47

162 4 2
                                    

Laro will be having a sequel. Stay tuned!

----------

"Hi Patricia! Congrats sayo ha!" masayang bati ni Kuya Marco pag kapasok ko ng Department. Kukunin ko ang certificate ko kasabay 'non ay ang pag punta ko sa Restaurant ni Kuya Andrei.

"Thank you po, Kuya!" pinaupo ako ni Kuya Marco habang hinahanap niya ang mga files ko. Naglaro na lang ako sa aking cellphone at maya maya lang ay may kumakatok sa pintuan.

"Pasok!" sigaw ni Kuya Marco, bumukas ang pinto at bumungad si Brent at Aljun. Nagulat pa si Aljun na nandidito ako pero si Brent ay nakangiti nang lumalapit sa akin,

"Anong ginagawa mo rito?" takang saad ni Aljun habang papalapit sa pwesto ko.

"Alma mater ko 'tong DLSU, bakit?" mataray kong banggit sa kaniya kaya tinawanan siya ni Brent.

"Aba, ang taray mo porket may jowa kana!" asar niya sa akin kaya agad ko siyang pinanlakihan ng mata,

"Hoy, nililigawan ko palang si Patricia! Tumigil ka diyan!" saad ni Brent at akmang babatukan na si Aljun pero nakaiwas ito tsaka kami inasar asar.

"Sus! In-denial pa rin hanggang ngayon!" sinamaan ko ng tingin si Melecio pero hindi pa rin natigil ang mokong.

"Aljun hayaan mo, pag naging kami ni Brent araw araw kang third wheel sa ayaw at sa gusto mo." sunod sunod kong saad at saglit na natigilan si Kuya Marco sa ginagawa niya. Ang mapang asar na mukha ni Aljun ay napalitan ng nakakalokong ngiti tsaka tumingin kay Brent na parang naestatwa na sa tabi ko.

"Slow motion ba 'to?" natatawa saad ni Aljun tsaka ako tinignan. Napasapo ako sa aking noo nang marealize ko kung anong sinabi ko. Dahan dahan akong tinignan si Brent at nang nakatingin na ako ng diretso ay nakapalumbaba siya at nakangiti na sa akin.

"Mag C.R. lang ako!" mabilis kong sabi at tumakbo palabas ng Department. Nakakahiya ka, Pat!!!

After namin kuhanin ang mga files at certificate ko ay sabay sabay na kami nila Aljun na pumunta sa Restaurant ni Kuya Andrei. May mini fan meeting kasi siya at ang surprise niya sa fans ay ang Green Archers.

I saw familiar faces ng makarating kami sa venue. His admins greeted me at naalala pa ako nung unang meeting, I sat with Ate Yna and talking to her about Brent dahil nalaman niya na rin na nanliligaw ito.

Paano ba naman, kulang nalang ay inannounce ni Brent ang panliligaw niya sa mundo.

The event was successful. I had a great time again with Kuya's fans, kung sino man ang pinaka mabait na nakilala ko ay sila iyon. May mga regalo pa ang iba, kaya naman ng mag picture taking na ay kinuha ko sa isang admin ay hawak nitong camera,

"Go! Kuya Drei! Picture!" she was in shocked when Kuya Andrei showed on her back. Inakbayan siya nito, maya maya lang ay nagsulputan na ang Archers sa frame.

"Thank you sa effort ninyong pag punta! Mag ingat kayo pauwi ha!" Kuya and the Archers waved at them. Nag flying kiss pa nga ang mga ito.

After mawala ng mga tao ay nagpaserve ulit si Kuya Andrei ng dinner. It was past 8pm so gutom na rin kami.

"Kain ka pa. Eto oh, masarap." saad ni Brent habang nilalagyan ng buttered shrimp ang plato ko. Napatingin ako sa tapat namin at ngiting ngiti si Ate Yna at Vince sa amin,

"Pre alam mo ba nakita ko kayo 'non sa seven eleven." pagkukwento ni Vince kaya natigilan ako sa pagkain. Napatingin ako kay Vince at nilakihan siya ng mata. Nagtataka naman si Brent at iniisip kung kelan iyon,

"Ah! Oo, nakasalubong ko lang siya 'non eh! Torpe pa 'ko 'non pre!" natatawa niyang saad ng malala ang pag uusap namin sa convenient store.

Normal na lang kay Brent ang pagkukwento niya kung gaano siya ka torpe dati. Tinatawanan na niya lang minsan.

LaroNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