Fangirl Noticed 5

320 82 17
                                    


Mikaella Vergara

"Oh my! There she is!" Bungad sakin ni Jamila.

"Waaah! I missed you girl!" Bigla naman akong inambaan ng yakap ni Zhyra.

Pero dahil maarte ako...

"H-Hey! Back off! Ang init kaya!" Saway ko kay Zhyra.

Palihim akong napangiti nang makita ko ang naging reaksyon nya. Gulat silang napatingin sakin at parang hindi makapaniwala.

"Hala! Sorry!" Biglang hiwalay sakin ni Zhyra na para ba syang napaso sakin.

Kahit anong pigil ko ay hindi ko nagawa kaya agad akong napahalakhak sa sinambit nya.

"Chos! Come on, bruhas na-missed ko kayo!" Sabay yakap ko sa kanila.

Mukha kaming timang na nagtatatalon habang magkaka-yakap sa gitna. Marami na ang napapatingin samin.

Well I don't care. Eh sa na missed ko talaga tong dalawang to ih.

"Mika." Sabay-sabay kaming napahinto at agad na napatingin ako sa likod ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko rin ang pananahimik ng mga kaibigan ko.

Si Rusty.

Humiwalay muna ako sa kanila tsaka ako humarap kay Rusty.

"Rusty." Walang emosyon kong sabi.

Geez! I missed him!

Pinipigilan ko lang ang sarili ko ngayon na tumakbo sa kanya at yakapin sya ng mahigpit. Sobrang na-missed ko sya.

"Nabasa mo ba yung text sayo nila Mom? Mom invited you and Cassy, kasama sila tito at tita. They invited you for a dinner." Rusty said.

Napalunok ako.

Eto na naman ba kami? Magpapanggap na naman kaming okay. Nakakapagod din pero wala akong karapatang tumanggi. That's our tradition na magkaroon ng bonding kada may mag-aaya. You have no choice but to say yes. Meaning to say, panibagong gathering na naman ang pagsasamahan naming tatlo na kaylangan naming mag panggap na maayos lang kami. At kaylangan naming ibalandra sa harap nila na...

'Hello guys! I'm here! Your bestfriend!'

"Pupunta ako." Maikling sambit ko sabay talikod ko na sa kanya.

Do I have a choice?

"Mika." Hindi ko sya nilingon at inantay ko na lang ang sasabihin nya. "Can we talk... After class?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinambit nya.

Halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko sa lahat. Masaya ba ko? Kinakabahan? Nagagalit? Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis sa pagiging unfair ng hinihiling nya. Hindi ko alam.

Napahinga ako ng malalim.

After years mag uusap kami? For what? Sasabihin nya na ba yung dahilan kung bakit nila ako nilayuan?

"Uuwi ako pag tapos ng third subject." Sagot ko sa kanya nang hindi manlang sya nililingon.

"Ihahatid na kita. May sasabihin lang ako sayo."

"Ayokong may kasabay umuwi. After third subject hihintayin kita sa cafeteria." Tsaka na ko umalis.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nila Zhyra at Jamila sa likod ko.

"Oh my gosh girl! Ang gwapo talaga ni Rusty!" Napatingin ako kay Jamila.

Fangirl NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon