Chapter 29

3.8K 118 3
                                    

THIRD PERSON POV

"Stella handa na ba?" Tanong ni Steffy sa kapatid

"Syempre! Just wait and see Ate,masyado kang hot eh" saka ngumiti ng evil si Stella sa kapatid

"Siguruhin mo lang na walang palpak yan! Kung hindi mababatukan kita" banta ni Steffy sa kapatid

At Bigla na lang silang nagtawanan na magkapatid,ngunit yung kakaibang tawa.Yung tinatawag na Evil Laugh

-------------

JAMES POV

Nakahiga si Nadine sa tabi ko.Nagising ako na nakayakap siya sakin kaya napangiti ako.Wala sila Nathan at Janine sa kwarto pero may note na iniwan yung Manager ni Nadine na naging Manager ko na rin

Hey Lovers!
Nathan and Janine is with me.We will go to the Mall to have some fun and to give you space and some time haha :) Don't worry about your kids,i will take good care of them!

P.S : don't make a baby ha? Haha just kidding! Enjoy LoveBirds! :)
-Manager

Haha ang patawa noh? Siguro magagalit si Nadine pag nabasa niya yun kaya tinago ko na yung Note.Kanina pa ako gising pero ayawkong tumayo at bumangon baka magising si Nadine

'Sus! Sabihin mo gustong-gusto mong niyayakap ka niya kaya ayaw mo pang bumangon! Palusot nito oh!'

Hala! San galing yung boses na yun! Nakakapangilabot ah! Pero tama naman siya haha :)Sinusulit ko na kasi pag nagising to tatarayan na naman ako

"Uhhh" naku! Nagising na si Nadine!

Dumilat siya at nakita niya ako na nakatingin sakanya tas bigla niyang tinanggal yung pagyakap niya sakin at halatang gulat siya.Umupo siya sa kama at inayos-ayos ang sarili

"Alam ko naman na mahal mo pa rin ako Nadine"napatingin siya sakin nung sinabi ko yun

"It's Alexis" sabi na naman niya! Alexis siya ng Alexis eh Nadine ang pangalan niya

"Nadine man o Alexis ikaw pa rin ang Asawa ko! Ikaw pa rin ang mahal ko" sabi ko at umupo na rin sa kama sa tabi niya

"James kung sasaktan mo lang ulit ako wag mo na akong lokohin pa at paniwalaing mahal mo ako.Oh baka kaya mo lang nasasabi yan kasi pasok na ako sa pamantayan mo! Maganda,Sexy,Sikat at may thrill kasama.I know how to party na hindi katulad dati na kahit titigan lang ang alak eh hindi ko magawa! Kaya ba mahal mo ako? Ha? Kasi nagbago na ako? Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa James! Mahal pa rin kita! Nagtampo ako pero mahal na mahal pa rin kita! Akala ko hindi na pero ikaw pa rin pala! Mahal na mahal kita" natuwa ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang niyakap

"Mahal na mahal na mahal din kita Nadine,and i can't afford to lose you again.Kahit ano gagawin ko para lang maniwala ka na mahal kita bilang ikaw,kung si Nadine ka man o si Alexis! Mahal kita noon pa Nadine,masyado lang akong tanga at bulag na hindi malaman yun agad! Sorry sa lahat Nadine! Sorry! Patawarin mo ako" lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya saka hinalikan yun

"Sana nga James,totoo ang mga sinasabi mo! Kasi hindi ko na kakayanin pag nawala ka na naman! Pag nawasak na naman ang pamilya natin"sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya ng mahigpit,mga ilang minuto din yun

Nagkatitigan kami nung pagkayari namin magyakapan at hinalikan ko siya sa labi,sandali lang ang halik pero sobrang saya ko nun.Parang ang magical nung halik

Nginitian niya ako pagkayari ng halik
"Maliligo na ako Hubby"sabi niya at tumayo,hinawakan ko naman ang kamay niya

Ang cute ng pagkakasabi niya sakin ng Hubby,dati pa man Hubby na ang tawag niya sakin.

