31

30.4K 782 52
                                    

MULA sa ere ay nakita ni Lance ang mga baka na itinataboy patungo sa grazing ground ng dalawang ranchero... no, tatlo. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagkakayuko at pagsino sa ikatlong ranchero. Kung hindi siya nagkakamali ay babae ang isa.

Si Billie Rose!

Ibinaba pa niya ang lipad ng chopper at umikot sa kinaroroonan ng mga baka, sa paraang tatakbo ang mga ito sa talagang pagdadalhan at hindi palayo. Nakita niyang tumingala si Billie at kumaway. Gumanti siya ng kaway at sinenyasan ang asawang pumaroon sa isang kapirasong clearing.

Tumango si Billie at agad na pinatakbo ang stallion upang habulin ang chopper.

Nailapag na ni Lance ang helicopter at nakababa na rin subalit malayo pa si Billie bagaman alam niyang mabilis ang takbo ni Shadow. Hindi niya mapigil ang paghanga habang pinanonood ang asawa sa pangangabayo nito patungo sa kanya.

He adored his sister Jenny on horseback and never thought that any woman could look as good as his sister. But Billie Rose was poetry in motion, not even Jennifer Navarro could ride as gracefully as she did. As if she came out straight from the painter's canvass. And she wasn't even wearing a riding habit. Naka-summer printed dress ito. Inililipad ng hangin ang damit kung paanong ganoon din ang dark brown hair na mamula-mula sa sinag ng araw. Billie Rose was the most captivating female he'd seen in a long time.

Sa nakalipas na mga araw ay nililigalig ni Billie ang pag-iisip niya. Kahapon, wala sa loob siyang pumasok sa guest room na para bang makikita niya ang asawa roon. Sa halip, napuna niyang hindi dinala lahat ni Billie ang mga gamit. That was when he saw her album and out of curiosity ay binuklat niya.

Puro larawan ni Franco Navarro ang nasa scrapbook with captions. May mga solo shots at mga larawang may mga kasama ito. Mga larawang kuha may walong taon na ang nakalilipas hanggang sa nakaraang apat na taon. Mga larawang ginupit mula sa magazines at peryodiko. 

Ang iba ay natatandaan niyang nasa pag-iingat ni Nick sa apartment nito. Ang iba ay mula sa family album na iniingatan ni Monica noong nabubuhay pa ito.

Kung bakit may album na ganoon ang asawa ay hindi pa rin niya mahanap ng kasagutan. And she must have stopped collecting his father's photographs months before their wedding.

He walked towards her upang salubungin at ibaba mula sa kabayo subalit hindi pa gaanong nakakahinto si Shadow ay tumalon na si Billie Rose.

Hawak pa rin ni Billie ang renda ni Shadow at hindi malaman kung hahakbang palapit o hindi. Her pulse started to race at the sight of him.

"Hi," bati niya na sinamahan ng alanganing ngiti. Why she missed this insufferable man, beat her. Lance's handsomeness and masculinity had never been in dispute pero nang angkinin siya nito sa unang pagkakataon ay higit pa roon ang gusto niyang isipin sa lalaki. He was devastating.

It has been almost a week mula nang huli silang magkita. Her eyes roamed his body. His hair tied at the back. In round-necked pale yellow shirt na nakapaloob sa lumang maong na hapit sa katawan at leather boots. He was well over six feet and his muscle hardness was no longer hidden by slacks and long sleeves. Lance was a powerful man who walked tall, like some beautiful yet dangerous jungle beast.

Nang gumanti ng ngiti si Lance, the world around her stood still at may palagay siyang kahit ang mga ibon sa paligid ay nagpipigil ng kanilang paghinga.

She wondered anxiously what was the matter with her. Lance wasn't her type, hindi rin niya ginustong magpakasal dito at kaya lamang naiisip niya si Lance sa loob ng tatlong taon at kalahati ay dahil sa ginawa nitong pagta-tattoo sa kanya at ang sirkumstansiya ng kanilang pagpapakasal. All those years, ang nakaukit sa isip niya ay ang galit nito.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon