37

160 8 0
                                    

"Gising na siya, bro.."

"Wag kayong maingay, hayaan niyo na muna magpahinga..."

Unti unti kong minulat ang mga mata ko, bumungad si Kuya Drei, Vince, Brent, Aljun at Ricci sa akin. "Kuya, bakit ako nasa clinic?" nag tataka kong saad kay Kuya Andrei. Ang huling alala ko ay nasa parking lot ako, nakikipag usap kay Roch tapos, bakit ako napunta rito?

"Nag ka over fatigue ka. Sabi ng nurse ilang weeks kana sigurong puyat at walang masyadong kain." Hindi na ako nakasagot, totoo naman kasi. Wala akong gana at hindi ko alam kung bakit, kung kakain man ako apple nalang o di kaya ay kung anong prutas ang meron sa condo ko, madalas rin akong puyat hindi ko alam kung bakit pati sa minor subjects nappressure ako.

"Are you not taking of yourself again, Patricia?" seryosong saad ni Vince sa sakin. They were the ones na sobrang concerned sa akin dahil kilala nila ako simula pag kabata kapag ka sinusugod sa ospital dahil lang sa over fatigue.

"Huwag niyo na muna pagalitan, Pat oh kumain ka." kung meron man akong kakampi ngayon ay si Aljun yon, inalalayan niya akong umupo at naglagay ng unan sa likuran ko tsaka kinuha ang bed table at nilapag ang mga pagkain doon, "Stress na nga eh, pinapagalitan niyo pa." napabuntong hininga nalang si Kuya Andrei at Vince tsaka humalik sa noo ko at nagpaalam na bibili lang rin ng kung ano pang pwede kong kainin.

"Thanks, Jun jay.." nakangiting banggit ko sa kaniya at ang kaninang seryosong mukha ni Aljun ay napalitan na ng ngiti. "Bro, galing ko 'don ha!" natatawang saad ni Ricci at nakipag apir pa kay Aljun, si Brent tinitignan lang sila at umupo pa sa tabi ko.

"Wow, pasyente ka rin?" pag puna ni Aljun sa kaniya pero hindi siya pinansin ni Brent at binuksan ang mga container at kumuha ng kutsara para subuan ako, "Hoy, hindi pilay si Patricia!" natatawang banggit ni Ricci at hinahawi hawi pa ang kamay ni Brent.
Natatawa lang ako sa kanila dahil hindi ako masubuan ni Brent ng maayos, hinaharang harang ni Aljun ang braso niya at kinukuha pa ang mga pagkain. Kanina lang gusto niya kong pakainin ngayon naman pinapatagal niya pa?!

"Jun! Cci! Gutom na ako!!" maktol ko sa kanila kaya napatigil na sila, "Kasi eh kukulit eh." tsaka lang tumigil sila Aljun sa pag aasaran.

Pinanood lang ako ng tatlo na kumain, pagkatapos 'non ay chineck ako ng nurse at sinabihan na pwede nang umalis at pumirma ng waiver. Pinirmahan ko iyon, pagkatapos ay pumunta na kaming parking lot nila Aljun.

"Pat.."

"Bakit ka nandito, Thea?" pagod kong sabi.

"Gusto ko lang mag sorry, Pat.. I'm sorry.." napapaos niyang sabi. Nakatingin lang sa kanila si Aljun, ako naman ay nasa likuran ni Brent dahil baka daw mamaya ay may biglang sumugod nanaman sa akin.

"Kakalabas lang niya sa clinic, kailangan niyang magpahinga." seryosong sabi ni Brent tsaka tinignan si Thea, "Kelan niyo ba titigilan si Patricia?" nag iba na ang tono ng boses ni Brent kaya napaatras si Thea.

"Brent.." Brent looked at me, ngumiti ako sa kaniya at humingang malalim siya bago ikalma ang sarili.

"I'm not in the mood to hear any of your excuses or apologies, Thea. I'm tired. I need to rest for a mean time. Let's just talk when everything is fine. Take care." tumango siya sa sinabi ko at umalis sa harapan ng kotse ko. Pumasok ako sa kotse at dumiretso ng tingin ng makita siyang nasa gilid, nakayuko at umiiyak. Napapikit nalang ako, pinipigilan ang sarili kong umiyak, sa lahat ng kaibigan ko siya ang pinaka kaclose ko at hindi ko kailan man maisip kung bakit niya nagawang pagtakpan si Roch at Stella.

"What? Are you quitting on Tankers, Patricia?" Coach sounded so disappointed when I gave him my letter.

"I'm so sorry coach, I just can't do any other activities right now. Nadala po ako sa clinic last week and I think I'm not capable of attending our trainings as well," sunod sunod kong sabi. Coach sighed before signing my papers, "You are such a great, athlete Patricia. I hope we can meet again soon, You are always welcome on my team.." niyakap ko si Coach at ganon din siya sa akin. Kung meron man akong maituturing na tatay ay walang iba kundi siya, sa tuwing nabibigyan ako ng award ay siya na ang kasama ko. He taught me a lot of things not just on sports but also in life. He really is the father to me..

"Paalam ka muna sa team.." I smiled at Coach at sinabayan sa paglalakad papunta sa mga team mates kong nag w-warm up. Roch at Stella was there, they stopped when Coach called them all.

"I'm no longer a Tanker. I just want to say thank you for all the memories we've been through as a team. Thank you for accepting me and believing in me since day one. I will miss you all. This has been your favorite rookie, Patricia Eunice Caracut." my team mates hugged me. Tanging natitira nalang ay si Roch at Stella. Roch kept looking at us while Stella was just talking to him.

"Mamimiss ka namin, ate!" one of the Rookie said. I smiled at her, "Good luck okay? Palitan mo na ako bilang favorite Rookie."

I let out a big sighed before closing my locker. Kinuha ko na lahat ng natitira kong gamit, after neto ay balak kong puntahan sila Kuya Drei na nagttraining ngayon. Palabas na ako ng swimming pool area ng makasalubong ko si Roch, natigilan siya ng magtama ang paningin namin. Tinaasan ko lang siya ng kilay tsaka dumiretso sa paglalakad,

"Are you really leaving the team because of me? or us?" I turned my back on him,

"Who do you think you are to say that? I'm not leaving because of you or Stella. I need a break." matalim kong sabi.

"Pero, Pat this is your dream 'diba? Eto ang pangarap mo 'noon pa..." natawa ako sa sinabi niya.

"At kelan ka pa naging concern sa mga pangarap ko simula ng lokohin mo ko?" umiwas siya ng tingin sa akin, "Can you please stop talking to me? Na parang wala nalang lahat? I'm chasing my dreams, with or without you."

————
end of chapter 41

Hi, I just wanted to say thank you to all of my readers who patiently waited for this story to be continued again. Thank you for voting as well, stay at home and stay safe guys! 🤍

LaroWhere stories live. Discover now