35

30.3K 750 125
                                    


NASA bintana si Billie at tinatanaw ang dalawa na kararating lang mula sa pamamasyal sa buong rancho. Naunang bumaba ng kabayo si Lance at pagkatapos ay inabot si Charry sa kabayo nito. 


Nakita niya ang kunwang pagkawala ng panimbang ng dalaga at ang sadyang pagyakap kay Lance. Nakita niya rin kung paano inabot ng dalaga ang asawa upang hagkan ito sa mga labi at pagkatapos ay humalakhak.

Ibinaba niya ang kurtina at sumandal sa may bintana. What's wrong with her? Bakit tila may hapding dulot ang tanawing nakita?

Naturally, he's your husband, ang kabilang bahagi ng isip niya. Napailing siya. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon. Having sex with her husband did not guarantee na magiging normal na ang pagsasama nila. In fact, hindi niya alam kung saan siya nakatayo.

"Let's both satisfy the curiosity we have for each other, Billie Rose." Hindi ba at iyon ang sinabi ni Lance sa kanya sa bahay nito? Curiosity. That was all there was to it. Ginamit na lisensiya ni Lance ang pagiging legal nilang mag-asawa para sa lovemaking nila. At pinayagan niya iyon. Wantonly enjoyed and longed for it if truth be told.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at lumabas ng silid. Sa may pasilyo ay nadaanan niya ang bukas na silid ni Franco. Naroon ito at nagsusuot ng pang-itaas. Huminto si Billie sa may bungad.

"May I come in?" aniya.

"Sure, hija, halika't pumasok ka," ani Franco at itinuro ang settee. Nahinto sa pagbubutones ng polo shirt. "May kailangan ka ba?"

"Gusto kong sumama sa inyong pabalik ng Maynila, Papa," aniya.Nagsalubong ang mga kilay ni Franco roon. "Napag-usapan ba ninyo ni Lance ang bagay na iyan?"

She sighed wearily. "You know I love it here, Papa. Pero alam ninyo ang sirkumstansiya ng pagparito ko. Lance thought I'd create scandal kung patuloy na makikipagkita kay Luke."

"Which is understandable," neutral na sagot ni Franco. "You are married to my son, Billie Rose..."

"Thanks to you. My life's miserable," sarkastikong wika niya sa pabulong na paraan. Franco smiled silently.

"I'm sure Lance does not want you to leave the ranch. Why don't you talk it over with him?"

"I don't care what he wants," banayad niyang asik. "He does not even want to talk about it. And he wouldn't agree to an annulment. And, Papa, it may not be right pero obligasyon kong ipaalam kay Luke nang pormal ang tungkol sa amin."

"Do you really have to talk to him?" May warning sa tinig ni Franco na matiim na tinitigan ang manugang. "Hindi ko maaaring salungatin ang gusto ng anak ko sa pananatili mo rito lalo at kaya ka luluwas ng Maynila ay para makipag-usap sa lalaking iyon."

"Papa, please, you knew me better than that," pakiusap niya. "Luke and I planned to marry dahil inaasahan naming papayag si Lance sa annulment considering the circumstances of our marriage. And I just couldn't disappear, could I?"

Matagal na hindi sumagot si Franco. Huminga nang malalim at nilapitan ang manugang. "Very well, isasama kita pabalik ng Maynila ngayon. Pero sa sandaling magkausap kayo ng Luke Wendell na ito'y ipahahatid kita uli dito sa rancho."

Ngumiti si Billie at yumakap sa biyenan. "Thank you, Papa..."

"But promise me one thing, Billie, just this once, hija..."

"THAT was exhilarating, honey." si Charry na nakahawak sa baywang ng lalaki habang pumapanhik sa hagdan. "I never thought I'd enjoy horseback riding..."

"Well, I'm glad you enjoyed today, Charry," ani Lance na ngumiti. Binabagtas na ang pasilyo patungo sa isang guest room kung saan nakatoka sa dalaga. "Sana'y hindi naligaw ang papa mo. Nagkahiwalay tayo..."

"Hindi mawawala ang Papa dito, Lance," nakatawang sagot ni Charry. "Kasama naman niya ang isang tauhan, hindi ba?"

Ang akmang pagsagot ni Lance ay napigil nang mapalingon sa nakabukas na silid ng ama. Ang mga braso nito ay nasa katawan ng asawa habang si Billie ay isa-isang isinasara ang mga butones sa polo shirt ni Franco.



*********Enjoy reading mga beshie, easyhan n'yo lang ahh hahahaha. Mag-ingat kayo mga beshie . Stay safe and God bless. - Admin A *********

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora