Fangirl Noticed 23

217 40 14
                                    


Mickaella Vergara


"Anong trip mong kantahin?" Tanong sakin ni Renz.

Magkatabi kami ngayon at hawak nya yung gitara.

Sa totoo lang nahihiya akong may makarinig saking kumanta. Ewan ko ba. Tingin ko kasi ang panget ng boses ko or baka kasi bigla na lang akong mabalita at kunin na lang biga para mag audition sa the voice or sa tawag ng tanghalan. Kaylangan ko pa rin ng privacy no.

Natatawa akong nailing. Puro talaga kalokohan.

"Hm... Alam mo yung 10,000 Hours?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sya sakin at nagsimula na syang mag strum. Nakatingin lang sya sa kamay nyang nags-strum habang ako nakatitig sa kanya.

Agad akong napangiti.

Bakit kaya hindi na lang sya?

Bakit hindi na lang si Reinz yung nagustuhan ko?

Gwapo naman sya. Mabait, gentleman, sweet, thoughtful. Kumbaga ideal man na ang peg. Kaya bakit hindi na lang sa kanya?

Masasaktan din ba ako gaya ngayon kung sya yung nagustuhan ko?

Tumingin sya sakin sabay ngiti.

I ordered him na sya muna ang mauna. Mas feel ko yung chorus ih. Patuloy lang sya sa pag-strum.

Kahit isang pagkakataon lang sana sa buhay ko na maparamdam ni Reinz sakin yung nararamdaman ko kay Jaydee, kahit isang araw lang, I swear, iga-grab ko yon at bibigyan sya ng chance. Pero... Mukhang malabo talaga.


"Do you love the rain? Does it make you dance

When you're drunk with your friends at a party?

What's your favorite song? Does it make you smile?

Do you think of me?

When you close your eyes

Tell me what are you dreaming?

Everything, I wanna know it all."


Takte sinong di mai-inlove sa boses nya?!

Ako?

Well, wala akong magagawa, patay na patay ata talaga ako kay Jaydee. 

Agad akong napangiti nang lumingon sya sakin at matamis na ngumiti. Tinanguan ko sya tsaka huminga nang malalim.


"I'd spend 10,000 hours and 10,000 more

Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours

And I might never get there but I'm gonna try

If it's 10,000 hours or the rest of my life

I'm gonna love you (Ooh)"


Bakas ang gulat sa mukha ni Reinz pero di nagtagal ay napalitan naman ito ng matamis na ngiti.

Fangirl NoticedWhere stories live. Discover now