't know what to do and what to think. Alam ko at alam naming lahat na ang may pinakamasakit na parte dito sa nangyayari ay si James ,mag-iina niya ang nawawala,ang asawa niyang si Nadine na walong taon niyang hindi nakasama ay kasama ang kambal na anak nila na nawawala at hindi namin alam kung saang lupalop hahagilapin.

"Yassi na-locate daw ng mga pulis ang cellphone ni Nadine!" Sigaw ni Andre na nasa Second Floor ng bahay.

Agad akong nagtatakbo paakyat at pumunta sa kwarto kung saan nanduon ang ilang mga pulis na tumutulong sa paghahanap kila Nadine.

"Sir saan?" Tanong ko kaagad kahit na medyo hinihingal pa ako dahil sa agarang pagtakbo at pag-akyat ng hagdan.

"Somewhere in Nueva Ecija,Ma'am Yassi" mabilis na sagot ng isang pulis at nagtatype ng kung ano-ano sa laptop at sa may iba pang gadgets na kung ano-ano na nakakabit.

"Sa Nueva Ecija po yung last na nalocate na nakaopen at may signal ang cellphone ni Ma'am Nadine,hindi po yun exact dahil baka nawalan na siya ng signal o low battery na ang cellphone niya. It's either nasa Neuva Ecija po siya o dinaanan lang niya ang Nueva Ecija." Pagpapaliwang ng isa pang pulis na nagtitipa din sa mga gadgets.

"How could we know where Naddie really is?! It's been almost a week!" Hindi ko napigilan ang galit ko.

Gusto ko din sanang umiyak pero pigil na pigil ko ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Nadine para mangyari sakanila to? Ang gusto lang naman ni Nadine ay maging masaya kasama ang pamilya niya,of all people why Nadine? Bakit yung tao pa na napakabait? Ang dami ng nangyari kay Nadine kahit di naman niya yun deserve,bakit hindi na lang hayaan na sumaya naman si Nadine? Bakit lagi na lang may hadlang? Sa lahat ng mag-asawa sa mundo si James at Nadine ang pinaka may karapatan para sumaya. They've been through a lot,a lot of challenges and sacrifices. Selfless sila pareho,they always think about others than thinking about themselves.

"Ma'am we locate the exact place on Nathan's phone" biglang sabi ng isang pulis. Napalingon ako sakanya,parang umurong ang luha na nakaamba ng tumulo mula sa mata ki ng marinig ko ang sinabi ng Pulis.

Agad akong lumapit sa Screen ng Laptop. May parang Mapa,at may Red Dot sa may gawing Nueva Ecija. May nakalagay sa taas na Palayan,zinozoom pa ng zino zoom ng pulis para malaman kung saan sa Palayan Nueva Ecija nasaan si Nathan,Janine at Nadine.

"Nasa malapit po sila sa isang Eskwelahan sa Palayan Nueva Ecija,we tracked Nathan's phone" ika ng isang pulis at patuloy pa rin siya sa paglolocate sa pinaka-adress kung nasaan ba talaga ang mga mag-iina ni James.

"Call Nathan's Number" medyo nanginginig at naluluha sa tuwa kong sabi kay Andre na nasa tabi ko.

Agad kinuha ni Andre ang cellphone niya at tinawagan ang cellphone ni Nathan,ni loud speaker niya ang cellphone and we all just hear rings,walang sumasagot. Panay rings lang na lalong nagpakaba sa amin.

"Ring lang ng ring. It is a bad sign?" Maluha-luha kong sabi. Lumapit si Andre sakin and tap my shoulder "be strong yas. Malakas si Nadine,proprotektahan niya sila Nathan at Janine. Don't cry" pagpapalakas ng loob ko na sabi ni Andre,sana nga ligtas na ligtas sila Nadine. Mababaliw talaga ako pag may nangyaring masama ni isa man sakanilang mag-iina,mapapatay ko ata ang gagawa ng masama sakanila.

"We should tell James about this" sabi ni Bret,kakapasok lang nila ni Donna dito sa kwarto at mukhang  tumigil naman na sa pag-iyak si Donna at nahimasmasan naman na ata,magang-maga na ang mata niya kakaiyak.

"Sa opinyon ko po Ma'am Yassi,mukhang nakidnapped po sila Ms. Nadine. Hindi nga lang po 'kidnapped for randsome' kasi kung kailangan po ng kidnapper ng pera dapat nung unang araw pa lang ng pagkawala ng mag-iina ay may tumawag na po at humihinga na ng pera" biglang sabi ng isang pulis na umiinom pa ng kanyang kape.

"Eh ano ang motibo sa pagkidnapped nila sa mag-iina ni James?" Tanong ni Donna na nakisabat na din sa usapan.

"Gaya po ng tinanong ko sainyo ng pinakaunang araw na mawala si Ms. Nadine 'kung may kaaway po ba siya o kagalit?' Sabi niyo naman po ay wala dahil mabait na tao si Ms. Nadine. Ang tingin ko po ay ang kumuha kay Ms. Nadine at sa mga anak niya ay isang taong galit sakanya o may galit sa asawa niyang si Mr. Reid. Baka po nakalaban ng kompanya nila o ng kompanya ni Ms. Nadine o baka nakaaway ni Mr.Reid,sa palagay ko po kung talagang nakidnapped ang mag-iina ni Mr Reid ay ang taong gumawa lang nun ay ang taong ingget o may matinding galit sa mag-asawa" pagpapaliwang ng Pulis

"Tama ka,marami talagang naiingget at may galit kay James at Nadine pero bakit naman hahantong sa pagkidnap kila Nadine,Nathan at Janine?" Ika ni Bret.

"Gaya nga po ng sabi ko,may matinding ingget o galit sa mag-asawang  Reid lang ang gagawa ng ganito" pag uulit ng pulis sa sinabi niya kanina.

Napag-isip isip naman kaming apat. Sino nga ba ang may matinding galit kay Nadine at James maliban sa magkapatid na Steffy at Stella na yung isa ay umalis na ng bansa at yung isa naman ay baliw na nakakulong na sa Mental,maliban na rin kay Ericka na bestfriend ng bruhang pinsan ni Nadine na pinatay niya.

Parang wala akong maisip. Sino pa ba ang may matinding galit at ingget kay James at Nadine? Suddenly,a face flashed on my mind

"Kilala ko na kung sino!" Sabay-sabay na sabi naming apat!

Parang nagkaroon ng apoy ang mga mata naming apat at nagtangis ang mga bagang namin! Kung siya nga ang gumagawa ng lahat ng to,pagbabayaran niya! Kahit isang galos lang magkaroon ni isa kila Nathan,Janine o Nadine ay malilintikan talaga siya saming apat!

Continue...

A/N: sorry late Update! 😭💔 I'm to depressed and super stress,nabroken hearted pa ako.

Mag thank you kayo sa Crush ko,dahil nabroken ako sakanya kaya ako nag-update 😞😪💔.

Sorry sa typos,wrong spellings and wrong grammars. Itama niyo na lang ako 😘

Husband and Wife in PaperWhere stories live. Discover now