48

37.6K 912 164
                                    

NI HINDI gustong kumurap ni Lance habang nakatitig sa asawa na mariing kinagat ang labi upang hindi mapasigaw sa paghilab ng tiyan. Mahigpit na nakahawak sa braso niya si Billie at tila doon kumukuha ng lakas.

"Honey, tell me what to do... talk to me, please..."

"I'm scared," pahikbi niyang sinabi. "M-my mother... she—she d-died in my arms after she... she gave birth to Angeli."

Napahugot ng matalim na paghinga si Lance. Gumuhit na ang butil-butil na pawis sa noo. Dumaan sa isip ang sandaling namatay si Donya Erlinda. His grandmother, too, died in his wife's arms. No wonder she was so shocked! And he was consumed with jealousy sa pag-iisip na may namamagitan kay Franco at kay Billie. Lalo itong nakadama ng pagkamuhi sa sarili sa mga sandaling iyon.

Billie raised teary-eyed to him and saw the guilt ang agony. Nahuhulaan ang laman ng isip ng asawa. Nangibabaw ang pag-ibig. "I... I wasn't lying when I said I love you, Lance..."

"Sshh... I know, I know," bulong nito. Dinala sa bibig ang kamay ng asawa at hinagkan. His eyes got misty. "And I love you, too, sweetheart. So much you can't begin to know..."

"Oh!" muling impit na dumaing si Billie Rose at humigpit ang hawak sa braso ng asawa.

"Billie!" Napatayo ito sa pagkataranta at hindi malaman kung saan at paano hahawakan ang asawa.

He was scared to death. Hindi niya patatawarin ang sarili sa sandaling may mangyari sa mag-ina niya. Hindi niya dapat dinala sa hacienda si Billie Rose.

"Lumabas ka muna, Lance," utos ni Nana Tonya nang naiayos na si Billie. "Iwan mo kami ng asawa mo."

"No!" halos sabay na sagot ni Billie at ni Lance.

"D-don't leave me, Lance..." she held on to his arms tightly as if they were her lifeline.

"Hindi ako aalis sa tabi mo, Billie," mariin at determinadong sagot nito. "Nana Tonya, bilisan na ninyo at nahihirapan na ang asawa ko..."

Buntong-hininga at iling ang ginawa ng matanda at sinimulang hawakan sa tiyan si Billie at banayad na hinihilot pababa. "Umiri ka, Billie, sige na, anak..." utos nito.

"Push, sweetheart," dagdag ni Lance nang lalong lumalim ang kunot ng noo ng asawa at tumingala sa kanya na hindi marahil maunawaan agad ang sinabi ng matanda.

"Ohh!" Hindi mapigil ni Billie ang mapasigaw sa mahaba at malakas na hilab.

"Nana Tonya!"sindak na sigaw ni Lance.

"Heh!" singhal ng matanda. "Huwag mo akong tarantahin. Sinabing lumabas na muna, eh. Umiri ka, Billie, sige..."

Halos bumaon sa mga braso ni Lance ang mga daliri ni Billie kasabay ng malakas na pag-iri.

"Sige pa, uli, hija... sige pa..."

"Hmppp....!"

Oh, god, oh, god! Si Lance na gusto nang panawan ng malay sa pag-aalala at nerbiyos. Gusto niyang lumabas ng silid dahil tila nauupos ang lakas niya sa takot habang pinapanood ang asawa. But he didn't want to leave her either. He would give his strength, his life, kung kailangan ng mag-ina niya. He tried to keep his calm. Took a deep breath and swallowed. Hinawi niya patalikod ang buhok ng asawang basa na ng pawis. Pinahid ng palad ang pawis sa noo ni Billie, ni hindi napupunang basa na ng pawis ang buong polo shirt niya. Na nahihilam na ang mga mata niya sa pawis.

"Nakikita ko na ang ulo ng anak mo, Billie," nakangiting wika ng matanda. "Sige pa, hija. Isang malakas at tuloy-tuloy na iri... sige..."

"Push, honey, come on," he encouraged as Billie took her strength from him. At kung gaano kahaba ang iri ni Billie ay ganoon din kahaba ang pagpigil ng paghinga ni Lance.

Napuno ng malakas na uha ang buong silid. "Lalaki, Billie Rose!" bulalas ng matanda na ngumiti at nakahinga nang maluwag. "Lalaki ang anak mo, Lance!"

Inilapag ni Nana Tonya ang bata sa tiyan ng ina at nahahapong tinitigan ng may ngiti. Sino ang mag-aakalang ang isa sa mga tagapagmana ng FNC empire ay ipinanganak sa lumang villa na ito? At na ito mismo ang naglabas sa bata sa sangmaliwanag.

"My baby..." nahahapong niyuko ni Billie ang anak, humalo na ang luha at pawis. Pagkatapos ay tumingala sa asawa na nakatitig sa kanilang mag-ina.

Lance was momentarily stunned as he watched his wife and new born son in awe. Two months premature pero malakas na nagpapalahaw. Nag-uumapaw ang hindi maipaliwanag na damdamin sa dibdib. His throat constricted. His eyes misty.

Welcome, Lawrence Montaño Navarro, Jr.!

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now