Fangirl Noticed 40

206 31 12
                                    

Reason

Mickaella Vergara

After Six years...

"Babe, tumawag si Jamila kanina. Umiiyak na naman daw sila Zhy." Jazer said.

Marc Jazer Castillo.

My Boyfriend, and yah! I have a boyfriend.

Simula ng pumunta kami dito, sya ang unang lalakeng naging close ko, next to my brother. Daili.

4 years na kaming in a relationship.

At masasabi kong napaka strong ng bond namin. I love him very much at alam kong ganon din sya sakin.

We're loveteam in or out of camera. Actor sya at sya rin ang nagpasok sakin sa showbiz. Meaning to say, artista kaming dalawa at loveteam. May nagawa na kaming tatlong teleserye at dalawang movies.

Nakatira kami sa condominium, magkakatabi lang ang kwarto namin.

"Hayaan mo, lagi namang ganyan yang mga yan. Tatawagan ko na lang mamaya." Sabi ko sabay lapag ng kape sa harap nya.

"Go ma sseum ni da" (Thank you) Sagot nya.

Pilipino sya pero mas pinili nyang mag stay dito sa korea simula ng maging actor sya. Lalo na ngayon na dumadami na ang mga project namin.

Uupo na dapat ako sa katabi nyang upuan ng bigla nyang ipinulupot ang braso nya sa bewang ko kaya napaupo ako sa kandungan nya.

"Ano ba Jay? Lagot ka kay kuya pag nakita tayong nasa ganitong posisyon." Imbis na sumagot isinubsob nya lang ang mukha nya sa leeg ko.

Isa sa paborito nyang gawin ay ang pagsubsob ng mukha nya sa leeg ko at amoy amoyin ako. Kulang na lang jan ko na sya patulugin ih.

Pero kahit ganito kami ka clingy, wala pang nangyayare samin. 26 pa lang ako at hindi pa ko handa and he respect me. Nirerespeto nya ko.

"Stay still. Mamaya puro trabaho na naman tayo. Tas hindi na naman kita makakausap kasi mag me-memorize ka ng script mo. Tas sa weekend naman may photo shoot tayo." Kahit hindi ko nakikita yung mukha nya alam kong naka nguso na sya.

Hangkyut!

Agad kong hinawakan ang magkabila nyang pisngi at hinarap ko sya sakin.

"Mianhe." (Sorry.)

"Sorry and I love you babe." Sabi ko sabay kiss ko sa lips nya.

"You don't know how much I love you." Sinserong sabi nya sabay halik sakin.

Naputol lang ang paghahalikan namin ng biglang may mag doorbell.

Agad napabusangot si Jazer.

Napangiti na lang ako sabay tayo at punta ko sa pintuan. Bubuksan ko na dapat ang pintuan ng biglang may jacket na pumatong sakin.

Napatingin ako kay Jazer.

"Haharap ka sa tao na naka midnight dress? Seriously Micka? Pano kung lalake yan?" Bakas ang inis sa mukha nya.

Nakalimutan ko pa lang magpalit? Pano ba naman, ang aga kasi nitong mambulabog ni Jazer. Kulang na lang dito na rin sya tumira ih.

"Thanks babe." Sabay ngiti ko.

Nakabusangot syang tumalikod sakin staka sumalampak sa couch.

Tsk. Sungit ng bipolar na yon.

Agad ko namang binuksan ang pintuan at agad nanlaki ang mga mata ko.

"A-ate Dalia?! Oh my gosh! Ate ikaw nga!" Nagtatatalon ako sabay yakap sa kanya.

Fangirl NoticedWhere stories live. Discover now