49

60.3K 1.3K 292
                                    


SUMUNGAW sa pinto ng hospital suite si Lance, in his arms are bunch of yellow roses.

"Hi," nakangiting bati nito sa asawa. Inilagay ang mga bulaklak sa bedside. Kumuha ng isang stem ng rosebud at iniabot kay Billie. "For the mother of my son and the woman I love so much..."

She giggled bagaman dinala sa ilong ang rosas at sinamyo. "You're corny." pagkatapos ay seryosong tumingala sa asawa, whose eyes lovingly gazed at her. "Do you really love me, Lance?"

"I have my lifetime to prove it, Billie Rose," he whispered huskily. Kinuha sa kamay ng asawa ang stem ng rosas at idinampi sa mga labi niya.

"Kahit na wala sa akin ang mga katangiang hinahanap mo sa isang babae?" she teased gently.

"I was a fool para isiping may yardstick sa pagmamahal." She opened her mouth to speak pero muling nagsalita si Lance. "No, I don't think so." isang malalim na paghinga ang pinakawalan nito. 

"Years ago, I fell in love with Jewel, with so many reasons to justify my feelings. She represented my ideal woman, ang uri ng babaeng inilagay ko sa ulo ko bilang katulad ng mama. I hated you and my father because I don't want being manipulated. Pero nang makita kitang muli nang pumasok ka sa pinto ng opisina ko, hesitant, and yet with a smile so tender, I was lost.

"My heart was captured and before I knew what hit me, my soul surrendered." he smiled wickedly as he quoted a line from a song. "Can't help falling in love with my wife. And when I started to think what made me fall in love with you..." he shook his head smiling. "Strange, but I couldn't find one single reason that would come first in my mind. No reasons, no yardstick. I fell in love with you because you are you, my own Billie Rose Navarro. I love everything about you."

Nag-uumapaw ang dibdib ni Billie sa pag-ibig sa lalaking ito. "I love you, too, Lance. Must have loved you all along only didn't realize it. Perhaps because I knew I was the exact opposite of the woman you loved. I silently hated it when you said at the field that I tanned beautifully." pinamulahan siya ng mukha nang maisip ang nangyari sa parang nang hapong iyon. "I thought you were trying to compare me with Jewel..."

"Jewel is a dear friend, darling. I got over my feelings for her a long time ago." Sinuyod nito ang mukha niya, his eyes lingered on her lips. "No lips have excited me as much as yours did. At hindi ako kailanman nagselos kay Bernard tulad ng nakababaliw na panibugho ko kay Luke at sa sarili kong ama that I almost went out of my mind, lalo na nang sabihin mong mahal mo ang papa."

"Hindi katulad ng iniisip mo, Lance..."

"I know," he whispered. "Sinabi ng papa sa akin. You had this childish crush on him at nakita mo sa kanya ang ipinagkait sa iyo ng Tito Luis and almost wished he was your own father." pabiro itong nagmura kasabay ng pag-iling. "He planned it all, ang sadyaing magselos ako to test my feelings..." yumuko ito at banayad na inangkin ang mga labi niya. Pagkatapos ay may dinukot na kahita sa bulsa ng pantalon at inabot sa asawa.

"Hmm..." nakangiting wika ni Billie at nasasabik na binuksan. "Oh!" she exclaimed softly. Dalawang singsing ang naroon. Isang tiffany na kumislap ang bluish diamond sa liwanag ng ilaw ng ospital at isang simpleng gold band ring na may nakabaong nag-iisang bato.

"Ang isa'y engagement ring. I owe you one," he smiled sheepishly at kinuha sa kanya ang singsing at isinuot sa kaliwang ring finger. "The other is our wedding ring. Mayroon din akong katulad niyan. In three weeks' time, darling, we will be married. Kahit saan mo gusto and we will invite the whole world. Get well soon at piliin mo ang wedding gown mo. Ipapa-rush natin. I already have asked Nick na iuwi rito si Angeli bilang flower girl..."

She was speechless. Ano ang maaari niyang sabihin? Kumislap ang mga mata sa mga luhang namuo roon. Suminghot and shrugged her shoulders.

"Well," she said matter of factly. "I'm glad you had the sense of repeating our vows. I really hated the way you said your 'I do' then. Para bang pinirmahan mo ang death sentence ko. I hope you will say it with feelings this time..."

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Lance sa loob ng silid.

ANG mag-asawang Navarro na kanina pa sa labas ng silid ay hindi na nagtuloy pumasok. Ipinasyang tingnan na lang sa nursery ang bagong silang na apo na bagaman malusog ay ipinasyang ipasok sa incubator.

"Do you believe me now, darling?" nakangising akbay ni Franco sa asawa. Nagkibit ng mga balikat si Beatriz tanda ng pagsang-ayon. "Maraming mga bagay sa sarili ko ang nakita ko kay Lance, Bea. He adored you at ikaw ang yardstick niya sa pagpili ng kakasamahin sa buhay. You pampered that son of yours too much kaya nasa isip ni Lance na ikaw ang epitome ng perfection..."

Umirap si Beatriz. "I pampered and loved all my children, Franco Navarro. And I pampered you, too!" Isang halakhak ang pinakawalan ni Franco at kinabig ang asawa. "At sana'y dito na natapos ang panghihimasok mo sa buhay ng mga anak mo..."

Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Franco Navarro.



WAKAS



***************Haysss mami-miss kita bebe Lance, uunahin ko na rin kayo mga beshie , ako na mauuna kay Renz char hahahaha. Kumusta kayo mga beshie? Ayos lang ba kayo? Di ko alam kung kailan ulit ako mag-uupload sa next story hahahaha. Magmo-move on muna ako kay bebe Lance ko char. Stay safe and God bless us all. - Admin A ********

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now