27

30.1K 708 8
                                    


MINUTES later, nang kalmante na pareho ang paghinga nilang dalawa ay tumayo si Lance. Yumuko at binuhat siya mula sa carpet at inihiga sa kama. Pagkatapos ay yumuko at dinampot ang briefs.

Sinundan ito ng tingin ni Billie, in all his naked splendor. Ang pawis sa katawan nito ay kumikislap mula sa liwanag ng papalubog na araw. Nilingon siya ni Lance and smiled at her.

"Ano ang iniisip mo?" he asked.

"You're breathtakingly big and beautiful," she said huskily.

He frowned a little. She was so candid in her admiration. Her beautiful eyes roamed his body that for the first time in his life gustong mailang ni Lance. Women admired his body with lust and passion. Pero hindi iyon ang nakikita niya sa mga mata ng asawa. She was surveying him as if his body was a work of art.

"You must have looked like Tito Franco when he was younger..." she whispered and stared at his face.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lance doon. May biglang alaalang gustong pumasok sa isip pero hindi iyon nagkapuwang dahil sa narinig. Itinuloy ang pagsuot ng briefs. Pagkatapos ay yumuko, touched her lips gently with his thumb.

"May narinig akong pumaradang sasakyan sa tapat and I can hear the door chime. Huwag kang lalabas," bilin nito at humakbang patungo sa pinto.

"Do you have to hide me?" her voice in above-whisper, dumapa at niyakap ang unan. Nilingon ni Lance ang asawa. Maliban sa puting kumot that partly covered her buttocks, she was still naked. A picture of seduction and innocence. He fought the sudden urge to get back to her and take her again.

"With your clothes off? yes, sweetheart." isang ngiti ang ibinigay nito. "Diyan ka lang. Huwag kang magbibihis, let's shower together. Titingnan ko lang kung sino ang dumating." Nasa pinto na ito nang muling lumingon. Ilang sandaling tinitigan siya at kasabay ng buntong-hininga ay: 

"Will you forgive me, Billie Rose?"

Hindi siya nagkunwang hindi naintindihan kung ano ang inihihingi nito ng tawad. "You're forgiven."

Banayad na isinara ni Lance ang pinto. Gusto niyang umidlip sandali pero gusto rin niyang malaman kung sino ang dumating. She sighed at pagkatapos ay tumayo at pumasok sa banyo. 

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now