21

29.1K 697 11
                                    


"WHAT?" hindi makapaniwalang tanong ni Billie. Tama ba ang narinig niya mula rito?

"Ibalik mo sa akin ang perang ipinantubos mo sa ranch ninyo. Iyon ang naging kapalit ng pangalan ko, 'di ba?" he said cruelly. "...and you're free."

Gusto niyang manlumo. Lance couldn't be possibly that ruthless. But she knew he was. Taglay niya ang patunay niyon.

"Y-you know I can't do that..."

"Bakit hindi, Billie? Wala na ang daddy mo at kaya mong ibalik sa akin ang halagang ipinantubos sa ranch, 'di ba?"

"N-nasa pangalan ni Angeli ang ranch." halos hindi lumabas sa bibig niya iyon. Siya mismo ang nagsabi sa ama na ipangalan sa kapatid ang property dahil hindi niya gustong maalala kung paano muling nabalik sa kanila ang lupain. "It's hers legally when she comes to age..."

Muling nagsalubong ang mga kilay ni Lance. "At paano ka?"Itinaas niya ang mukha. "I have my job, Mr. Navarro."

"Then I'm sorry, Billie, hindi kita mapagbibigyan sa gusto mong mangyari," wika nito sa walang emosyong tinig.

"Oh, no," she cried. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka papayag!"

Bahagyang ikiniling ni Lance ang ulo. "I am a businessman, darling. You don't get anything in this world out of nothing. My marriage to you doesn't bother me a bit. Not even as a hindrance to my affairs with your sex. If you want your freedom, fine. But give me something back worthy of it."

Nanlulumong napaupo si Billie. Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Y-you can't do this to me, Lance..."

He twisted his lips in half-amusement, half-boredom. At kung hindi sa sitwasyong kinakaharap niya ay she would find the gesture very sensual.

"The Navarros do not favor divorce, Billie Rose," patuloy nito. "Our marriage had done enough damage between me and my family. At kung hindi dahil sa Mama—"

"But what about me, Lance?" agap niya sa galit at nanlulumong tinig. "I cannot live my life just like this."

Hindi sumagot si Lance. Ilang sandali muna ang pinalipas bago nagsalita. "You've just arrived, Billie," wika nito sa mababang tono. "Bakit hindi mo muna i-relax ang sarili mo? Mamasyal kaya. My car is at your disposal anytime. Pagkatapos ay pag-usapan natin ang problema nang walang tensiyon, okay?"

"But—"

"Oh, c'mon," he urged in a friendly tone at nagpakawala ng isang ngiti. And she found herself slowly melting with that smile, like snow under the sun. "Maybe our marriage wasn't the normal one at hindi tayo nagkaroon ng tsansang makilala ang isa't isa."

"H-hindi na kailangan," mabilis niyang sagot bagaman nalilito sa biglang pagbabago ng mood nito. At lalong higit na nakalito sa kanya ang sariling damdamin. "We will soon part ways kung... kung aasikasuhin mo ang sinasabi ko."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lance. "It isn't that easy, you know. Pero ipinangangako ko sa iyong magiging advantageous para sa atin ang magpalipas muna ng ilang panahon. Tulad ng sinabi mo, we will soon part ways but can't we do it as friends? Hindi tulad noong huli tayong nagkahiwalay."

Bakit nga ba hindi? The Navarros were almost family because of Nick. Banayad siyang tumango. Siya namang pagtunog ng door chime mula sa gate. Parehong natuon sa labas ang tingin nila.

"May... inaasahan kang bisita?"

"It could be the damned reporters na hindi makatiis..."

"Y-you wouldn't let them in, would you?" nag-aalala niyang tanong.

"No," mariing sagot nito. "Malibang may kasamang hindi ko matanggihan. Pumanhik ka na muna," utos nito.

Walang kibong sumunod si Billie. Nagmamadaling pumanhik patungo sa guest room.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon