Fangirl Noticed 38

197 31 12
                                    


Gone?

Mickaelle Vergara

Woooh! Andaming tao!

"Hey Ella, ready?" Biglang sulpot ni Razzel sa harap ko.

"Uhm. Yah." Sagot ko habang palakad lakad.

Gosh! Bat ba di ako mapakali?

"Uyy, okay ka lang? Si Reinz ba hanap mo? Alam mo nasasaktan mo na ako." Sabi naman ni Ace.

Oww I forgot. Bukod pala saming tatlo nila Reinz at Jaydee. Alam na rin pala ni Ace na hindi talaga kami ni Reinz. Pano ba naman hindi nya ko tinantanan nung nalaman nya sa news na kami na daw. Pero syempre yung tungkol samin ni Jaydee hindi nya alam.

"Tsk. Tigilan mo nga ako Ace. Nga pala, anjan na ba sila Zhy?" Tanong ko sabay kuha ko ng phone ko sa desk ko.

"Yep. VIP sila." Sagot naman ni Vixen.

"Hep! Relax lang girlfriend ko." Biglang sulpot ni Reinz kaya naman napairap na lang ako.

Bigla namang umalis si Ace.

Laging ganyan yan, pag kasama ko isa man sa kanila ni Jaydee at Reinz bigla na lang syang aalis.

Hindi naman ako manhid. Alam kong may feelings pa din sya sakin. Hindi na nga namin napag-usapan yun ih. Ayokong makasakit, pero hindi naman maiiwasan yon. Hindi ko naman kayang pahintuin na lang bigla yung nararamdaman nya sakin.

"Ahmm. Guys heramin ko lang saglit itong girlfriend ko ha." Paalam ni Reinz sa mga tao dito sa backstage.

Todo kilig naman ang mga staff namin.

Habang ako naman tinataasan na ng balahibo, loko to career na career ang pagiging boyfriend.

Minsan nga nalilito na ko kung sino talaga yung totoong boyfriend ko sa kanila ih.

Si Jaydee na totoong boyfriend ko pero iniiwasan ako at napaka-cold pa sakin.

O si Reinz na fake boyfriend ko pero napaka gentle sakin at napaka sweet. Haist.

Hinawakan ni Reinz ang kamay ko papunta sa isang kwarto dito.

Medyo malayo ang nilakad namin kaya medyo nabwiset din ako sa kanya.

Loko to, malapit ng magsimula ih.

Nang makapasok kami binitiwan nya naman agad ang kamay ko. Tinaasan ko agad sya ng kilay.

Anong trip neto?

"Ano na naman ba?" Nginitian nya naman ako.

"Kanina ka pa balisa. Nag text sakin si Jaydee, papunta na daw sila." Sagot nya naman.

Napangiti ako pero napalitan naman agad yon ng pagkakunot ng noo ko.

"'Sila?'" Nagtatakang tanong ko.

"Ah-hah! Sa pagkakaalam ko kasi sinama nya daw yung leading lady slash ka loveteam nya. Si Carol."

Napayuko naman ako.

"Ow shoot! Wag ka namang malungkot jan. Tinext ko na sya na dumiretso sya sa kwarto na to. Napansin ko kasi na this past few days nagiging sobrang lungkot mo. And naisip ko na dapat makapag-usap kayo ng maayos ni Jaydee."

"Reinz. N-natatakot ako. P-Pano kung ayaw nya na sakin. Reinz---"

"Shhh..." Agad nya kong inakap.

"Hindi ka mahirap mahalin Ella. Alam mo yung mahirap?" Yumuko sya para makita ako habang yakap nya ko.

Umiling iling naman ako.

Fangirl NoticedWhere stories live. Discover now