Chapter 32

3K 102 7
                                    

NADZ POV

"Ate believe me,kagagawan to nila Stella! Gaah!" Frustated na sabi ni Kath sa kabilang linya. Katawagan ko siya at pinipilit niyang si Stella ang may kagagawan ng pagka-aksidente ni Mama

"Kath,would you calm down? Hindi naman tayo pwedeng mambintang ng basta-basta lang!" Sabi ko sakanya "we don't have proofs na sila nga ang may kagagawan nun!" Dugtong ko pa

"Ate believe me! Tinatakot ako ni Stella,nakatanggap ako ng Call sakanya and ang sabi niya 'one down' saka niya ako binabaan. At first i didn't get it, but si Mom pala ang sinasabi niyang One Down! Ate i'm scared!baliw ang magkapatid na yun! Baka sino yung inext nila satin Ate!" Halatang nanginginig sa Takot si Kath.

"Kath ganto na lang,go back sa Canada at bantayan mo si Mama at Papa dun. Kumalma ka okay? Kunin mo si Naomi,wag mong iaalis ang tingin mo sakanya pag nakuha mo na siya. Papaimbestigahan ko ang mga nangyayaring ito,just calm down for now at sundin mo ang mga sinabi ko" sabi ko sakanya at saka pinatay ko na ang call

"Si Kath ba yung tumawag? Ano bang nangyayari Nadine?" Tanong ni James na kakapasok lang sa kwarto namin.

"Wala,nangangamusta lang si Kath. Babalik siyang Canada para bantayan sila Mama,handa na ba ang pagkain?" Pag-iiba ko ng Topic.

"Oo nakahain na,tara na at kumain" sabi niya.

---------------------

"Pakiimbestigahan si Steffy and Stella Cheng" sabi ko kay Yassi.

Gabi na dito sa Paris at natutulog na sila Nathan,Janine at James.

"Nadine may nangyayari ba?" Tanong kaagad ni Yassi.

"Yassi pakibantayan din si Kath at DJ hanggang hindi pa sila nakakabalik sa Canada. Mag-ingat din kayo nila Andre at pakisabihan na ding mag-ingat sila Bret at Donna. At please Yassi,don't tell James about this. Kailang ko na yung information ni Stella at Steffy mamayang umaga pagkagising ko,iemail mo na lang sakin. Salamat"Sabi ko

"May kinalaman ba ito sa nangyari sa Mommy mo? May kinalaman ba si Stella at Steffy sa nangyari kay Ericka?" Usisa ni Yassi. Ayawkong magsabi sakanya,wala pa naman akong napapatunayan na si Ericka nga ang may kagagawan nito. I don't want to conclude pero wala naman akong natatandaang nakagalit ko o ng pamilya ko,maliban nga kila Steffy at Stella na wala naman kaming ginagawa ay nagagalit samin ng pamilya ko.

"Yassi just listen to me,ok? Mag-ingat kayo dyan at ipadala mo na lang ang lahat ng info about them,ok?" Kahit hindi ko nakikita si Yassi ay alam kong tumatango siya kaya pinatay ko na ang tawag. Humiga na din ako sa tabi nila James at niyakap sila.

JAMES POV

"Nadine bat nagmamadali ka?" Tanong ko sakanya.

"May pupuntahan lang ako,sandali lang ako" sabi niya habang may hinahanap sa Sofa. Mukhang nagmamadali siya at mukhang importante din ang hinahanap niya.

"Saan ang punta mo?" Usisa ko

"Dyan lang at sandali lang naman ako" sabi niya at tumayo na,baka nakita na niya ang hinahanap niya.

Kaninang maga nakita ko siyang may binabasa sa Laptop niya at siguro ng maramdaman niyang papalapit ako ay kaagad niyang sinara ang laptop niya. Kagabi narinig kong may kausap siya sa Cellphone,hindi ko masyadong naririnig ang pag-uusap nila dahil nasa balcony siya at nakasara ang bintana. Nakatalikod siya sakin at kahit may naririnig akong sinasabi niya ay hindi ko rin maintindihan,ng mapansin kong pahiga na siya sa tabi namin ay agad na akong nagtulig-tulugan hanggang sa humiga siya sa tabi ko at yumakap.

Husband and Wife in PaperOù les histoires vivent. Découvrez maintenant