Chapter 44

240 34 12
                                    

Remember

Mickaella Vergara

Haist.

Makakatulog ba ko nito?

Lalo na kung alam kong galit sakin ang boyfriend ko.

I-text ko kaya? Kaso baka... Baka... Haissst.

Napatalukbong ako.

Inaantok na ko! Huhuhu inaantok na talaga ako!

Pipikit na dapat ako ng mag ring bigla yung phone ko.

Unknown number?

Agad ko namang sinagot, baka importante ih.

"H-hello---"

"Hoy! Mickaella! Kelan ka pa nakauwi ha?! Bat hindi ko alam?!" Napalunok ako.

Isa pa tong lalakeng to ih.

Umupo agad ako.

"Kanina lang, sorry naman. Teka lang... Hoy Jash! Ang kapal naman ng mukha mo! Kaylangan ba lagi kitang balitaan sa nangyayare sa buhay ko?!"

"At bakit hindi?! Kaylangan lagi akong updated sa nangyayare sa buhay mo!"

"Ang kapal naman ng mukha mo! Tapos ikaw hindi mo naman ako ina-update sa napaka kaboring mong buhay! Ano yung nababalitaan kong may idini-date ka daw?! Ha?! Tapos---" Narinig ko na lang ang pagpatay nya sa kabilang linya.

Tignan mo yung lalakeng yon, masyadong defensive, pode.

Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko dito.

Akala ko ba tulog na sila?

Agad namang pumihit ang doorknob atsaka pumasok si... Jaydee?

May dala syang kape.

Umupo sya sa gilid ng kama ko tsaka nya nilapag yung kape sa gilid sa may desk ko.

Napakunot noo ako.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto sana kitang makausap." Seryosong sabi nya.

Umayos naman ako ng upo.

"Makausap saan?" Takang tanong ko.

"I just wanna say sorry to you. Years past. Sobrang nanghihinayang ako sa nangyare at sa naging desisyon ko. Pero hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon ko. Mas na tupad mo ang pangarap mo simula ng pakawalan kita. Mas nagmukha kang okay at para kang nakalaya nung araw na naghiwalay tayo. That's for the best kaya masaya ako na makitang ganito ka ngayon. Ang weird pero alam kong may mali sa nangyayare dito. Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sayo. Pero ano mang mangyare. Gusto ko pa ring mag sorry sa mga nagawa ko. Sorry and thank you sa pagmamahal mo sakin..."

Napakunot noo ako.

"Jaydee---"

"Let me finish first." Tumango naman agad ako kahit medyo nagtataka na ko. "Once na bumalik na lahat sa ayos. Once na maging normal na ulit lahat, I hope na maalala mo pa rin ako. I hope na hindi mo makalimutan lahat ng memories na nangyare satin, na nabuo dito. Kung hindi man totoo ang lahat ng to, basta alam ko sa sarili ko na totoo tong nararamdaman ko para sayo. I love you Mickaella. I always do. Hindi nawala at walang makakapantay. And I will never forget you. I am Jaydee Avila and you are my number one fan."

Huli na ng mapagtanto kong hinalikan nya ko.

Tsaka ko narinig ang pagsara ng pinto.

Umalis na sya.

Fangirl NoticedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt