Fangirl Noticed 24

212 38 13
                                    

Breakfast

Mickaella Vergara

"Fuck! Ella anyare sa mukha mo?!" Bungad sakin ni kuya.

"Hoy lalake bibig mo." Napatingin ako sa nagsalita galing sa kusina.

Si Mama! May dala syang pagkain.

Hmm I think my favorite! Adobo!

"I'm sorry Mama! Kasi naman eh look! Mukhang zombie si Ella." Sinamaan ko ng tingin si kuya.

Agad akong tumakbo papunta kay Mama.

"Mama!" Nginitian ako ni Mama sabay lapag nya ng pagkain sa mesa.

"Hey princess. Minimize your voice." Agad akong napatingin sa upuan sa dining area.

"Papa!" Agad akong lumapit sa kanya sabay yakap ko.

"Tito! Tita!" Bungad din ni Mae ng pababa na sya.

"Iha." Sabay na bati nila Mama at Papa.

"Oh sya maupo na kayo. Tawagin ko lang yung boys." Sabay tayo ni Mama.

"Ay wag na po Tita. Pababa na rin po yung mga yon." Awat ni Mae.

Umupo na ko at nasa gitna ako nila Mae at Kuya. Katabi naman ni Kuya si Mama at nasa tabi naman ni Mama si Papa.

"Woah! Ang bango non ha! Ow goodmorning po Tito, Tita." Biglang sulpot ni Razzel.

"Morning po Tito, Tita. Morning bro. Morning Ella. Goodmorning babe." -Vixen

"Goodmorning po." -Ace

"Sakit sa ulo ng boses mo Razzel. By the way Goodmorning po Tito, Tita. Goodmorning Ella." -Reinz

"Ouch! Andito yung kuya oh!" Sabat ni kuya na parang nasasaktan.

"Drama mo." Bulong ko sapat na para marinig nya. "Ouch! Ano ba?! Dad si kuya oh!" Sumbong ko kay Dad. Pano ba naman biglang inapakan yung paa ko.

"Enough mga anak. Goodmorning mga iho.
O sya maupo na kayo." Saway ni Mama.

Nagsimula na naman silang umupo.

Kumain na kami at syempre di maiiwasan ang asaran at ang madaldal na boses ni Razzel. Kwento lang sya ng kwento about sa nangyare this past few months.

"Ah sya ngapala. Where's Jaydee?" Tanong ni Dad, dahilan para mapahinto ako sa pagkain.

"Ah si Jaydee po ba? Sa pagkaka-alam ko po nagstay sya sa isang hotel kasi po galing syang---"

Nahinto si Razzel sa pagsasalita ng biglang may nagsalita sa likod ko.

Agad akong nanigas sa kinau-upuan ko ng marinig ko ang boses nya.

"Ahm. I'm sorry po Tito, Tita kung di ako nakapagpaalam sa inyo. By the way it's nice to see you again." Sabay lapit nya kila Mama at Dad.

"It's okay. Ow how I missed you." Sabi naman ni Mama.

The way they talk parang sobrang close sila sa isat-isa.

Pinaupo na ni Mama si Jaydee kaya umupo na rin sya at sinaluhan kami sa pagkain.

Lalo tuloy akong nailang.

"San ka nga ba nanggaling iho?" Tanong ni Papa kay Jaydee.

"Ahm. May inasikaso lang po ako about sa modelling ko." Sagot nya.

Ows? Sabihin mo nagmukmok ka lang!

What the--- Bat naman sya magmumukmok para sakin?!

Kelan ka pa naging assuming Ella?!

Fangirl NoticedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora