44

158 2 1
                                    

"Daddy, gising ka na.. Favorite natin oh! Tapasilog dala sakin nila Kuya Andrei.." patuloy ko paring kinakausap si Daddy. Dumaan sila Kuya Andrei kasama si Aljun, Brent, Ricci at Kuya Marco.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang hinuhugasan ang mga dala nilang prutas, "Kain rin kayo.." pag aalok ko sa kanila.

Nakatingin lang sa akin sila Ricci at pilit na pinapagaan ang loob ko. Gustuhin ko man na sumaya kahit saglit ay hindi ko magawa, hindi ko alam kung hanggang kelan ganito ang magiging set-up ko at kung anong mangyayari sakin dahil one week lang ang bakasyon ko.

"Pat, I can excuse you sa mga classes mo pang need na i-take after ng OJT mo ulit sa Lady Spikers.." ngumiti ako kay Kuya Marco tsaka umiling,

"Huwag na po, Kuya.. Kaya ko naman po. Pupwede naman pong dito ako mag aral sa tabi ni Daddy para mabantayan ko rin po siya.." saglit akong lumingon kay Daddy.

"Mas sisipagin akong mag-aral at magtapos ng college habang nasa tabi ko siya.."

Kung meron mang magandang parte ang pangyayaring ito ay iyon ay mag aral sa tabi ng aking Ama. Bata palang ako ay pangarap ko ng magbasa, magsulat, kumanta ng mga pang batang kanta, mag kulay at mag aral kasama ang aking mga magulang. Dahil nga wala silang panahon para sa ganoong bagay, madalas akong mag-aral mag isa, minsan kila Kuya Andrei. Pero madalas, si Manang o kaya ako lang ang mag isang nagsusulat at nagkukulay.
Siguro sa ganitong paraan ay pupwedeng matupad ang pangarap kong iyon.

Pagkatapos kumain ay dumating si Mama para dumalaw saglit kay Daddy. Nakatingin lang ako sa kaniya habang sila Kuya Andrei ay lumabas muna ng kwarto,

"Are you still working, Ma? Baka pwede ka munag mag leave kahit ilang araw lang." maingat kong sabi.

Nilingon niya ako kaya napaatras ako ng kaunti.

"I won't leave on work, Pat. I can't. Maraming naiwang trabaho ang Daddy mo kaya kailangan ko iyong asikasuhin." walang buhay niyang sabi sa akin.

"You have a lot of workers, Ma.. Kailangan tayo ni Daddy." pagod kong sabi.

"Can you please at least understand the situation of our company!?" nagtaas ang boses niya kaya malalim akong nag buntong hininga tsaka hinarap siya,

"Why would I? Mas uunahin mo pa yan kesa sa lagay ni Daddy?" naiinis kong sabi sa kaniya. Nakita ko ang pagtaas niya ng kilay at pagbago ng ekspresyon ng mga mata niya.

"Magsama kayo ng Daddy mo! Parehas kayong 'di nagpapahalaga sa trabaho!" agad na nag igting ang panga ko sa narinig ko tsaka binuksan ang pintuan ng kwarto namin,

"Umalis kana, Ma. Hindi ka namin kailangan."

Ang sumunod na ginawa niya ang dahilan ng tuluyan kong pang hihina.

"Bakit mo sinampal ang anak mo?!" gulat na saad ng Mama ni Kuya Andrei na kakarating lang.

"Walang respeto 'yang bata na 'yan!" galit na saad ni Mama,

"Mas wala kayong respeto kay Daddy! Mas uunahin mo pa yang pinakamamahal mong trabaho kesa sa asawa mong nag aagaw buhay na!" galit kong saad. Pilit na inaawat ni Tita si Mama dahil babalakin niya ulit akong saktan,

"Sige, Ma! Saktan mo ko ulit! Wala na akong pakialam! Magpakalulong ka sa trabaho mo!" kumawala ako sa pagkakakapit ni Tita tsaka tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Nagulat sila Kuya Andrei ng makita ako at nang susubukan akong lapitan ni Brent ay pinigil siya nito.

Napatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa emergency stairs ng ospital. Nanghihina akong naupo doon at dinukdok ang ulo ko sa mga hita ko. Hindi ako makapaniwala sa inasal ko pero mas lalong hindi ako makapaniwala sa desisyon ng nanay ko, alam kong importante sa kaniya ang trabaho niya pero hindi ko akalaing aabot sa ganitong punto,

LaroWhere stories live. Discover now