26

33.7K 824 65
                                    

"BUT HE'S right, Luke."

"That bastard!" Si Luke na pinukpok ng kamao ang mesa, bahagyang natapon ang kapeng nasa harap nito.

Tinawagan niya itong muli nang makarating siya sa bahay ni Lance. Nagkita sila sa isang burger station. Ipinaalam ang plano ni Lance na pagtungo niya sa Sto. Cristo.

"He has no right, Billie," patuloy ni Luke. "He abandoned you after your marriage and that is enough ground for annulment," pagkatapos ay pinakatitigan siya. "Did you... consummate your marriage with him?"

"Please..." iniwas niya ang mga mata. Sa kabila ng sa isang permisibong bansa siya ipinanganak at nagkaisip ay hindi siya komportable sa ganoong usapan.

"Hindi mo kailangang sumagot," wika nito at nasisiyahang sumandal sa upuan.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi ito naniniwalang inosente si Billie. Not in America, not her age. But now he could understand Billie's aloofness and naivety. A young Amerisian with high morals. He smiled silently. Nasa kamay nito ang isang rare stone.

Ginagap nito ang kamay niya at dinala sa bibig. "We have two major grounds for filing the annulment, honey. Abandonment and non-consummation."

Idinikit niya sa pisngi ang kamay ni Luke. Nakadama siya ng sekyuridad. Kay Luke, she was passive. Walang komplikasyon. He was older and knowledgeable.

"What shall I do now?" she asked wearily.

"For the moment, pagbigyan mo ang gusto ng ex-husband mo," payo nito. "It was probably his ego working overtime at this moment. Hindi niya akalaing mauunahan mo siya roon. Ayon sa resources ko'y gusto niyang pakasalan ang current girl niya, ang socialite na si Charry de Luna. And let's wait and see kung ano ang gagawin ni Charry ngayong narito ka."

PASADO alas-singko at nakatanaw sa bintana ng silid niya si Lance nang bumaba ng sasakyan si Billie. Nakilala niya ang driver at agad ang pagbangon ng galit sa dibdib.

He cancelled his date with Charry nang malamang wala sa bahay ang asawa. Mula opisina ay sa bahay na siya nagtuloy.

Si Billie ay bahagyang nahinto sa pagpasok nang makita ang sports car ni Lance sa garahe. Nilingon si Luke na ngumiti, bahagya iyong nakapagbigay ng assurance sa kanya. Nang paandarin ni Luke ang sasakyan palayo ay tuloy na siyang pumasok sa gate.

Tahimik ang buong kabahayan at tuloy-tuloy siya sa guest room. Umusal ng pasasalamat. Nasa silid marahil nito si Lance kung wala man sa study. Kasalukuyan niyang inaalis ang mga butones ng blouse nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Lance.

"You didn't heed my warning, Billie," he said in calm anger. "You went out with your lover..."

Bahagya siyang kinabahan sa galit na nasa mga mata nito. "P-please try to understand, Lance—"

"Ano ang dapat kong maintindihan, Billie Rose?" His voice chilled her. Napasandal siya sa closet.

She took a deep breath. Ano ang dahilan at matatakot siya sa lalaking ito tulad noon? He couldn't possibly harm her now. Itinaas niya ang mukha.

"Dammit, Lance Navarro, tao ako, hindi laruan o basahan that you can keep and discard anytime you please!" She raised her voice. "Hindi ako sasama sa iyo sa Sto. Cristo and I am marrying Luke Wendell whether you approve or not!"

He was angry and yet he was fascinated by the fire from her eyes like a blue flame. "You want to take a bet, Billie Rose?" he challenged. "How are you gonna do that? Alalahanin mong pinakasalan kita rito sa Pilipinas at walang divorce dito."

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now