Chapter 48

2.2K 68 19
                                    

THIRD PERSON POV

"Nakita na ang anak ko? Nakita na si Nadine? Asan ang anak ko James? Asan ang mga apo ko?" Naghihisteryang wika ng Ginang na ina ni Nadine.

Napabuntong hininga si James at hindi alam ang sasabihin sa Ginang. Pinuntahan nila ang Lugar kung san sinasabing nandun si Nadine at Nathan ngunit wala silang naabutan sa bahay na iyon. Ni bakas ni Nadine,Janine o Nathan ay wala silang nakita.

"Tita!" Humahangos na tumakbo si Donna palapit sa Ina ni Nadine.

Mag-iisang Buwan na simula ng mawala ang mag-iina ni James ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nauubusan ng pag-asa si James. Si Yassi ay unti-unti ng sumusuko,ngunit talagang desidido si James sa paghahanap sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak.

"I will help. Kung bakit ba kasi ngayon niyo lang ito sinabi saamin!" May halong pagkairitang winika ni Enrique.

Buong barkada at pamilya Reid at Lustre ang nasa tahanan nila James,ngayon lang nalaman ng mga ito ang pagkawala ni Nadine kasabay ang pagkawala ng mga anak nila.

"Wala ba kayong idea kung bakit? Kung asan si Ate? Kung talagang kasama niya sila Nathan at Janine?" Maluha-luhang wika ni Kathryn na nagpipigil ng kanyang pag-iyak.

"Kath kung sana'y meron ay matagal ng nandirito si Janine at Nathan pati na din sana si Nadine." Wika ni Andre sa isang mahinahong tono saka dahan-dahang bumumtong hininga

"Ano ba talagang nangyayari? Paano nawala sila Nathan at Janine kung kahahatid mo lang naman pala James sakanila sa School na kanilang pinapasukan." Usisa ni Diego na nais malaman ang lahat at buong pangyayari.

"Pagkahatid na pagkahatid ko sakanila at nakita kong may mga pulis sa bahay nila Nadine,i immediately stop the car. Nakita kong iyak ng iyak si Donna then Yassi said na nakidnap daw si Nadine,nawawala daw ang asawa ko. Then after that,someone called me,Nathan and Janine's School Principal,she's saying that she's very sorry because my Son and my Daughter are missing and no where to be found." Pinigilan ni James ang luhang nagbabadya na sanang pumatak habang nagsasalita siya at sinasalaysay ang araw na nawala sakanya ang lahat. Nadine,Nathan and Janine is his everything,ang pamilya niya ang lahat sakanya at dahil din sa mag-iina niya kaya hanggang ngayon ay lumalaban pa din siya at lalong pinapalakas ang sarili niya

"I'm sure hindi to kidnap for randsome eh,the kidnappers should call us nung makuha na nila mismo si Nadine,Janine at Nathan" wika ni MJ sa seryosong tono ng kanyang boses.

"Yung tao behind this,it's either may galit sayo Kuya or kay Ate Nadine to the point na mangingidnap pa siya" wika ng Girlfriend ni Jack na si Alexa.

"There's something wrong about this. Nafifeel niyo din ba yun? May mali eh" bigkas ng Ama ni James at halos lahat sila ay napatango,marahil ay nararamdaman din nilang may mali sa sitwasyon.

"Madaeng nakaaway si Nadine at James,well hindi nakaaway. Mga taong inggit sakanila" singit ni Yassi na nagpupunas ng mga luhang nanggigilid na sakanyang magagandang mga mata.

