39

28K 689 65
                                    


ALAS-SINGKO pasado na nang makarating ng FNC si Lance at Charry. Wala na rin si Franco na ang sabi ng mga empleyado ay maagang umalis ng opisina. Tinawagan ni Lance sa mansiyon subalit wala ito roon at wala rin si Billie na ayon sa mga katulong ay doon tumuloy.Nagpupuyos sa pinipigil na galit si Lance habang inihatid si Charry sa unit nito.

"Hindi ka ba tutuloy muna?" hikayat ng dalaga nang nasa ibaba na sila ng town house.

"Marami pa akong gagawin, Charry," he answered impatiently. "See you..." pagkasabi niyon ay mabilis na pinatakbo ang sports car.

Nawala ang kalma sa mukha ni Charry at naniningkit ang mga matang sinundan ng tanaw ang papalayong sasakyan.

"GISING ka pa, Milagros?" bungad ni Franco sa mayordoma nang makapasok sila ni Billie.

"Eh, sir, bilin po kasi ni Sir Lance na tawagan siya sa sandaling dumating kayo." Sinulyapan nito nang matalim si Billie na nahinto sa pagpanhik sa hagdan.

"Narito sa Maynila si Lance?" tanong ni Billie at nilingon ang katulong. Sa loob ng tatlong gabi ay wala silang ginawa ni Franco kundi ang kumain sa labas at magtungo ng disco. And she was so happy being with him. Pero hindi rin niya maikakailang nami-miss niya si Lance.

"Opo, ma'am," sagot ng katulong at muling nilingon si Franco. "Tatawagan ko po ba, sir?"

"Matulog ka na, Milagros," utos nito. "Gabi na at tiyak na tulog na rin si Lawrence. Bukas na kami mag-uusap." Tumango ang katulong at tumalikod na.

Si Franco ay sumunod sa manugang sa pag-akyat. Silently admiring the beautiful woman na nauuna nang bahagya sa pagpanhik. Young and beautiful. Just like Beatriz many years ago. Maraming magkatulad na katangian ang dalawa. Ang tanging ipinagkaiba ay ang kulay ng balat. Morena si Beatriz at mestiza si Billie Rose.

Ipinagpasalamat nito nang lihim na nasa ibang bansa si Beatriz. It was a blessing in disguise na nanganak si Kristine dalawang araw bago namatay si Erlinda. He didn't want his wife here. Hindi sa mga panahong ito. He was glad for the three days na magkasama sila ni Billie. He had never felt younger.

At ano ba ang dapat maramdaman nito na malamang sa kanya unang nagka-crush si Billie? That she adored and loved him? She even confessed to him that she kept his photographs. Isang nasisiyahang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

"Well, I'm glad na narito si Lance," lingon ni Billie dito na nagpaangat ng tingin ni Franco. "Hindi ko na kailangang bumalik ng rancho, Papa," patuloy ni Billie sa mabigat na tinig. "We will talk at pagkatapos ay aayusin ko na ang ticket ko pauwi ng Colorado."

Tango lang ang isinagot ni Franco. Nasa itaas na sila nang marinig nito ang tunog ng telepono sa mismong master bedroom. "That must be your husband using my private line." nagmadali itong humakbang patungo sa silid at binuksan ang pinto.

Anim na ring nang damputin ni Franco ang telepono.

SINULYAPAN ni Lance ang malaking relo sa minibar. Alas-dose y media ng hatinggabi. Nakatiim ang mga bagang sa galit na nararamdaman. Marami-rami na rin siyang nainom. Ilang tawag na ang ginawa niya sa bahay ng ama upang alamin kung nakauwi na ito at ang asawa. Subalit iisa ang sagot ng mga katulong: Wala pa ang dalawa. Nagbilin na rin siyang tawagan siya sa sandaling dumating ang mga ito. But at this point in time, tiyak na tulog na ang mga katulong.

Dala ang baso ng alak na humakbang siya patungo sa telepono. Pabalyang idinayal ang numero ng telepono sa silid ng ama. Dalawang ring nang may mag-angat.

"Hello..." si Billie na bahagya pang naghikab.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lance at ang tangkang pagsasalita ay napigil sa lalamunan.

"Hello... sino ito?" ulit ni Billie at nilingon si Franco na papasok sa banyo at nahinto sa paghakbang. Muli siyang nag-hello pero walang sumasagot. "Open ang line pero walang sumasagot but I can hear his breathing," wika niya sa biyenan.

