28

30.3K 774 34
                                    

SI LANCE ay nagtuloy sa sariling kuwarto. Kung sino man ang nasa ibaba ay maghintay ito. Humugot ng maong mula sa cabinet. Hindi na nag-abalang magsuot ng pang-itaas.

He was snapping his jeans nang sandali siyang natilihan. He had never made love to a woman nang walang proteksiyon. Maingat siya roon. Iyon ang cardinal rule nilang magkakapatid. No unwanted pregnancy.

Paanong nawala sa isip niya iyon kanina? Was it because Billie was his wife and subconsciously hindi niya kailangang mag-alala kung magbunga man ang pagtatalik na iyon? But how come he cried her name during the endless climax? Hindi niya iyon ginagawa sa mga nakatalik niya, lest he mixed his girlfriends' names.

And why was the pleasure so intense his body ached to take her again? Why was she affecting him this way? Why was the feeling so different that he couldn't give a name to it? That he even thought Billie Rose gave a new meaning to the word lovemaking? He doesn't give in to emotions so easily. Pero hindi niya maintindihan kung bakit mula nang magkita sila ni Billie ay sarisaring damdamin ang kaybilis nitong pinupukaw.

From tenderness to anger to passion to confusion.

NASA kalagitnaan siya ng hagdan nang matanawang papasok ang mga magulang. He felt like laughing. Nahuhulaan na niyang puputulin ng mga magulang ang bakasyon sa Kristine Resort sa imbitasyon ni Nathaniel sa sandaling mabasa ang mga balita.

"Lance." si Beatriz na nagmamadaling lumapit. "Why can't I reach you through the phone? Totoo ba ang itinawag ni Jenny? Narito ba si Billie Rose?" sunod-sunod nitong tanong.

Napatingala sa kisame si Lance. Naunahan ng kapatid ang mga peryodiko. Hinagkan niya ang ina nang makababa. "Isa-isa lang, Mama," he said in amusing tone at sinulyapan ang ama na nagtuloy sa bar. "First, I took the phone off the hook at totoo ang sinabi ng bunsong anak ninyo. Nasa guest room si Billie..."

"Oh, dear!" bulalas ni Beatriz.

Sa sulok ng mga mata ni Lance ay nakita niyang nahinto sa pagsasalin ng alak ang ama at tumingin sa itaas at muling ibinalik ang mga mata sa kanya.

"I don't want to ask why your wife has finally come home, Lawrence." si Beatriz na kitang-kita ang kasiyahan sa mukha. "I hope hindi mo siya itataboy pabalik ng Colorado!" May banta sa tinig nito.

"Convince her, Mother," matabang niyang sagot. Pagkatapos ay tinitigan ang ama. "You're an expert at that, Papa, 'di ba?" wika niya sa bahagyang nanunuyang tono. "...convincing people. And she wanted annulment."

Ibinagsak ni Franco ang bote ng alak sa bar counter. "And I don't blame her!"

"Franco!" Si Beatriz. Nasa tinig at mga mata ang babala. Pagkatapos ay bumaling sa anak. "Ano ang sinabi mo?"

"What do you want me to say, Mother?" ganting tanong niya.

"All right." si Franco bago pa makapagsalita si Beatriz. "I give up, Lawrence. Inaamin kong nagkamali ako nang ipakasal kita kay Billie. Annul your marriage and make it fast. I know I have been unfair with her. May sariling buhay iyong bata at ikinulong ko sa pagpapakasal sa iyo." Nilingon nito ang asawa. "Tayo nang umuwi, Beatriz."

Alanganing sumunod sa asawa si Beatriz. Nasa gitna na sila ng sala nang mapatingala ito. Nasa bungad ng hagdan si Billie at bumababa.

"Hija..."

Napahinto rin si Franco at tiningala ang manugang, hinintay na makababa siya.

"T-Tita Beatriz," aniya at hinagkan ang pisngi ng matandang babae. Pagkatapos ay nagmamadaling humakbang patungo kay Franco at masuyong yumakap dito. "Hello, Tito Franco..."

Si Lance ay nagsalubong ang mga kilay na pinagmasdan ang asawang kumikislap ang mga matang nakatingala kay Franco Navarro. Ang huli ay nakayakap sa baywang ni Billie.

"How are you, Billie Rose?" masuyong tanong nito. "Hindi ka na nasanay na tawagin kaming mama at papa."

"It doesn't really matter what I call you, does it?" malambing niyang sagot. Pagkatapos ay nilingon si Beatriz na nakamasid lang. "You were on vacation?"

Pormal na ngumiti si Beatriz. "Nagyakag kaagad na umuwi si Franco nang malamang narito ka, Billie Rose."

"Well, this calls for a celebration," nakangising wika ni Franco. Still as handsome as ever. Nilingon ang anak na hindi na naalis ang kunot sa noo. "Magbihis ka, Lance, ikaw rin, Billie. This is my treat para sa inyong mag-asawa."

Gustong tumanggi ni Lance pero wala siyang maidadahilan. At sa duration ng dinner, nakita nito kung gaano kapalagay ang loob ng asawa sa ama. Ipinagsasalubong ng mga kilay nito ang paraan ng titigan ng dalawa sa mismong harap ni Beatriz na walang anumang kumakain at tila hindi binibigyang pansin.

Halos lahat ng usapan ay ginawa nina Franco at Billie. Si Beatriz ay manaka-nakang humahalo sa usapan. Pagkatapos ng dinner ay nagyayang mag-ball room dancing si Franco Navarro. Sa ikalawang pagkakataon ay hindi naisatinig ni Lance ang pagtanggi.

Kung dati ay itinataboy ni Franco ang mga kislap ng mga camera ngayon ay tila hindi nito napapansin iyon. He was alternately dancing with his wife and daughter-in-law. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ni Lance na tila binata ang ama na napapagitnaan ng dalawang magagandang babae.

"Hindi ko alam na mahusay ka sa mga lumang sayaw?" he asked drily when it was his turn to dance with his wife.

"Oh, my mom loved to dance," at sukat sa sinabi ay nawala ang kislap sa mga mata ni Billie kasabay ng pagsulyap kay Franco at Beatriz na nagsasayaw rin.

Sinundan ni Lance ang mga mata niya at nahuli ang kindat na ibinigay ni Franco kay Billie. Then she was smiling again.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now