2

884 15 2
                                    

It's been five months since I got here sa La Salle, nasanay na 'ko sa mga tao dito. Natanggap din ako bilang isang DLSU Tankers nang mag try-outs ako, I'm a swimmer since six years old dahil nga taga Batangas ako ay ang dagat ang naging libangan ko dito. Nag su-surfing ako dahil natuto ako sa mga kakilala ko don. Hindi na mahirap sa akin ang training sa La Salle dahil nga nung nasa Batangas palang ako ay wala akong ibang training ground kundi ang dagat dun. Bukod don, natuto rin akong umasikaso ng mga players na may cramps o injury. Kaya ko kinuha ang course ko ngayon,

"You ready?" tanong ni Roch sa akin. It's our special day, first time kong maglalaro for DLSU ngayong araw. "Always ready, Santos." nakangiti kong banggit sa kaniya. Sumilip ako saglit at naaninag sila Kuya Drei. Speaking of them; mas naging close ko silamg lahat dahil palagi na silang tumatambay sa condo ko. Ang dami ko na ngang Kuya, minsan kasama na rin nila kong pag triphan si Baltea o kaya si Daddy Ben.

"1 minute and 30 seconds ang hahabulin mong interval sa defending champs, Pat. Ready?" tumango ako kay Roch, "Roch, Dagat nga nalalangoy ko ng mabilis eh. Pool pa kaya?" pumwesto na ako dahil ako na ang unang sasalang, last year kasi winarm- up lang ako at nakuha bilang Rookie of the Year; simula non ay tutok na si Coach sa akin. Kung sakaling mapanalo ko ito ay makukuha na namin ang Championship, Si Roch ay nanatiling nakaalalay sa akin in case na hindi ko makayanan.

Hinintay namin ang pito ng referee,

Ready

Get set

Go.

Agad akong tumalon at lumangoy ng mas mabilis, hindi ko na tinignan ang mga kalabanan ko dahil baka ma distract lang ako. Naaninag ko na ang finish line kaya lahat ng lakas ko ay binigay ko na para makarating don,

"CARACUT DIVES FASTER AND SHE'S LEADING TO THE FINISH LINE!!"

"AND THE DLSU GREEN TANKERS BRING BACK THEIR CHAMPIONSHIP!!!!"

Narinig kong naghiyawan ang mga tao sa Complex at agad akong binuhat ng mga team mates ko,
"The rookie of the year really proves herself this time!! Congratulations, DLSU Green Tankers! And to our, reigning ROY; Patricia Eunice Caracut who is making her name in this Swimming Competition!" the announcer said as the place filled with white & green confetti, The complex was screaming our school chants and taking pictures of us.

"Congrats!" Roch hugged me and kiss me on the forehead kaya nagulat ako, "Thank you, RS!" I said and smiled at him. Hindi tinanggal ni Roch ang kamay nya sa balikat ko. Pinagpunas kami ng aming Coach at isinuot ang championship shirt namin. "PATRICA!! Congrats!!" salubong nila Kuya Drei sakin tsaka ako niyakap, "Aww thank you mga Kuya!" they even made a banner for me! This cute guys! "Congrats Patchi!!!" Tin hugged me and inutusan si Kuya Drei na kuhanan kami ng picture after that ay sumama naman siya at si Aljun ang kumuha ng picture samin, "Caracut na talaga 'tong si Ernestine eh!" asar ni Ate Des at hinug ako para i-congrats at sabay bumulong, "Your boy FRIEND is so proud of you," nguso niya kay Roch na pasulyap sulyap sakin habang nakikipag picture kila Brent.

"Ewan ko sayo Achi! Thank you po!" nang matapos ang walang humpay na picturhan ko kasama ang Archers at mga girl friends nila, well si Kuya Drei at Kib lang naman ang may mga girl friend ay nag aya na ang team para sa isang victory dinner. Humiwalay na sa akin sila Kuya Drei dahil sa bus kami sasakay. Nag shower ako saglit at nagpalit ng isang black shorts namin at isang plain v neck shirt, dala ko din ang jacket ko kaya sinuot ko iyon. Tumabi ako kay Roch sa bus at habang nag susuklay ako ng buhok ay walang humpay siyang nag I-IG story,

Look who's with me!! Say hi to our lucky charm, patchabs!!

Itinututok sakin ni Roch ang cam ng phone nya at wala akong nagawa kundi ngumiti habang nagsusuklay ng buhok ko, "Papaganda pa. Maganda na naman," naririnig kong saad niya ng maglagay ako ng facial cream sa mukha ko. Tinulungan ako ni Roch na mag ayos at siya ang nag suklay ng buhok ko na hanggang shoulder lang naman ang haba. I don't really like long hairs kasi sobrang hassle lang

LaroOù les histoires vivent. Découvrez maintenant