28

192 3 2
                                    

Lumipas ang tatlong araw, napagpasyahan kong makipag usap na kay Roch dahil gusto ko nang matapos 'tong away namin, at masalba pa kung anong meron sa amin. Sa isang pamilyar na café ako nakipagkita kung saan kami palagi nag pupunta kapag ka nag aaya siyang mag breakfast,

"Good morning, Mam Pat!" bati sa akin ng isang barista na si Ate Ishi. Isa sa mga paborito kong barista ng café na 'to at palaging nag se-serve sa amin ni Roch ng paborito naming kape, "Good morning, Ate." nakangiting banggit ko sa kaniya at mukhang may hinahanap siyang kasama ko dapat ngayon, "Where is your lover boy?" mapang asar niyang tanong sa akin, "Papunta pa lang po eh, same order Ate Ish." saad ko at tsaka iniabot ang bayad namin at pumunta sa pinakadulo ng café kung saan kami palaging nakapwesto ni Roch. Ang ambiance ng café na 'to ang nagpakalma sa akin, the combination of pastel pink and gray colors filled with small details of stars, moon and other aesthetic designs are truly relaxing. They have a lot of bible verses here na nakalagay sa iilang walls ng café na ito, yung pa music nila, puro OPM o di kaya naman ay puro Worship songs. Mga mistulang maliliit na bahay ang pwede mong upuan ang nandidito, samahan mo pa ng malalaking mga unan, airconditioned na mas malamig pa sa Starbucks at mga kumot na libre nilang pinapagamit. Maayos at malinis ang café na ito dahil ang kwento ni Ate Ish 'non ay isang Doctor ang may-ari nito. Naisipan niyang maglagay ng ganito para sa mga estudyanteng gustong mag aral ng maayos at matiwasay. Dalawang parte ang meron sa café, meron para sa mga mag aaral at kailangan ng tahimik na lugar at meron naman para sa mga gusto lang mag hang out. Habang hinihintay ko ang order ko ay nag text na si Roch na nasa parking lot na, at ako inihahanda ko ang sarili ko sa mga posibleng mangyari ngayong araw. Wala parin kaming pasok dahil inaayos pa ang schedule namin, ang mga prof naman namin ay nasa mga seminar pa kaya sa susunod na buwan pa kami makakapag resume ng klase.

Kasabay ng order ko ang pagdating ni Roch at siya na ang nagdala nito sa aming pwesto. Kitang kita ko ang pag aalala at pangungulila ng mga mata niya ng tumingin sa akin na siyang nagpatunaw ng aking puso.. Miss din kita, Roch. Pag kalapag niya ng tray namin ay agad niyang hinawakan ang dalawang kamay ko na nakapatong sa table at hinalikan ito ng paulit ulit,

"I miss you so much.." mahinang banggit niya habang nakahawak parin sa mga iyon, "How are you?" bakas sa kaniyang pananalita ang pag aalala sa akin. Ngumiti ako ng bahagya tsaka sumagot, "I'm fine... Ikaw ba?" tanong ko sa kaniya. Inaasahan na magsasabi o magkukwento siya ng totoo sa akin, "I'm fine as long as you're fine.. I missed you so much.." mahinang saad niya pero sapat na iyon para marinig ko. Bumitaw siya saglit sa isa kong kamay para makainom ako ng kape ko. Nang matapos kong humigop saglit ay tumingin na ako sa kaniya, nanatili siyang nakatingin sa akin at ganon parin ang mga mata. Kumpara sa iba, mabilis kong mabasa ang mga mata ni Roch kaya naman alam ko na agad kung anong nasa isipan niya,

"I missed you, more..." saad ko na nagpagulat sa kaniya at dali daliang pumunta sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit, "I'm really sorry baby.. I'm sorry.." naiiyak niyang banggit kaya hinagod ko ang likod niya. Nanatili ang ganoon posisyon namin hanggang sa kumalma siya, ipinahiga niya ako sa kaniyang dibdib at ipinatong ang baba niya sa ulo ko at hinahalikan halikan iyon,

"Stella's back.. I know na hindi ko pa siya nakukwento sayo, hindi ko kasi alam kung paano siya ikukwento dahil sa tuwing magkukwento ako ay bumabalik lang ang sakit.." saad niya kaya pinagsikop ko ang mga kamay namin tsaka hinalikan ang palad niya, "Go on, I'll listen.."saad ko sa kaniya at tumingala, hinalikan niya ang noo ko tsaka nag kwento ulit, "She's my great love way back in Highschool and Senior High. Nagkakilala kami dahil she likes to swim too, at nakiki training na siya sa tankers 'non. I got a chance na makausap siya ng maging mag kaklase kami sa isang subject. Tapos nagsunod sunod na ang hangout with friends, hanggang sa kami nalang dalawa ang natirang lumalabas.." saglit na huminto si Roch at inabot ng isang kamay niya ang kape niya tsaka tumikim 'non.

LaroNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