Fangirl Noticed 10

282 64 17
                                    


Mikaella Vergara

Tamad akong napasandal sa bintana katabi ng inuupuan ko.

Walang maganda sa tanawin sa labas. Puro blurred na pag andar ng mga sasakyan ang nakikita ko dahil sa bilis magpatakbo ng sasakyan ni Jaydee.

Grabe ang tahimik naman.

Napabuntong hininga ako.

"Jiruhaeyo." Mahinang sambit ko.

Kung ano-ano nang kinakalikot ko dito sa sasakyan nya pero nakaka-bored na talaga. Di tulad pag si Reinz ang nag-hahatid sakin nakakapag-kwentuhan pa kami, pero etong kasama ko ngayon? Parang pipe. Di manlang nag-sasalita.

Hayst.

"Jinja?" Napatingin ako sa katabi ko ng magsalita sya.

Wait nakakaintindi ba sya ng korean language? So narinig nya yung sinabi ko?!

Kaya umiling-iling ako, nakakahiya naman. Nakikisakay na nga lang ako tas magrereklamo pa ko na nabo-boring ako. Syempre kahit papano may hiya pa din ako.

"Hindi joke lang. Teka marunong kang mag speak ng korean?" Tanong ko sa kanya. Tumingin muna sya sakin bago sya nag salita.

"May mga world tour din kami sa iba't ibang bansa... So we really need to learn different languages." Sabi nya. Napatango-tango naman ako.

"Teka. Eto na. Dito na lang." Sabi ko nang mapansin kong nandito na kami sa mall. "Ah salamat. Sige mag antay ka na lang muna dito. Saglit lang ako o kaya naman mauna ka na at mag ko-commute na lang ako." Suhestyon ko. Tsaka ko binuksan yung pinto ng sasakyan. Bababa na dapat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko kaya agad akong naninigas sa kinauupuan ko, dahan-dahan akong napatingin sa kanya.

"B-Bakit? May ipapabili ka ba?" Naiilang na tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayong bumaba. Ipa-park ko lang tong sasakyan." Napanganga naman ako sa sinabi nya. Bakas sa mukha nya ang pagka-seryoso. Di ko namalayan na nasara nya na pala yung katabi kong pinto.

Gulat lang akong nakatingin sa kanya.

Muli na nyang pinaandar ang sasakyan papuntang parking lot.

"T-Teka. Hindi na kaylangan. B-Baka pagka-guluhan ka nila don. Ano ba?!" Medyo gulat ko pa ring sabi.

"Even though sikat ako bilang young artist. Siguro naman may karapatan pa din akong mag mall and besides sa tagal ko na sa showbiz wala pa naman ni isang fangirl ko ang nangahas na lumapit at yumakap sakin. Hanggang tingin at tili lang sila so don't worry. Solo mo ko ngayon." Dire-diretsong paliwanag nya.

Napalunok naman ako.

So seryoso nga sya? Bababa nga sya kasama ako?!

"E-Eh p-pano ako?" Di makapaniwalang tanong ko.

Pano na lang kung sugurin ako ng mga fangirls nya?! Edi wala na?! Masisira na ang pinaka-iingatan kong magandang mukha?!

"Don't worry. As long as katabi mo ko, walang gagalaw sayo. Atsaka kung iniintindi mo yung mabubuong issue tungkol satin. Wag kang mag-alala. Sila Ace and Razzel na ang bahala don. Besides..." Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa kaya nahihiya akong napayuko. "Hindi kita type." Sabay ngisi nya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Halos maramdaman ko ang pag angat ng dugo ko sa ulo ko dahil sa gulat at inis na nararamdaman ko.

Wow ha! Ang taas naman ng confidence nya!

Tingin nya sakin?! Type ko sya?! No way! Never!

Fangirl NoticedWhere stories live. Discover now