8

28.6K 716 23
  • इन्हें समर्पित: KimLaqui8
                                    

"ANO ANG pag-uusapan natin, Papa?" tanong niya sa ama na nasa likod ng executive desk nito sa library. Si Beatriz ay nasa settee at sa tingin niya ay natetensiyon.

Itinuro sa kanya ni Franco ang upuan sa harap ng mesa. Naupo ang binata at itinaas ang kaliwang binti sa silya sa tapat.

"Post-accident conference?" biro nito sa ama.

Subalit hindi ngumiti si Franco at nag-alis ng bara ng lalamunan bago nagsalita. "Halos isang buwan na mula nang dumating ka, Lance. At ganoon na rin katagal kang nagkukulong sa bahay. Ni hindi mo hinaharap ang mga kaibigan mong dumadalaw sa iyo... ayaw mo ring mamasyal..."

"Nagsasawa ka na ba sa mukha ko, Papa?" sagot niya habang marahang minamasahe ang kaliwang binti.

Franco could see the silent anger in his son's eyes habang ginagawa ang banayad na pagmamasahe sa sariling binti. Hindi madali para kay Lance na tanggaping matatagalan bago nito mahihiwalayan ang crutch. And knowing his son, baka mas matagal pa kaysa sa sinasabi ng mga doktor dahil inaapura ng anak ang paggamit sa binti bukod pa sa kinasusuklaman nito ang de-oras na pag-inom ng mga kapsula.

"H-hindi iyon ang ibig sabihin ng papa mo, Lance." si Beatriz na humalo sa usapan ng mag-ama.

"Hindi dahil nangyari ang aksidente'y habang panahon ka nang nagkukulong dito sa bahay," patuloy ni Franco. "Nagagawa mong makapaglakad kung hindi sumusumpong ang sakit ng mga binti mo..."

"Not without this damn crutch!"

"Alam nating lahat iyon," mahinahon pa ring wika ni Franco. "Don't you think that's more preferable than sitting all your life in a wheelchair?"

Tumiim ang mukha ni Lance. "Don't beat around the bush, Papa. I can feel it in my bones na hindi iyan ang gusto mong sabihin..."

Nagkatinginan ang mag-asawa. Nasa mukha ni Beatriz ang matinding pag-aalala. May dalawang beses na nag-alis ng bara ng lalamunan si Franco. Tumayo at lumakad patungo sa wine cabinet at nagsalin ng alak sa wine glass. Took a swallow at pagkatapos ay humarap sa anak.

"I have planned for your marriage, Lance,"' he said bluntly.

Napaangat mula sa pagkakahilig sa silya si Lance at iglap na tiningala ang ama. "What?"

Saglit na tinitigan ni Franco ang anak bago inulit ang sinabi. "I said I have planned for your marriage..."

Unti-unti ang pagrehistro sa isip ng binata ang sinabi ng ama. Nangunot ang noo. "Are you—are you out of your mind? Or this is some kind of a joke?"

"Hindi ko ginagawang biro ang ganitong bagay, Lance," pormal na pahayag ni Franco sa pagkamangha ng binata. "You are twenty-six and it's high time you settle down and raise a family."

"That is for me to decide, Papa!" sagot nito sa mataas na tinig.

"Kung hahayaan kitang pagpasyahan sa bagay na iyan, malamang na maghahanap ka ng babaeng carbon copy ng asawa ni Bernard Fortalejo, Lawrence!" Sinikap ni Franco na huwag bahiran ng galit ang tinig. "Which is lunacy!"

Hindi na mapigilan ni Lance ang galit sa mukha. "What has Jewel got to do with this conversation?"

"Because I choose the right woman for you..."

Ilang sandali muna ang pinalipas ni Lance bago nagsalita. Holding on to his temper as much as 

he could. "Unbelievable!" bulalas nito in half-sarcasm, half-anger. "You planned for my marriage without even consulting me and choosing what you called the right woman for me?"

"You've been playing around for so long. Nasa panahon na para mag-asawa ka," kalmanteng pa ring sagot ni Franco.

Tumango-tango ang binata. At sa sarkastikong tono ay: "I see. Kanino mo naman naisip na ipakasal ako?"

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें