3

637 12 5
                                    

Midterm exams are approaching at kasalukuyan kaming nasa library para mag review. It's been eight months since our championship at balik pag-aaral na kami. I'm with my blockmates. Thea, Cleo, Clea, Alex & Mike. Tahimik kaming nagbabasa ng mga topics na lalabas sa aming exams habang ang iba kong ka block na nandito ay naghihiraman ng notes.

Humikab ako tsaka nag stretching pa dahil nakakangawit. Wala kaming prof ngayon pero imbis na mag chill ay minabuti naming mag review. Mabilis kong tinakpan ang mukha ko ng maabutan akong nakahikab ni Brent na katapat pala ng table namin. Nakangiti siya ng kaunti sa akin at nag silent pose pa tsaka nginuso ang librarian. Natatawa akong nag peace sign tsaka bumalik sa pagrereview. Si Brent ang madalang kong makausap sa Archers dahil palagi siyang busy, nag p-phone o di kaya naman ay tulog. Naalala ko nanaman nung time na niyakap ko siya dahil sa sobrang lungkot ko 'non. Nakakahiya pero hindi na kasi namin pinagusapan 'yon eh. Walang may alam 'non kundi kami lang dalawa, unless may nakakita samin 'non.

1 message from: Roch the pugy:
Hey, san ka? Wala na ko class.

I'm at the library. I'm studying! No distractions please!

Hindi na nagreply si Roch sa akin pero maya maya lang ay may biglang nagtakip ng mata ko. Pabango palang alam na kung sino, "Sabi ko no distractions diba!" mahina kong saad at humila siya ng isang upuan para makaupo sa tabi ko, "Ay sus. Namiss pa si Pat." asar ni Clea sa kaniya ay natawa naman ang iba kong kasama sa table na 'to.

"Nadi-distract sakin, uy crush ako!" tinakpan ko ang bibig ni Roch dahil napatingin sa amin yung librarian tsaka pinanlakihan kami ng mata. "Stop!" inis kong saad sa kaniya tsaka seryosong nagbasa ulit. Nang lingunin ko siya ay inayos nya ang upuan nya at ginawang unan ang mga braso niya tsaka maigiting akong tinignan. "Matunaw naman yan huy," Asar ni Thea sa kaniya at binatukan pa si Roch pero wala itong reaksyon tsaka nagpatuloy sa pag titig sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako na co-conscious sa lalaking 'to eh mag tataon na simula nung makilala ko 'to. He's acting extra sweet lately, minsan hinahatid sundo ako, tapos sabay kami mag lunch, binibitvit ang training bag ko at palagi akong may pabaon na forehead kiss sa kaniya kapag inihahatid ako pauwi papunta condo. I honestly don't know how to react on that, kay Thea ko lang sinasabi yan at napapansin niya din ang pagiging madikit ni Roch sa akin. Ang sabi niya ay mag go with the flow nalang ako but how?! Guys, Rochmond Santos is the perfect description of Tall, Dark & Handsome!

Natapos ang pag babasa namin ay iniwan na ako nila Thea dahil may aasikasuhin daw sila pero ang totoo naman ay iiwan lang nila ko kay Roch, magkasama kami ngayon dahil nag-aya ang mokong na mag Ice cream kami. Pumunta kami sa 7/11 at bumili ng dalawang solo gallon na ice cream tsaka nag request ng dalawang kutsara,

"How's your cramps?" tanong ko dahil nung nakaraang linggo ay napaiyak siya nito habang nasa training kami. "Getting better, galing ng PT ko eh," nakangiting banggit niya at kumindat pa sa akin. Bukod sa aming PT ay ako ang nag assist sa kaniya dahil may alam na nga rin ako sa mga ganitong sitwasyon at ang mokong ay mukhang tuwang tuwa sa ganong set-up.

"Uy oh, sila Aljun!" sambit niya tsaka tinuro gamit ang kutsara niya sila Aljun na tatawid at mukhang papunta dito. He's with Kuya Drei, Ricci, Kib and Brent.

Kumaway ako ng lumingon sa gawi namin si Kuya Drei, agad akong inismiran ni Kuya Drei tsaka nag popose pa ng heart sign ng makitang mag kasama kami ni Roch,

"Bro," bati niya sa mga 'to. Nabanggit ko bang pati ang Archers lalo na si Kuya Drei ay nagawa niyang maging close? "Dating at the convenient store ha? Enjoy ba?" asar ni Aljun sakin at agad ko siyang sinapak. Nagtama ang mata namin ni Brent at agad ko siyang nginitian. Tipid siyang ngumiti sa akin tsaka inaya na si Ricci sa kung ano man na bibilhin nila. Nakipag usap sila Aljun kay Roch at iniintriga pa kami kung bakit palagi nila kaming naabutan na mag kasama, "Kayo naturingan na lalaki ang daming issue sa buhay!" sabat ko sa kanila ng paulanan nila ng tanong si Roch, "Ayan syempre isa-save ng girl si boy para hindi mabuking!" nagtawanan silang lahat pero mukhang may isang seryosong nakikinig lang sa amin, "You okay?" Brent noods at ngumiti nalang sa akin.

"Oh drei, papasaba ba 'tong si Santos?" saad ni Aljun at inakbayan pa si Roch, "Syempre naman! Kung saan sasaya 'to eh,"hinilamos ko sa mukha ni Kuya Drei ang panyo ko tsaka nag ayang umalis na don. Kumaway sila sa akin dahil may mga klase pa yang mga yan. As usual, hatid sundo by Roch Santos, babaeng babae ang peg ng watashi mae!

"Ikaw nawiwili kana ihatid ako," asar ko sa kaniya tsaka siya umakbay sa akin at pinindot ang floor ng condo ko, "Syempre, nasosolo kaya kita." hindi ko alam kung namula ba ako don, kinilig o talagang mainit lang kasi sa Pilipinas?
Pagkarating namin ng condo ko ay ginawa ni Roch ang palagi niyang ginagawa kapag umuuwi na siya,

"Take care, chabs! I got you always!" He said as he kissed my forehead and we bid our good byes.

Nagbihis ako ng pambahay kong damit tsaka nang scroll lang sa phone ko,

@rochmond_ tagged you in a post;

when she's so serious.. how could you be so gorgeous? hi chabs & to your hidden double chin!! @paaatcaracut_

Confirmed. Mainit lang talaga sa Pilipinas pero, kinikilig ako.


-----end of chapter 3

LaroWhere stories live. Discover now