Fangirl Noticed 4

351 86 22
                                    


Mikaella Vergara

Finally. Natapos din sa mga dapat gawin. Naayos ko na rin ang mga gamit ko sa kwarto so maliligo na lang ako at matutulog.

Ugh! So tiring day.

Nahinto ang pagpahinga ko nang makarinig ako ng katok. Napa-irap ako. Padabog akong dumiretso sa pinto ng kwarto ko sabay bukas ko ng pinto. Bumungad sakin ang gwapo--- Este nakaka umay na pagmu-mukha ni Ace.

"Hey. Ihahatid ka ni Reinz bukas sa school na papasukan mo pero hindi ka nya masusundo sa uwian. May gig kasi kami." Sambit nya sabay abot sakin ng kapirasong papel. "Pinabibigay to ni Jaydee. Ticket yan. Mahal yan kaya ingatan mo. Punta ka ha? Aantayin ka namin." Huli nyang sambit sabay alis.

Ang weird ng lalakeng yon. Kanina lang seryoso tas ngayon para naman syang nagra-rap kung makapagsalita.

May humahabol ba sa kanya? Tsk.

Sinara ko agad ang pinto.

Hmm. Kung ganon ang swerte ko pa rin pala. Mahal daw tong ticket so swerte ko nga. Ano kaya kung ibenta ko na lang to sa may gusto? Tapos mamimili na lang ako ng maraming libro. Paka talino ko talaga.

Tapos magkakaroon na ko ng maraming collection ng books. Tas after non bibili ako ng condo at iiwan ko na sila.

Brilliant Idea Ella! It's a prank!

After all, gusto ko na rin naman ulit silang mapanood ih. But still, I hate them.

Tinignan ko yung ticket.

Geez! Mukhang mamahalin nga!

Napahinga ako ng malalim nang makarinig na naman ako ng sunod-sunod na katok. Lumapit ulit ako sa pinto at binuksan ko ulit ito. Inaasahan ko na si Ace ulit ang makikita ko pero nagulat ako na ang bumungad sakin ay ang seryosong pagmumukha ni Jaydee.

Ano bang problema nya? Bakit ang moody nyang tao?

Minsan nakangisi tas biglang tatawa tas bigla biglang seseryoso? Tsk.

Babae ba sya nung past life nya?

"Take this. Mga magazines, albums, movies, dramas at pictures ko. May mga pirma ko na yan."

Napatingin ako sa hawak nya.

Anong gagawin ko dyan? Ipangsisiga nya ba sakin?!

"Eh? Para san yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"In case you become one of my fans. You already have it right away; you don't have to buy." Sabay abot nya sakin ng mga dala nya tas sya na rin ang nag sara ng pinto.

Pero nagulat ako ng wala pang isang segundo nang buksan nya ulit ito. "And one more thing. Goodnight and please have a sweet dream and also don't forget to lock your door for your safety young girl." Sambit nya sabay kindat staka sya umalis.

Halos mapatulala ako sa ginawa nya.

What the hell?! Ano bang problema nya? Lakas ng amats.

Umupo ako sa kama ko at isa isang tinignan ang mga pictures nya.

Geez! Ang gwapo. Pano nangyareng may ganito ka gwapong nabubuhay sa mundo? Hindi ba masyadong naging unfair ang earth?

Inalis ko yon sa aking isipan at dumako naman sa iba pang litrato nya. At halos mapa lunok ako nang ilang beses ng dumako ako sa ilang pahina ng magazine nya.

Meron syang pic sa magazine na half naked! Just what the heck?! Ang gwapo! Ang hot! This is crazy. Hindi ko inakalang aabot sa ganito ka ganda ang katawan nya. Huling kita namin medyo tutoy pa sya ha? How come na na built nya ng ganito yung katawan nya?

Fangirl NoticedWhere stories live. Discover now