"Isa pa,we're not sure na magkakasama nga ang mga anak niyo at si Nadine,hindi natin alam kung pare-pareho lang ang lugar na kinaroroonan nila o kung iisa lang ba ang taong nasa likod ng pagkawala nilang tatlo" litanya ng Ama ni Nadine na napakaseryoso

"Tama ka Dad,paano kung iba ang tao sa likod ng nangyari kay Nadine sa nangyari sa mga anak lo. Ngunit ganun pa man,hindi tayo dapat magtanga-tangahan lang at tumunganga. Hirap na hirap na ako,ang tagal tagal ng hinahanap sila ng mga pulis---" hindi natapos ni James ang kanyang sasabihin ng biglang sumabat ang Ina niya

"Tama! Ang mga pulis,don't you think kasabwat sila dito? What if lang naman,kaya hindi natin mahanap ang mag-iina mo dahil malakas amg hatal nung kumuha sakanila,may mga kilalang matataas sa kapulisan!" Wika ng ina ni James!

"Mom has a point Kuya,what if nga" seryoso ngunit kalmadong pag sang-ayon ni Jack sa Ina.

"Pero nagpatulong na ako sa mga kilala niyong Pulis Mom,Dad. Mga Generals yun at panay magagaling na pulis ang inaassign nila sa paghahanap sa mag-iina ko" wika ni James sa kalmadong boses

"Pero what if nga James? Ngayon,dapat hindi tayo nagtitiwala sa kung sino-sino lang dyan! Baka nga isa sa mga nandito ang kumuha kay Nadine at sa mga anak niyo eh" sabat ni Diego sa usapan

"Diego is right. Mas safe siguro kung tayo-tayo na lang nakakaalam nito sa ngayon at tayo-tayo na lang muna ang magtulungan sa paghahanap kay Nathan,Janine at Nadine" wika ng Ama ni Nadine na mababakas ang awtoridad sa boses kahit kalmado ang mukha.

"Ano bang ginawa ni Nadine! She doesn't deserve this!" Wika ni Yassi at tuluyan na ngang humahulgol. Inalo siya ni Andre at Bret ngunit patuloy pa rin siyang umiiyak kaya nag-iyakan na din ang Ina ni James,Ina ni Nadine at si Kathryn at Dona.

Napabuntong hininga na lang si James sa mga nangyayari. Kinausap niyang muli ang mga lalaki na parang mga wala sa sarili at nangingilid na din ang luha katulad niya. Hirap na hirap na si James pero naiisip niya kung magpapakita siya ng kahinaan ay lalong manghihina din ang iba niya pang kasama,iniisip niya na lang sila Nadine para hindi siya panghinaan ng loob. Tuwing maaalala niya na nawawala ang mag-iina niya ay parang may libo-libong karayom na tumutusok sakanyang puso at parang gustong maging waterfalls ng mata niya kaya pinipilig niya ang kanyang ulo at tumitingala ng mapigil ang nagbabadyang luha.

"Stop crying girls,walang magagawa ang iyak niyong yan. Hindi mababakik ng mga luha niyo ang anak ko at mga apo ko. Stop crying and let's talk again about what happened to my daughter and my grandchilds" mahinahon ngunit maawtoridad ulit na winika ng Ama ni Nadine at Kathryn

Nagdidiskusyon sila at nagplaplano ng biglang may nagdoorbell,agad silang nagtinginan sa isa't-isa at kaagad na nagsipagtayuan papunta sa gate ng bahay nila James ng nag-uunahan

Pagbukas nila ng Gate ay isang batang babae na may ilang pasa ang bumungad sakanila,nakangiti ito at hinang-hina. Madungis at gusot gusot ang suot na damit at madaeng sugat ang makinis at maputing balat ng batang babae!

Napasigaw na lang si James ng bigla na lang himatayin sa harap nila ang batang babae! Dun niya lang nakilala ang bata,si Janine iyon. Ang kanyang anak,nag-atubili siyang sambutin ang bata

"Janine,anak!" Malakas na hiyaw ni James sabay salo sa anak niyang hinimatay

Continue ❤️❤️❤️

Author Note: Matagal na po ito,Drafts ko na to before pang mamatay ang Mother ko,i just wanted to update it para sa matagal na naghantay ng UD ko 😪😘 naghahantay pa din ako ng desisyon sainyo kung itutuloy ko ang story na to oh hindi 😷

Husband and Wife in PaperWhere stories live. Discover now