22

29.3K 749 44
                                    

MULA sa siwang ng steel gate ay natanaw ni Luke si Lance na lumabas mula sa bahay at lumakad patungo sa gate. Sa nagsasalubong na mga kilay ay nilingon ang ilang reporters na nasa kalsada. Umiiling na muling ibinalik ang tingin kay Lance na nasa bakod na.

"If you're one of the reporters," bungad ni Lance sa may steel gate. "makabubuting—" hindi nito itinuloy ang sasabihin nang mamukhaan ang lalaki.

"Billie's expecting me," wika nito at banayad na ngumiti.

Walang anumang emosyong makikita sa mukha ni Lance at tumingala sa itaas ng bahay. Hindi niya gustong patuluyin ang lalaki pero magpipiyesta lang lalo ang mga reporter. Binuksan ang gate at pinapasok si Luke at hindi pinansin ang pagtawag at paglapit ng mga reporter.

"You must be her ex-husband?" patuloy ni Luke habang umaagapay sa malalaking hakbang ni Lance at suspetsosong hinagod ng tingin ang lalaking naka-bikini trunks pa rin. A mocking brow rose. "Ex? Wala akong natatandaang may legal na patunay na hiwalay na kaming dalawa ng asawa ko, Mister."

"Iyan ang dahilan kaya umuwi ng Pilipinas si Billie, Mr. Navarro," patuloy ni Luke. "Kahapon ay tinawagan niya ako at sinabing mag-uusap kayo and probably have settled everything in the morning. At nagpapasundo siya sa akin bago magtanghali."

"I see," sagot ni Lance sa malamig na tono. "Make yourself comfortable, Mr—"

"Luke Wendell, Mr. Navarro," sagot ni Luke na komportableng umupo sa malambot at malaking sofa. "At tawagin mo akong Luke. I really hope your lawyers will process the legalities fast since Billie and I plan to get married in Colorado pagkatapos maayos ng mga papeles. And... I advice her to settle to a smaller amount of... alimony para wala nang maraming pag-usapan."

Lance stiffened bagaman hindi nagpahalata sa kaharap. Gritting his teeth, patalikod na tumingala sa itaas. Alimony. Ibinalik niya kay Luke ang paningin.

"Ah... yes, the alimony," he said smoothly, humakbang patungo sa minibar. Luke silently hated the calm of the man. Hating Lance dahil wala itong mabasa kahit na anong emosyon sa mukha ng kausap.

Kinuha ni Lance ang isang bote ng brandy at nagsalin sa dalawang kopita. Damn. Hindi siya umiinom nang ganito kaaga but he needed the shot to smoothen his nerves. Hindi niya maintindihan kung saan galing ang galit na nasa dibdib na gusto niyang bigyan ng flying kick ang kaharap.

"At magkano naman kung saka-sakali itong mungkahi mong smaller amount?" he added in dangerous calm. Bitbit sa dalawang kamay ang kopita at walang tinig na inalok sa lalaki ang isa.

Isang ngiti ang pinakawalan ni Luke kasabay ng pag-abot sa alak. "Knowing the Navarro resources, natitiyak kong anumang halaga ang ipagkakaloob mo kay Billie ay hindi makakabawas sa iyo."

Lance took one swallow at hindi niya maiwasan ang roughness sa tinig nang muling magsalita. "I hate subtleties, Mr. Wendell, how much do you think Billie wants para sa alimony?"

Gumawa muna ng ekspresyon sa mukha nito si Luke na tila nag-iisip. "I remembered she said something like... fifteen million, Mr. Navarro, and I agreed with her. Maliit na halaga, hindi ba? to set you both free?"

Ilang sandali ang pinalipas ni Lance bago nagsalita. A faint humourless smile curved his lips at inubos ang laman ng brandy glass. Then gave a fake sigh.

"I wonder where you got the idea that I wanted to be free of my wife, Mr. Wendell. If I did, ako na sana ang unang gumawa ng paraan. At gusto kong ipaalam sa iyong nagbago ang isip ni Billie..."

Nag-angat ng tingin si Luke at nahinto sa ere ang pagdadala sana ng kopita sa bibig.

"What do you mean? Did she... did she ask something lesser?" wika nito, ignoring Lance first statement. Pagkatapos ay ngumiti ito. "Of course, gusto na lang marahil ni Billie na mapadali ang annulment. But you wouldn't do that to her, Mr. Navarro, would you?"

"Of course," sang-ayon ni Lance. "I wouldn't want my wife to settle for less so annulment is out of the question, Mr. Wendell. Billie will remain my wife and as such will be entitled to just more than fifteen million... which is, as you very well know, ay tuldok lamang sa vast resources ng mga Navarro."

Nanlaki ang mga mata ni Luke. "You don't—"

"I really hate to end this conversation, Mr. Wendell," agap niya sa sinasabi ng lalaki. "...but you happened to... interrupt—" he smiled at tumingala sa itaas. "...you know what I mean, we would like to spend the day in bed."

Napatayo bigla si Luke. "Gusto kong makausap si Billie, Mr. Navarro!" wika nito sa mataas na tinig.

"I'll tell her to give you a ring later."

"I need to—"

"Good day, Mr. Wendell." Humakbang si Lance patungo sa pinto at binuksan ito. "And please be kind to close the gate."

Nagpupuyos sa galit na lumabas si Luke habang pasulyap-sulyap sa itaas.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon