Chapter 42

2.7K 101 24
                                    

THIRD PERSON POV (Narrator)

Mabilis lumipas ang 5 Buwan na paghahabol ni Nadine kay James. Madalas siyang tanggihan ni James,parang bumalik sila sa dati kung saan wala pang nararamdaman at walang pakielam si James kay Nadine.

Napakalamig ng pagtrato niya sa kanyang asawa. Parang hangin lang si Nadine,naproseso naman na sa utak ni Janine na si Nadine nga ang kanyang ina at tuwang-tuwa naman silang dalawa ng kanyang Kuya Nathan. Ang mga magulang naman ni Nadine ay hindi pa alam ang tungkol sakanya,maging si Kath man at ibang barkada nila.

"James,gising ka na pala! Kumain ka muna bago pumasok" sabi ni Nadine sa kabababa lang ng hagdan na si James.

Tinignan lang siya ni James ng malamig at tumungo kaagad sa sasakyan at umalis kaagad. Maaga pa namang nagluto si Nadine ng umagahan para sa mga mag-aama niya ngunit hindi naman pala yun makakain ni James,hindi naman talaga lagi kinakain ni James ang mga luto niya.

"Mommy!" Tawag ni Nathan sakanya at pupungay-pungay pa ang mata ng kanyang anak,kakagising lang nito at pababa ito ng hagdan at kasunod nito sa likuran ang kapatid na si Janine.

"Oh babies! Gising na pala kayo,breakfast is ready" nakangiting sabi ni Nadine sa mga anak at tinuro ang mga inihanda niyang Breakfast para sana sa mag-aama niya ngunit ang mga anak niya na lang muli ang kakain nito.

"Mom where's Daddy?" Tanong ni Janine habang kinakagat ang hotdog.

"Busy Daddy niyo eh,nauna ng umalis" tugon ni Nadine na pilit na ngumiti.

"Ahh i see" tumatango-tangong sabi na lang ni Janine.

Pagkayari kumain ay tinulungan niyang mag-ready ang mga anak sa pagpasok ng Eskwelahan. Hinatid din niya ang mga ito sa School.

"Mommy susunduin niyo po ba kami ni Daddy sa isang Car lang?"tanong ni Janine pagbaba ng Kotse ni Nadine.

Madalas kasing sinusundo ni James at Nadine si Janine at Nathan sa kani-kanilang kotse at madalas ay mapupunta sa sasakyan ni James si Janine at si Nathan naman kay Nadine.

"Babies baka si Daddy niyo na lang ang sumundo sainyo,may aasikasuhin kasi si Mommy na importante eh" sabi ni Nadine sa mga anak.

"More important than us?" Nagtatampong sabi ni Nathan.

"Babies i'll make it up to you,two. Mommy promised! You'll go to your Room na baka malate kayo" sabi ni Nadine sa mga anak at hinalikan si Janine at Nathan sa pisngi.

"Bye Mommy! Take Care!" Sabi ni Nathan at Janine habang naglalakad at kumakaway-kaway kay Nadine.

-------------------

Pumunta si Nadine sa Hospital kung saan nagtratrabaho si James para sabihing siya na lang ang sumundo sa mga anak nila.

May check-up si Nadine para sa tuhod niya dahil kailangan pa ring imonitor ng Doctor ang mga napuruhang parte ng katawan niya sa nangyaring Aksidente sakanya,ilang taon na ang nakalipas. Kada 5 Buwan ang check-up niya.

"Andito ba si James?" Tanong niya sa nakasalubong niyang Nurse.

Tinaasan siya ng kilay nung Nurse. "May appointment ka ba kay Doc James? Kaano-ano ka ba niya?" Nakataas na kilay na sabi ng Nurse sakanya.

Tinignan pa siya mula ulo hanggang paa nung Nurse na medyo kinailang niya saka siya biglang inirapan.

"Miss kung wala kang appointment na check-up kay Doc James ay makakaalis ka na" masungit na sabi pa ng Nurse sakanya,mukhang mas bata ang Nurse ng dalawang taon sakanya ngunit mas mukhang bata siya tignan kumpara dito.

Husband and Wife in PaperWhere stories live. Discover now