Fangirl Noticed 17

237 52 17
                                    


Mikaella Vergara


Ayokong maging unfair kay Reinz pero ayoko ding makasakit na naman. Nako-konsensya ako sa ginawa ko kay Reinz. Piling ko ang sama-sama ko. Hindi ako sanay mang reject dahil aminin ko man sa hindi... Maganda ako, oo pero hindi yung tipong mapapadalawang tingin ka pag nakasabay mo ko sa daan. Hindi yung gandang mala, Mae na napakadaming manliligaw noon.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Umamin sakin ang dalawang magkaibigan na gusto nila ako.

At ngayon. Nakayakap sakin si Ace. Di ko alam kung bakit komportableng-komportable sya.

Sa loob ng one month madalas nya tong gawin. Hindi ko alam kung bakit di ko sya magawang pigilan.

Tuwing ginagawa nya to' hindi ko alam kung ano ba talagang nasa isip nya.

Pero yung mga huling sinabi nya ang nagpalinaw sa mga tanong ko.

'I love you, Ella.'

Huminga muna ako ng malalim tsaka ako humiwalay sa kanya.

"A-Ah e-eh hehe. P-Punta na ko don ha?" Turo ko sa living room.

Hindi ko alam kung bakit di ko magawang masabi sa kanya yung mga sinabi ko kay Reinz. Siguro dahil ayoko ng maka-sakit pa.

Tumalikod na ko sa kanya nang bigla syang magsalita.

"You don't meet people by accident. There's always a reason."

Napahinto ako at napalingon sa kanya. Alam kong na-kwento ko na sa kanya yung admirer kong yon. Pero di ko alam kung bakit iba yung dating sakin nung sya na yung nagsabi ng mga salitang yon.

Unti-unti syang lumapit sakin sabay hawak nya sa mga kamay ko.

"Once upon a time something happened to me. It was the sweetest thing that could ever be. It was a fantasy. A dream come true. It was the day that I met you."

"A-Ace."

"Yes. This is me. Your admirer. Your light."

A-Admirer? Light?!

Napatakip ako sa bibig ko.

That code name. Every letter na pinapadala nya. Sa baba nakalagay ang code name na Light. Pano nya nalaman yon?!

So...

"I-Ikaw nga." Sabay yakap ko sa kanya.

Geez! Di ko alam kung bakit pero sobrang saya ko talaga.

•••

"All this years ginugol ko lahat ng oras ko para mahanap ka lang. Pero hindi ko alam na ikaw pala at sya ay iisa. Ang laki kasi ng pinagbago mo."

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Ace.

Ang ganda pala ng kwarto nya. Amoy na amoy yung pabango nya dito. At higit sa lahat, sobrang lambot ng black nyang kama.

"Talaga? Hindi mo ko nakilala?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Lalo ka kasing gumanda. Akala ko nga magkakagusto ako sayo at makakalimutan ko na sya. Yun pala nagustuhan kita hindi dahil ikaw sya. Kundi dahil kung anong naramdaman ko sa kanya, naramdaman ko rin sayo ng sobra. Still you, always you."

Napatahimik ako at napa isip.

Ganon din kaya si Jaydee sakin?

Natatakot akong umamin at sabihin sa kanya kung sino talaga ako. Kasi tingin ko, mamahalin nya lang ako dahil ako ang babaeng tingin nya... Tingin nya mahal nya.

Fangirl NoticedWhere stories live. Discover now