32

28.3K 721 10
                                    

HABANG tumataas ang chopper ay nilingon ni Billie Rose si Shadow na itinali ni Lance sa puno. 


"Huwag mo siyang intindihin," wika nito nang makitang nakatanaw pa rin siya sa stallion. 

"Ipakukuha ko iyan sa tauhan pagdating natin sa villa."

Hindi sumagot si Billie. Nanatiling nakatanaw sa labas. Hindi niya makuhang tumingin kay Lance. She couldn't believe the intensity of their lovemaking, on bed of grass, with clothes on. At lalong hindi niya mapaniwalaan ang sariling pagtugon. She responded to him with a wantonness that amazed her.

Bahagya pa siyang napapitlag nang maramdaman ang kamay ni Lance sa buhok niya.

"Inaalis ko lang ang damo sa buhok mo," he teased gently as he showed her the blade of grass na lalo lang nagpamula sa mukha ni Billie.

Bumaba ang tingin ni Lance sa mga labi niya, a little bit swollen from his kisses. Dinama nito iyon na bahagyang nagpasinghap kay Billie. Tila iyon isang kuryenteng idinikit sa kanya. And cursed herself dahil katatapos lang ng masidhing pagtatalik at hindi siya dapat makadama ng ganoon.

"H-how long will you keep me here, Lance?" tanong niya upang iiwas ang isip sa nararamdaman. 


"Not that I don't like it here, kaya lang may trabaho ako sa Colorado at naiwan doon ang kapatid ko. Besides—"

"Pag-usapan natin iyan sa bahay, Billie," kalmanteng sagot ni Lance at ibinaba ang chopper nang unti-unti. "Sinabi sa akin ni Nick na hindi mo tinanggap ang allowance na allocated sa iyo noon pa man. Why?"

She sighed at muling tumingin sa ibaba. Hindi sumagot. Ano ang sasabihin niya? Gusto niyang ingatan ang sandaling namagitan sa kanila sa parang at kung mauuwi sa nakaraan ang pag-uusap ay baka mag-away lang sila. Hindi nagpilit si Lance hanggang sa lumapag na sila at hindi na niya hinintay na umikot sa tabi niya ang asawa at nagmamadaling tumalon pababa.

Nasa ikalawang baitang na siya ng hagdan papanhik nang mapuna si Erlinda na lumabas mula sa silid nito sa ibaba at tutop ang dibdib.

"Lola?" Mabilis siyang bumabang muli at dinaluhan ang matanda. Si Erlinda ay napakapit sa kanya. "A-ano ho ang nangyayari sa inyo?"

"H-hija..."

Sa labas ay tili ni Billie ang biglang nagpatakbo kay Lance papasok. Inabutan niya ang asawang kalong si Erlinda. Magkapanabay ring nagtakbuhan ang mga katulong palapit.

"Lola!"

"Lance, dalhin natin siya sa ospital, please!"

"T-take... care of my... grandson, Billie..." ang huling sinabi ni Erlinda bago pa makalapit si Lance.

Nanlaki ang mga mata ni Billie sa pagkakatitig sa walang-buhay na matandang babae sa kandungan niya. "N-no... no, please!"

"Oh, god!"

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now