"Some prank calls, darling," sagot ni Franco na tumaas ang sulok ng bibig sa bahagyang pagngiti. "Put it down and get to sleep."

Nagkibit ng mga balikat si Billie at ibinalik sa cradle ang receiver. Si Lance ay inihagis ang telepono sa dingding. Nagpupuyos ang dibdib sa matinding galit. Makapapatay siya ng tao sa sandaling iyon!

Nasa silid ng ama ang asawa niya!Paanong nagawa ni Franco Navarro ang ganito?

Bakit hindi? Remember Monica? Who knows what really happened many years ago? And what about Jerome's girlfriend? Hindi ba at nalaman niya mismo sa bibig ni Franco Navarro na isa sa mga dahilan ng galit ni Jerome dito'y dahil pinakialaman ni Franco ang babaing sana'y pakakasalan nito?

Gusto niyang pangapusan ng hininga. Hindi kayang paniwalaang magagawa ng ama ang ganitong uri ng kataksilan, hindi lamang sa kanya kundi higit sa lahat ay kay Beatriz.At si Billie Rose? Magagawa ba nito iyon?

Hindi ba at inamin mismo nito sa kanya na mas sampung beses nitong pipiliin si Franco kaysa sa kanya? Ilang beses na ba niyang nahuhuli ang malalagkit na tingin na ibinibigay ni Billie Rose sa ama? Ilang beses na rin ba niyang inabutan ang mga ito sa uncompromising situation? At paano ipaliliwanag ni Billie ang album nito na puno ng mga larawan at accomplishment ni Franco Navarro?

Hindi ba at sinabi ng mga katulong na laging hatinggabi na kung umuuwi ang dalawa sa loob ng nakalipas na tatlong araw?

Dammit, but she was a virgin!

Who cares? Hindi naman talagang gustong ipagkaloob ni Billie ang sarili sa kanya. He could give her credit for fighting him hard and let herself be seduced in the end. At hindi sila nagkaroon ni Franco ng pagkakataon tangi lamang nitong umalis ng bansa si Beatriz at namatay naman si Donya Erlinda.

He took his car keys at nagmamadaling lumabas. Anuman ang abutan niya sa mansiyon ay titiyakin niyang aalisin niya si Billie doon. Maaaring tumawag si Beatriz anumang oras at hindi niya kayang isipin ang mangyayari sa ina sa sandaling magkahinala ito. Hindi niya kailanman patatawarin si Franco Navarro.

Ala-una pasado na ng madaling-araw at wala na halos sasakyan sa kalye. Humahagibis ang Alfa Romeo. Ni hindi niya pinapansin ang mga stoplight. Pinanlalabo ng matinding galit ang isip kasama na ang alak na nainom.

Malapit na siya sa may intersection ng Santolan at Ortigas nang matanaw ang dalawang pang-umagang vendors na marahang nagtutulak ng karitong may lamang paninda patawid ng daan.

"Sonofabitch!" mura ni Lance nang muling ibalik ang mga mata sa kalye. Humigpit ang hawak nito sa manibela. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito ay biglang umahon ang takot sa dibdib. And he couldn't hit the break, he was driving too fast at tiyak na tataob ang sports car.Habang palapit sa intersection ay sinubukan nitong ibaba nang unti-unti ang speed.

Ilang metro na lang ang layo ng sasakyan sa panghuling kariton na sa kabiglaanan sa parating na sports car ay napahinto sa gitna ng kalye. Kinabig ni Lance ang manibela pakanan at pabalik upang iiwas. Nagpaikot-ikot ang sasakyan sa intersection habang unti-unting bumababa ang tulin niya. Isang sasakyan mula sa intersection ang biglang lumitaw at bagaman hindi ito mabilis ay tinamaan nito ang hulihang bahagi ng sports car. Pumakabila ito sa rampa habang umahon sa island ang Alfa Romeo. Lance took the risk and hit the break. At kasabay ng paglabas ng air bag ay ang pagtama ng kaliwang bahagi ng hood sa poste ng Meralco.

May pakiramdam si Lance na huminto sa pag-ikot ang mundo. Unti-unti itong kumilos na tila galing sa isang mahabang pagtulog. Sinikap nitong imulat ang namimigat na mga mata. Umangat ang mga kamay upang alisin ang air bag.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now