Fangirl Noticed 19

226 48 15
                                    

Mikaella Vergara

"Ow! Look who's here. Ang girlfriend daw ni Jaydee Avila. Is that true Ella?" Biglang sulpot ng limang babae sa harap namin.

Naglalakad kami sa hallway tas bigla-bigla silang susulpot. Akala mo nasa isang commercial kami tas sila yung biglang susulpot tas mag-aalok ng product nila.

Tsk! Kairita.

"Oh?! Ano naman ngayon? Inggit ka? Palibhasa alam mong hindi ka kayang patulan ng isang Jaydee Avila." Biglang sambit ni Mae.

Napapigil ako ng tawa nang marinig ko ang sinabi nya. Although, hindi naman totoo yung issue pero gustong-gusto ko lang talagang maasar tong mga to. 

"Ano bang problema mo?! I'm just asking her. Nakikisali ka naman. E, alipores ka lang naman nya!" Inis na sambit naman ng babae.

Nagulat kami nang biglang humakbang si Zhyra.

Woah.

"For your information hindi sya alipores! Ang tawag don kaibigan! Wala ka ba non? Kasi parang napilitan lang yang mga kasama mo eh. Subukan mong alisin yang kayamanan at kagandahan mo. Tignan natin kung sumama pa yang mga yan sayo. Ow wait. Cut that kagandahan word. Cause I can see na wala ka naman non." Mataray na sambit ni Zhyra dahilan para matawa talaga ako ng walang pagpipigil. Geez! Nasisira yung postura ko ih. 

Napayuko naman ang mga kasama nya. Oh di ba? May point?

Halata ang pagkairita ng babaeng nasa gitna nila.

Oh! Ano ka ngayon?!

"What the hell?! Anong tingin mo sa kanila? Plastic?! As if mawawala yang mga yan sakin. Tsk! Anyway, si Ella ang kausap ko!" Sabay harap nya sakin. "I know na maganda ka. But tell me. Ano bang klaseng panglalande ang ginawa mo kay Jaydee--- Aray! Ano ba?!"

Napanganga ako sa nakita ko.

Sinampal lang naman ni Jamila yung babae. At hindi lang yon basta sampal. Parang buong lakas nya binigay nya don. Muntik na ngang matumba yung babae, buti inalalayan sya nung mga kasama nya.

Bakas pa sa mukha nung babae yung sampal ni Jamila. Namumula mula pa kasi. Awts. Poor girl! Bukod kasi sakin tingin ko si Jamila na ang pinaka mataray sa mga kaibigan ko.

And warning lang. Wag mong pipikonin si Jamila kasi matitikman mo yung half monster sa mga kamay nya.

At pag sinabi kong half. Half lang talaga. Cause I consider myself as a whole monster when I'm angry.

Natatawa nga ako tuwing naaalala ko kung pano sila manahimik at matakot pag-galit ako.

"I think you need to wash your dirty mouth girl! Kung ano-ano na kasing lumalabas eh! Try mong manalamin. Tignan natin kung ilang layers ng make up ang pinatong dyan sa mukha mo para makapagsalita ka ng malande." Seryoso ngunit bakas ang pananakot sa sinabi ni Jamila.

Para akong nanonood ng action sa nakikita ko. Hmm. Bili kaya muna ako nang pop corn?

Whoooh! Intense!

"How dare you---" Sasampalin na dapat nung babae yung mukha ni Jamila nang biglang pumagitna si Cassy.

"Try to lay your dirty hands on my friend's face, you will see your nightmare." Pananakot sa kanya ni Cassy na kahit ako ay natakot. Ang seryoso kasi ng mukha nya.

Nakakataas ng balahibo!

Aba! Dati lang ay itong babaeng to ang binu-bully, ni hindi nya maipagtanggol ang sarili kaya kami ni Rusty ang gumagawa non para sa kanya, pero ngayon... Mukhang kaya nya ng wala kami, kaya nya nang ipagtanggol ang sarili.

Fangirl NoticedWhere stories live. Discover now