"Bakit nagpapaalam ka pa sakin Wifey? Gusto mong samahan kitang maligo?" Saka ako nagsmirk sakanya.Dati kasi kinukulit niya ako at sabi niya tawagin ko daw siyang Wifey tas ang tawag niya sakin Hubby pero hindi ko lang siya pinansin.Napansin ko din na namumula siya ngayon sa harap ko

"Urrghh bastos ka talaga James!" Kinalas niya ang pagkakahawak sakin at padabog na nagpunta sa Banyo.Ako naman hindi na makahinga kakatawa

Hinintay ko lang siya,halos kalahating-oras bago siya nayari maligo at lumabas siya ng naka Bath Robe lang

"Ang sexy talaga ng asawa ko" puri ko sakanya

"James! Tigilan mo ako! Lumabas ka na magpapalit ako ng Damit!" Bulyaw niya sakin

"Bakit? Pwede naman dito lang ako ah? Panunuorin kita" inosente kong sabi kaya hinampas niya ako

"James! Lumabas ka! "

"Okay! Okay! Ang Wifey ko hindi na mabiro!" Sabi ko sakanya at niyakap ko siya saka hinalikan sa cheeks

"Alam ko naman na pag nag20 na tayo at nagpakasal na tayo sa Simbahan saka pa lang" dugtong ko sa sinabi ko.Napagkasunduan kasi dati na pag nag20 y/o na kaming dalawa ni Nadine at maayos pa rin ang pagsasama namin ay ipapakasal kami sa Simbahan na lahat ng tao makakaalam ganun sa Dream Wedding ni Nadine.Private kasi ang naging kasal namin nun at kakaunti lang ang mga umattend at mga nakakaalam na asawa ko siya,kagustuhan niya rin yun at gusto ko rin yun DATI pero ngayon gusto ko ng mag20 para ipagsigawan sa buong mundo na ASAWA KO SI NADINE ALEXIS LUSTRE REID! :D

"Sige na Hubby lumabas ka na! Susunduin pa natin sila Nathan at Janine sa Mall.Tsaka sa Condo ko na tayo matutulog saka titira,para hindi naaabala si Manager"sabi niya at kinalas ang yakap ko sakanya

Lumabas na nga ako ng kwarto niya at umupo sa sofa dito sa office ni Manager .Paglabas kasi ng kwarto ni Nadine ay office na ni Manager at katabi ng kwarto ni Nadine ay kwarto ni Manager

May biglang nagdoor bell,may door bell kasi sa labas at ginagamit nila yun pag nakasara pa itong office ni Manager,high-tech kasi dito sa office ni Manager may password ang pinto at di ka makakapasok pag hindi mo alam ang password kaya yung iba nagdodoorbell

Binuksan ko ang pinto at may nakitang kulay itim na papel sa lapag na may nakalagay na To: James Reid and Alexis Reid

Sinara ko ulit yung pinto at umupo ulit sa sofa at binuksan ko yung letter

I will make your lives Miserable as hell!
-S
Ang baho ng sulat at dugo pa ata ang ginamit pang sulat! Sino ba tong s nato? Baka Haters namin ni Nadine o kaya isa sa mga admirers ko o ni Nadine na hindi matanggap na taken na ako o siya! Hay ewan! Nung nasa Pilipinas ako marami rin akong natatanggap na ganito pero syempre karamihan eh love letters hindi dead threat! Hay! Sabagay sanay na ako sa haters

"Ano yan Hubby?" Tinago ko ang papel sa likod ko,saka tinignan ang asawa ko.Yari na pala siya maligo at ang ganda niya sa suot niya

(A/N: picture at the side.Yan yung outfit nila pareho)

"Ahh wala to Wifey! Liligo na rin ako para masundo na natin sila Nathan sa Mall"sabi ko sakanya at pumasok na sa kwarto niya

Naligo lang ako ng mabilis at nag black shirt na may Jacket saka nagpants and shoes saka lumabas!Alam kong hinahantay na ako ng asawa ko

"Hubby ang bilis mo naman?"tanong niya paglabas ko,nakaupo siya sa Sofa at nagcecellphone

"Halika na Wifey baka hinahantay na tayo nila Manager" sabi ko at inakbayan ko siya
-------
Sinulat ko po ito ng B-day ni Ate Nadine so Happy Birthday! Wish you all the best! Alam ko naman na hindi mo mababasa to kaya hindi na ako magsspeech masyado! Tsaka binati na rin naman kita sa Facebook at Instagram! :) 10-31-15

Tinuloy ko to ng 11-01-15 habang nanunuod ng Your Face Sounds Familiar! :D kinilig ako kay Sam nung ginaya niya si James Reid pero mas kinilig ako nung lumabas si James! :D grabeng pagpipigil ang ginawa ko nun! Nung sa Charky haha,nagkasugat nga yung lips ko kakakagat ko eh!tulog na kasi mga tao sa bahay kaya i don't want to make noise haha :) :D

XoXo until the next update :*

Husband and Wife in PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon