Fangirl Noticed 39

202 29 11
                                    

Rest

Mickaella Vergara

"Jaydee..."

Binitawan nya ang kamay ko staka nya nilagay sa bulsa nya ang mga kamay nya.

"Don't cry. I don't deserve your tears." Kalmado pa ring sabi nya.

Pinunasan ko naman agad ang luha ko.

"B-bakit? A-Ayaw mo na sakin?"

"No, not like that."

"EH BAKIT NGA?!" Hindi ko na kayang kimkimin to, pagod na ko!

Pagod na kong itago tong mga nararamdaman ko.

Wala na kong pake kung may makarinig samin.

"Pagod na ko. Everytime na nakikita ko kayong sweet at laging magkasama ni Reinz alam mo ba yung nararamdaman ko? Tangina sobrang sakit Ella. Hindi ito yung ginusto kong relasyon."

Nagsibagsakan ulit ang mga luha ko.

Bakit? Sino bang nagsimula ng relasyon na to? Ako ba?

Sino bang may gusto ng ganitong klaseng relasyon?! Sinong tangang gugustuhin ng ganitong set up na relationship?!

"A-ako ba? Tingin mo hindi ako napapagod? Pagod ako, pagod na pagod na. Yung araw-araw na cold treatment mo sakin. Yung pambabalewala mo sakin? Yung parang wala na kong halaga sayo? Yung nakakagagong pagseselos ko sa inyo ni Carol?! Lahat yon tiniis ko. Kasi everytime na gusto ko ng sumuko hindi ko magawa. Iniisip ko pa lang na pakawalan ka parang hindi na ko makahinga." Parang dinudurog na yung puso ko.

"Ella, ayokong saktan ka pa. Once na maghiwalay na tayo, magagawa mo na yung mga gusto mo. Makakapag-pirma ka na ng kontrata sa ibang bansa. Hindi mo na ako kaylangang isipin. Focus on your dream, focus on your career, and... Give your full attention to Reinz."

Napabuga ako ng hangin.

I get it!

"And you will give your attention to Carol, right? Ang sakit. Parang bigla mo na lang akong pinamigay kay Reinz. Bakit? Kaya mo ng makitang may kasama akong ibang lalake?"

"Ella..." Akmang lalapit sya sakin ng pigilan ko sya.

"Enough, I get it. Maybe you're just concern to me. At ginamit mo yung concern na yon as a excuse para hindi ko na kayo pigilan ni Carol. Ang sweet naman. Nakakainggit. Nakakaselos."

"Ella..."

"S-Sana hindi mo na lang pinaramdam sakin na mahal mo ko. S-Sana hindi mo na lang sinubukang maging tayo. S-sana hindi na lang naging tayo. Edi sana walang break up na naganap. Edi sana kahit pagkakaibigan natin pinanghahawakan ko pa ngayon. Sana sa susunod wag mong sasabihin na mahal mo yung isang tao kung bandang huli ma a-out of love ka rin pala. Wag mong sabihing pagod ka na. Sabihin mo, ayaw mo na." Agad naman akong tumalikod sa kanya.

"So now it's official. Break na tayo." Sabi ko sabay alis.

Mahirap pakawalan ang kagaya nya. Pero para san pa kung kakapit ako?

Hindi naman maganda kung isa na lang yung kumakapit.

Mas okay na rin siguro to.

Siguro sa umpisa lang ako hindi makakahinga, pero pag nakasanayan ko na, hindi ko mamamalayan unti-unti na pala akong nakakahinga. With fresh air pa.

Kaya ko to.

Kaya k-ko

Hindi ih.

Fangirl NoticedWhere stories live. Discover now