20

32K 806 54
                                    

TANGHALI na nang magising si Billie kinabukasan. Wala na rin ang bata sa tabi niya. Kinuha na marahil ng yaya nito. She took time in the shower at ganoon din sa pagbibihis. Lance must be still sleeping.

Wala sa dining room si Lance subalit natuon ang pansin sa labas nang marinig ang splash ng tubig. Her eyes went through the glass wall at mula roon ay nakita si Lance na lumalangoy sa pool. Humakbang siya patungo roon and watched him doing the butterfly strokes. Muscles bunched and stretched. Pabalik na si Lance nang makita siyang nakatayo sa gilid ng pool.

"G-good morning..." tipid siyang ngumiti nang umahon ito and noticed the sudden leap of her heart at the sight of him.

He stood at the pool edge, dark and shimmering mula sa pinagsamang tubig at sinag ng pang-umagang araw. Almost naked in his bikini trunks. Humakbang ito patungo sa kanya habang tumutulo ang tubig sa matipunong katawan nito. His arms and legs were long and powerful beneath the wet skin. Naipon sa likod ang mahabang buhok and water dripping from his hair down to his chest and to his groin like diamonds.

Franco Navarro must have looked like him during his younger days except that Franco was fair at marahil ay kay Beatriz nakuha ni Lance ang pagiging dark.

"Good morning yourself," ani Lance na ngumiti, flashing perfect set of white teeth. "Want to swim?" Hinagod ng tingin ang suot niya, in white walking shorts and white cotton blouse.

"No, thank you," sinabayan niya iyon ng linga sa paligid. "Where are they?" Ang tinutukoy niya ay ang bata at ang yaya nito.

"Kinuha na ng mag-asawa maaga pa lang at hindi kita gustong ipagising though Jenny wanted to say thank you," sagot nito at inabot ang tuwalya at nagpunas ng basang katawan. "Be wifely, Billie, and pour us coffee," he said smiling.

"Of course," aniya at lumapit sa mesa at nagsalin ng kape sa dalawang tasa. "I really need to talk to you, Lance..." tumingin siya rito nang lumapit ito sa mesa at umupo.

"What about?" Dinampot nito ang kape at dinala sa bibig.

"H–hindi ko dinala ang mga gamit ko rito. Wala akong intensiyong dito tumira sa—"Biglang naibaba ni Lance sa platito ang kape at bahagyang natapon. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Bigla siyang nailang sa anyo nito. "Will you stop snapping at me, Lawrence Navarro?" angil niya. "You make me feel nervous. Hindi naman ako ganito sa ibang tao. It must have been the traumatic experience I had with you!"

"Hell!" ani Lance na sinuklay ng mga daliri ang basang buhok. The words hit home at agad na bumangon ang guilt. "Very well. Ano ang ibig mong sabihing hindi mo dala ang mga gamit mo? Didn't you check out of the hotel?"

"I did. Pero nagpahatid ako sa driver sa bahay ni Nick. Kilala ng driver mo ang mga maid doon. I only slept here last night because I promised to be here at dahil gusto kitang makausap. Pero wala akong intensiyong manatili rito. Pagkatapos nating mag-usap ay aalis na ako," tuloy-tuloy niyang sinabi. Hindi pinansin ang paglabas ng matalim na paghinga ng kaharap.

"You don't know what you're doing," ani Lance. Dinampot ang peryodiko sa ibabaw ng mesa at binuklat sa society page. "Come here and see this." hinawakan siya nito sa braso at ipinakita ang mga larawan.

Pilit niyang hindi binigyang pansin ang brasong nakahawak sa kanya at ang init na inilalabas ng hubad nitong katawan at itinuon ang mga mata sa peryodiko.

Lance Navarro's mysterious wife known. A beautiful brunette introduced herself to the shock faces of FNC employees as Mrs. Lance Navarro. It is recalled that the most sought after jet-setter, youngest son of business tycoon Franco Navarro, was rumored to have secretly married the daughter of a family friend barely three months after his accident in Houston more than three years ago. Though the gorgeous jet-setter did not deny rumors about his marriage, his mysterious wife was never known until...

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now